Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paano Maging Mapagpasalamat Para sa Iyong BuhayHalimbawa

How to Be Grateful for Your Life

ARAW 1 NG 5

Mga Panimulang Kagawian ng Pagiging Mapagpasalamat

Ang sikreto ng pagiging masaya ay ang pagbibilang ng iyong mga pagpapala habang ang iba ay nagtutuos ng kanilang mga problema. — William Penn

Sa pagbabasa ng Salita ng Diyos, makikita natin ang tema ng pagiging mapagpasalamat. May daan-daang mga bersikulong nagsasabi sa ating magpasalamat o mag-alay ng papuri sa Diyos. Maliban sa Biblia, marami kang mahahanap na mga artikulo at pananaliksik na naghahayag ng mga benepisyo ng pagiging isang mapagpasalamat na tao. Ang mga taong mapagpasalamat ay natukoy na mas hindi nadedepress, nakakakuha ng mas matataas na marka sa eskuwela, nakakatulog nang mas mabuti, nananatiling malusog, may mas malalalim na pagkakaibigan, at may mas positibong pananaw sa buhay. Kung susumahin, ang pagiging mapagpasalamat ay mabuti para sa'yo! 

Sa 1 Mga Taga-Tesalonica 5:18 RTPV05, sinulat ni Pablo ang, “at magpasalamat kayo sa Diyos sa lahat ng pagkakataon; sapagkat ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.” Ang mamuhay na mga taong mapagpasalamat ay kalooban ng Diyos para sa ating buhay. Alam ng Diyos bago pa sa pasimula ng panahon kung paanong makakabuti sa atin ang pagiging mapagpasalamat—napakahabang panahon bago pa naisulat ang anumang artikulo o aklat patungkol sa paksang ito. Kaya't, matiwasay man ang daloy ng buhay mo ngayon o pakiramdam mo'y naglalakad ka sa kumunoy, konsiderahing idagdag ang mga pang-araw-araw na kagawiang ito sa iyong buhay: 

  • Lumikha ng mga bagong landas. Sabi ni Dra. Caroline Leaf, isang cognitive neuroscientist at may-akda, “Habang ikaw ay nag-iisip, binabago mo ang istraktura ng iyong utak.” Hindi ito madali. Ngunit, maaari nating piliin kung ano ang iisipin natin, kaya't hayaan nating mga kaisipang mapagpasalamat ang pumuno sa ating pag-iisip.
  • Mamili ng limang bagay. Gawing pang-araw-araw na kagawian ang magbanggit o magtala ng limang bagay na ipinagpapasalamat mo. Maaari mo itong gawin anumang oras sa maghapon—umaga o gabi!
  • Mag-set ng alarm na magpasalamat. Mamili ng iba't ibang oras sa maghapon. Kapag tumunog na ang alarm, hingin sa Diyos na ipabatid sa'yo ang mga pagpapala at kaloob sa'yong buhay at pasalamatan Siya para sa mga ito. 
  • Sabihin sa iba. Bawat araw, makipag-usap sa isang tao patungkol sa ipinagpapasalamat mo. Maaaring ito'y ang pagkakaibigan ninyo, ang bukang-liwayway, isang katangi-tanging karanasan kasama ng Diyos, o isang hindi inaasahang pagpapalang natanggap. Nagiging mas totoo kapag napapag-usapan.

Napakaimportanteng gawin nating kaugalian ang pagpapasalamat para pag dumating ang mga bagyo sa buhay natin, alam natin kung paanong tumawid sa maaalong tubig. At kabahagi nito ang magtiwala sa Diyos at pati ang piliing maging mapagpasalamat kahit hindi natin naiintindihan ang nangyayari sa mundong nakapaligid sa atin. 

Habang pinapalaki natin ang ating kalamnang mapagpasalamat, hindi na ito magiging isang bagay na kailangan nating isipin—magiging singnatural ito ng paghinga.

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

How to Be Grateful for Your Life

Sa kabuuan ng Biblia, tinatawagan tayong maging "mapagpasalamat" at "Siya'y pasalamatan." Bakit? Dahil napakarami nating dahilan upang maging mapagpasalamat! Hindi tayo magiging mapagpasalamat nang hindi sinasadya, at bagkus nang may sadyang kagawian ng pagpapasalamat, mas mapaglilinang ang ating mga sarili habang sumusunod tayo kay Jesus.

More

Ang orihinal na Gabay sa Biblia na ito ay nilikha at ibinigay ng YouVersion