Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagtataas sa Antas ng Pamumuno sa Pamamagitan ng Karunungan ng BibliaHalimbawa

Scaling Leadership with Biblical Wisdom

ARAW 8 NG 8

Magbanlaw at Ulitin

Nagawa mo! Maligayang bati sa iyong pagdako sa unang pitong araw ng Pagtataas ng Antas ng Pamumuno sa Pamamagitan ng Karunungan ng Biblia na Gabay sa Biblia. Marahil ikaw ay nag-iisip, “Kung nagawa ko, bakit hindi pa ako natatapos?” Iyan ay mahusay na katanungan, at ang aralin ngayon ay maaaring maging pinakamahalaga sa lahat. 

Tawagin natin itong Magbanlaw at Ulitin. 

Kung binabasa mo ang gabay na ito araw-araw, marahil ay nakuha mo ang anim na kuro-kuro at alituntunin. Ang kaso lamang, hindi ka pa nagkakaroon ng oras upang maiproseso ito nang buo o maisabuhay ito. Ito ay maaaring maging mahalagang hamon para sa ating lahat. Natututunan natin ang ganoong kahusay na impormasyon, ngunit ang bagong natutunang at kaalaman ay wala pa talagang panahon upang maunawaang lubos at gawing bagong mga asal at gawi na tunay na makapagbubunga ng pagbabagong ninanais natin. 

Ano ang Magbanlaw at Ulitin na hamon? Ngayon, nais kong bumalik ka sa isa sa nakaraang anim na araw at pumili ng araw na talagang nangusap sa iyo. Piliin ang araw na nagkaroon ka ng tagos-sa-buto o aha na sandali. Pumili sa isa sa mga konseptong ito na mapagtutuunan mo para sa susunod na linggo. Basahin muli ang debosyon, bumalik muli sa Banal na Kasulatan, at ilagay ang isa sa mga talata mula rito sa iyong Listahan ng Panalangin sa Bible App. 

Kung nailagay mo na ang talata mula sa Banal na Kasulatan at ang konsepto ukol dito sa listahan ng iyong panalangin, magnilay at isipin ito araw-araw. Magbanlaw at ulitin ito sa susunod na pitong araw! Ang panalangin ko para sa iyo ay ang makita mo ang iyong mga bagong asal at gawi na makapagbubunga ng tunay na pagbabago sa iyo. 

Ito ang sinasabi ni James Clear tungkol sa Patuloy na Pagbuti:

Ipaliwanag natin ang Patuloy na Pagbuti. Ang Patuloy na Pagbuti ay isang dedikasyon sa paggawa ng maliliit na pagbabago at pagbuti bawat araw, na may pag-asam na ang maliliit na pagbuting iyon ay madadagdag sa isang bagay na makabuluhan.

Ang karaniwang pamamaraan sa pagpapabuti ng sarili ay ang gumawa ng isang malaking layunin, at pagkatapos ay subukang gumawa ng malalaking hakbang upang matupad ang layunin sa pinakakaunting oras na maaari. Maganda man itong pakinggan sa teorya, ito ay madalas nauuwi sa pagkaupos, pagkadismaya, at pagkabigo. Sa halip, dapat tayong tumuon sa Patuloy na Pagbuti sa dahan-dahan at bahagyang pakikibagay sa ating araw-araw na asal at gawi.

Magbanlaw at Ulitin, at pagsikapan angPatuloy na Pagbuti bawat araw. Isipin lamang, kung makakakuha ka ng 1% pagbuti bawat araw sa isang taon, mauuwi ka sa 37 ulit na pagbuti sa oras na ikaw ay matapos.

Salamat sa pagbabasa ngPagtataas ng Antas ng Pamumuno sa Pamamagitan ng Karunungan ng Biblia. Dalangin ko na ito ay makabubuti at makapagpapalinaw at lubos na makatutulong sa iyo na maging isang mabuting namumuno. Kung nais mong manatiling nakasubaybay sa aking pagsulat, kung anong aking mga natututunan, at ang aking pangkalahatang iniisip, maaari kang mag-subscribe sa aking libreng linggu-linggong email dispatch na naririto

Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

Scaling Leadership with Biblical Wisdom

Ang pagtataas sa antas ng ating pamumuno ay kritikal ngayon. Dapat nating palakihin, palabisin, palawakin, at palaguin ang kapasidad ng ating pamumuno sa paglayag sa nagbabagong kapaligiran. Ang mabilis na pag-iiba ng teknolohiya, pagbabago ng kawani/dinamika ng grupo, at pabagu-bagong ekonomiya ay ilan lamang sa mga suliranin na ating makakatagpo. Ngunit huwag isipin na ang pagtataas sa antas ng pamumuno ay para lamang sa lugar ng trabaho. Dapat din nating itaas ang antas ng ating pamumuno sa tahanan at sa ating mga relasyon. Magsimula ngayon upang magkaroon ng praktikal at makabuluhang kaunawaan sa pamumuno.

More

Nais naming pasalamatan si Terry Storch sa paglalaan nitong gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ito: https://terrystorch.com