12 Malalaking Pagkakamali na Maaaring Maiwasan ng mga MagulangHalimbawa
Inilalagay Natin Ang Buhay Natin Sa Buhay Ng Ating Mga Anak
"Bakit hindi mo pa mabaybay ang salitang ito? Nasa Grade 3 ka na, at tatlong gabi na tayong nagsasanay!" ang sabi ng isang magulang na nasisiraan na ng loob habang naaalala niya ang kanyang pagkapanalo—o maaaring pagkatalo—sa spelling bee noong siya'y nasa ikatlong baitang. Dinaanan na natin lahat iyan. Marahil ito ay sa pagpalo ng bola, pagsasagot ng isang equation, pagsusuot ng damit, pagkakaroon ng magandang grado, pagpasok sa kolehiyo, o pagsisimula ng tamang propesyon. Sa isang punto, natagpuan natin ang ating pag-asa na matatag na nakaupo sa isang tren na umuusok sa unahan mula sa matarik na bangin ng pamumuhay sa pamamagitan ng mismong mga tao na nilayon na "magmula" sa atin. Ang ating mga anak ay dapat na mahikayat ng ating mga sinimulan, hindi mapigilan ng mga nagpahirap sa atin.
Sa video ngayon, binanggit ni Tim ang ilang kakaibang pagkabigo sa anak at magulang kapag sinubukan nating hanapin ang ating pakiramdam ng tagumpay sa mga ginagawa ng ating mga anak. Gayunpaman, ang problema sa paghahanap sa mga maling lugar para sa ating pagkakakilanlan ay hindi natatangi. Naghahanap tayo ng halaga sa lahat ng maling lugar mula noong nagtiwala sina Adan at Eva sa isang ahas—isang maliit, nangangaliskis, nakayakap sa lupa na nilikha ng Diyos—na mas makaalam pa kaysa sa Diyos Mismo.
Kapag nakita natin ang ating mga sarili na inilalagay ang ating buhay sa ating mga anak, kailangan nating tumingin sa pagpapakita ng halaga ng ating makalangit na Ama para sa atin. Ipinagkaloob Niya ang Kanyang anak na si Jesus, upang tayo ay maibalik sa Kanya. Ang halaga natin ay nasa isang bata, ngunit hindi ito ating anak, ito ay ang nag-iisang Anak ng Diyos, si Jesus. Hindi tayo mahal ng Diyos dahil sa isang bagay na ginawa natin para sa Kanya, ipinakita Niya sa atin ang Kanyang pagmamahal sa pamamagitan ng isang taong ibinigay Niya para sa atin. Una, kailangan nating magtagal dito upang matuklasan ang ating tunay na pagkakakilanlan. Pagkatapos, bilang mga magulang, sundin natin ang huwaran ng Diyos at isakripisyo ang mga bagay na gusto natin para palayain ang ating mga anak mula sa bilangguan ng pamumuhay upang masiyahan. Ang mga spelling bee ay masyado pa ring binibigyan ng halaga.
Sandaling huminto: Paano ko ipapakita ang aking buhay sa aking mga anak? Paano ko ililipat ang aking atensyon sa halagang ipinakita ng Diyos para sa akin?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Nakiisa si Dr. Tim Elmore sa Life.Church para ibahagi ang 12 Malalaking Pagkakamali na Maaaring Iwasan ng mga Magulang. Lahat tayo ay nagnanais ng pinakamahusay para sa ating mga anak, ngunit kung minsan ang ating sariling mabubuting intensyon ay siyang nagiging dahilan upang magkamali sila ng mga landas. Itama natin ang landas at akayin ang ating mga anak na maging maunlad kapag sila ay nasa wastong gulang na at maging ganap na tapat na mga tagasunod ni Cristo. Para sa higit pang nilalaman, tingnan ang finds.life.church
More