Pagtataas sa Antas ng Pamumuno sa Pamamagitan ng Karunungan ng BibliaHalimbawa
Karunungan Mula sa Biblia
Ang wikang Ingles ay nakakalito at lubhang komplikado. Para sa ilan sa atin na ang tanging salita ay ang wikang Ingles lamang, hindi natin nakukuha ang pagiging komplikado nito. Halimbawa, tingnan natin ang salitang scale o scaling. Buksan mo ang browser mo sa Dictionary.com, at makikita mo na ang dalawang salitang ito ay napakaraming kahulugan.
scale
pangngalan
—bawat isa sa maliliit, at matitinik o mabutong suson na nagpoprotekta sa balat ng isda at mga reptilya, na kadalasan ay magkakapatong.
pandiwa
—timbangin ang isang tukoy na timbang
"Ang ilang mga lalaki ay tumimbang ng kulang sa siyamnapung libra."
pandiwa
—umakyat o akyatin (ang isang lugar na mataas at matarik)
"Inakyat ng mga magnanakaw ang 8-piye na bakod."
Ang lahat ng iyon ay mga tumpak na kahulugan ng scale o scaling, pero hindi iyon ang kahulugang gagamitin ko kapag pinag-usapan ang Scaling Leadership.Ang pinakamagandang paliwanag na nakita ko ay galing sa MacMillan Dictionary nang tiningnan ko ang pariralang "scale up."
Ang kahulugan, o ibig sabihin, para sa salitang scaling na gagamitin ko sa Gabay sa Biblia ay:
—gawing mas malaki ang isang bagay patungkol sa sukat, sa halaga, atbp. kaysa sa dati
—gawing mas malaki: palakihin, dagdagan, palakihin nang husto
Ang pangangailangan na ganito kalaki ay nangangahulugang palalakihin natin ang kapasidad ng ating produksyon."
Bilang mga tagasunod ni Jesus, ang pagtataas ng antas ng ating pamumuno gamit ang karunungan mula sa Biblia ay kinakailangan at mahalaga sa ating panahon ngayon. Kailangan nating palakihin, dagdagan, palakihin nang husto ang ating mga sarili, at palaguin ang ating kapasidad sa pamumuno upang harapin ang nangyayari sa ating kapaligiran. Ang mabilis na pagbabago ng teknolohiya, ang pabago-bagong sistema upang mapasigla ang mga kawani at koponan, at ang nagbabagong ekonomiyang pandaigdigan ay ilan lamang sa mga suliraning ating kakaharapin at ang paggamit ng mga katotohanan mula sa Biblia ay makapagpapalalim sa ating pang-unawa.
Ngunit ang pagtataas ng ating antas ng pamumuno ay hindi lamang sa lugar ng ating trabaho. Kailangan din nating pataasin ang antas ng ating pamumuno sa tahanan kasama ang ating pamilya at maging ang iba nating mga pakikipag-ugnayan. Maaaring ito ay tila sobra na, ngunit sa pangkalahatan, naniniwala akong may mahalaga siyang sinasabi:
"Sa mundong ito, maaaring ikaw ay lumalago, o ikaw ay namamatay, kaya't kumilos ka at lumago." —Lou Holtz
Maaaring tayo ay lumalago o namamatay. Patataasin natin ang antas ng ating pamumuno o babawasan ito. Maaaring ngayon ang tamang panahon upang sabihin ito—ang pagtataas ng antas ng ating pamumuno ay hindi magiging madali.Ang pamumuhunang ito at sadyaing gawin ang ganitong uri ng paglago ay magdadala sa atin sa mga mapanghamong sitwasyon at itutulak tayong palayo sa ating mga nakasanayan. Kung hindi natin gagawin ito, hindi natin mararating ang potensyal na inilaan para sa atin ng Diyos.
"Kung tayo ay lumalago, tayo ay laging lalabas sa ating mga nakasanayan." — John Maxwell
Sa nakalipas na higit sa 25 taon bilang tagasunod ni Cristo, bilang isang tagapagtatag at pinuno ng ministeryo, at isang negosyante, natagpuan kong ang Biblia ay punung-puno ng mga kasaysayan, mga halimbawa, at praktikal na payo na napakahalaga para sa atin. Panahon na upang hamunin natin ang ating mga sarili sa pamamagitan ng paggamit ng Salita ng Diyos upang ilabas tayo sa ating mga nakasanayan. Handa ka na bang pataasin ang antas ng iyong pamumuno? Kung gayon, ang Pagpapataas ng Antas ng Pamumuno sa Pamamagitan ng Karunungan sa Biblia ay makakatulong sa iyong magawa ito.
Ang berde ay ang pangkalahatang kulay na nagbibigay ng pahintulot na umabante. Sa iyong pag-scroll sa berdeng arrow, maglaan ng isang sandali upang ihanda ang iyong puso at isip sa pamamagitan ng simpleng panalanging ito.
O Diyos, narito akong nakahandang makinig sa Iyo. Tulungan Mo akong marinig ang Iyong sasabihin upang hindi ko mapalampas ang nais Mong ipahayag sa akin sa paglalakbay kong ito.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang pagtataas sa antas ng ating pamumuno ay kritikal ngayon. Dapat nating palakihin, palabisin, palawakin, at palaguin ang kapasidad ng ating pamumuno sa paglayag sa nagbabagong kapaligiran. Ang mabilis na pag-iiba ng teknolohiya, pagbabago ng kawani/dinamika ng grupo, at pabagu-bagong ekonomiya ay ilan lamang sa mga suliranin na ating makakatagpo. Ngunit huwag isipin na ang pagtataas sa antas ng pamumuno ay para lamang sa lugar ng trabaho. Dapat din nating itaas ang antas ng ating pamumuno sa tahanan at sa ating mga relasyon. Magsimula ngayon upang magkaroon ng praktikal at makabuluhang kaunawaan sa pamumuno.
More