Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paano Maging Mapagpasalamat Para sa Iyong BuhayHalimbawa

How to Be Grateful for Your Life

ARAW 5 NG 5

Pananalapi

Alam mo bang tinatalakay sa Biblia ang patungkol sa pera, mga ari-arian, at sa pag-iipon ng kayamanan sa higit sa 2,000 na bersikulo? Ang totoo nito, 11 sa 39 na talinghagang itinuro ni Jesus ay patungkol sa mismong paksang iyan. Hindi siguro kalabisang sabihing alam ng Diyos na magkakaroon ng tukso at inklinasyon sa hindi maayos na pangangasiwa ng salapi. 

Nakakalungkot, mahal at iniidolo natin ang salapi nang higit sa dapat. Madalas ay hangad natin ang higit pa sana. At iniisip natin na ang isang ari-arian o halaga ng salapi ang maghahatid ng patuloy na pagpapasalamat, ngunit ang katotohanan, ito'y pansamantalang kaginhawahan lang na kakailanganing busugin muli.

Sabi sa Santiago 1:17 (RTPV05) na buhat sa Diyos ang “lahat ng mabuti at ganap na kaloob,” at kung ilalapat natin ito sa ating sarili, mababago ang ating pananaw patungkol sa ating pananalapi. Konsiderahin natin ang mga mungkahing ito patungkol sa pagpapalago ng ating pagiging mapagpasalamat sa dakong ito:

  • Kung saan ka nakatira. Malaki man o maliit ang ating tirahan, ang karamihan sa atin ay may natutuluyan. Pasalamatan natin ang Diyos sa kaloob na tirahan anuman ang laki o estilo nito.
  • Kung ano ang mayroon ka. Ang marami sa atin ay may mga damit na hidi natin sinusuot, at may kakayahang makapakinig ng musika o makapagbasa ng mga aklat sa isang aparatong nakakakuha ng anumang impormasyong mahanap natin. Ngunit hinahangad pa rin natin ang kung ano ang wala tayo. Mag-ukol ng panahong baguhin ang iyong pag-iisip at pasalamatan ang Diyos sa probisyon na mapasaiyo kung ano ang mayroon ka.
  • Kaginhawahan. Kung ikaw ay may kakayahang makakuha ng tubig sa isang pihit ng gripo o makabili ng pagkain mula sa groseri, ikaw ay mas pinagpala kaysa karamihan sa mundo. Pasalamatan ang Diyos para sa kaloob na mga kaginhawahang ito. 
  • Gaano man kalaki ang perang kinikita natin, katalinuhang ituring ang kita nating kaloob. Malamang sa hindi, ang mas nakararaming tao sa mundo ang nag-iisip na kamangha-mangha ang mga buhay natin. Ang hindi tayo magmukhang pera ay makakatulong sa ating maging mas kuntento. Ginagawa natin ito sa pamamagitan ng paggamit ng pera, hindi sa pagmamahal nito. 

    Sa ugat ng pagnanasa nating makamit ang higit pang pera o mga ari-arian ay ang kawalan ng tamang pagkakaunawa sa tunay nating pangangailangan. Sabi sa Mga Taga-Filipos 4:19 RTPV05 ang, “At buhat sa hindi mauubos na kayamanan ng Diyos, ibibigay niya ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ni Cristo Jesus.” Labis ang pagmamahal sa atin ng Diyos kaya't hindi Niya ibinibigay ang lahat ng gusto natin, ngunit mahal na mahal Niya tayo at tutugunan ang ating mga pangangailangan.

Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

How to Be Grateful for Your Life

Sa kabuuan ng Biblia, tinatawagan tayong maging "mapagpasalamat" at "Siya'y pasalamatan." Bakit? Dahil napakarami nating dahilan upang maging mapagpasalamat! Hindi tayo magiging mapagpasalamat nang hindi sinasadya, at bagkus nang may sadyang kagawian ng pagpapasalamat, mas mapaglilinang ang ating mga sarili habang sumusunod tayo kay Jesus.

More

Ang orihinal na Gabay sa Biblia na ito ay nilikha at ibinigay ng YouVersion