Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagtataas sa Antas ng Pamumuno sa Pamamagitan ng Karunungan ng BibliaHalimbawa

Scaling Leadership with Biblical Wisdom

ARAW 3 NG 8

Postura ng Pagkatuto

 

KREDITO:  LANE HICKENBOTTOM/ REUTERS

"Ang malaman kung anong hindi mo alam ay mas kapaki-pakinabang kaysa pagiging matalino." — Charlie Munger

Ang napakagandang siping ito ay ipinapakita ang punto ng pagkakaroon ng kamalayan sa sarili. Ayon sa mga dalubhasa sa industriya, ang kamalayan sa sarili ay ang pinakaunang piraso ng palaisipan tungo sa pagtuklas ng kadakilaan. At pagdating sa kamalayan sa sarili, itinuturing kong isang dalubhasa si Charlie Munger. 

Kung hindi ninyo siya kilala, may pinalalampas ka. Si Munger ay 95-taong-gulang, kanang-kamay ni Warren Buffett, at kinikilala siya ni Buffett para sa maraming tagumpay na natamo nila sa 60+ na taong sila'y magkasamang nagtrabaho. Si Munger, maging sa edad niyang 95, ay may masidhing pagnanasang matuto sa kanyang karera kung saan marami ang magsasabing alam na niya ang lahat. 

"Lagi akong nakakakita ng mga taong umaangat sa buhay kahit hindi sila ang pinakamatalino, kung minsan hindi rin sila ang pinakamasipag, pero sila ay mga masusugid matuto. Sa pagtulog nila ay mas marunong sila kaysa nang paggising nila, at sa totoo lang, talagang nakakatulong iyan, lalo na kung malayo pa ang tatakbuhin mo sa buhay." — Charlie Munger

Malaki ang nakasalalay sa iyong postura ng pagkatuto sa pagtataas ng antas ng iyong pamumuno. Araw-araw ay may kinakaharap tayong mga bagong sitwasyon na nangangailangan ng bagong kaalaman, mga bagong pamamaraan, at mga bagong estratehiya. Upang magamit nang husto ang mga sitwasyong ito, kailangan natin ng malalim na balon ng mapagkukunan na nasa ating mga kamay. Ang pinakamabuting paraan upang mangyari ito ay ang matuto sa tuwina at magkaroon ng posisyon ng kahandaan upang matuto palagi. 

Napakaganda ng sinabi ni Anne Frank tungkol dito sa kanyang talaarawan;

"Gaano karangal at kabuti ang lahat kung, gabi-gabi bago sila matulog, ay aalalahanin nila sa kanilang isip ang mga kaganapan sa buong araw at kilalaning mabuti kung alin ang naging mabuti at alin ang naging masama. Pagkatapos, bagama't hindi mo namamalayan, sinisikap mong maging mas mabuti sa simula ng bawat bagong araw; syempre, marami kang natatamo sa paglipas ng mga panahon. — Anne Frank

Ang malinaw na sinasabi nina Anne at Charlie ay mahalagang magkaroon ng postura ng pagkatuto at gamitin ang mga natutunan sa ating pamumuhay araw-araw. Kung nais mong maitaas ang antas ng iyong pamumuno upang makatugon ka sa pabagu-bagong panahon, sabihin mo sa akin kung anong ginagawa mo sa bawat katapusan ng iyong araw. 

Anong ginagawa mo bago ka matulog? 

Nagiging mas marunong ka ba kahit kaunti kaysa nang magising ka kaninang umaga? 

May mata ka bang nakikita ang lahat ng nangyayari sa paligid mo?

Sinasala mo ba ang lahat sa lente ng katotohanan, na ito nga ay ang Salita ng Diyos? 

Ito ang punto: bawat araw ay may pagkakataon tayong matuto, lumago, at maging mas mabuting bersyon ng ating mga sarili. Ang paglagong ito ay hindi laging madaling tanggapin o lunukin. Madalas, ang paglago at pagkatutong ito ay dumarating sa panahon ng paghihirap, mga pagsubok, at mga sitwasyong sa totoo lang ay hindi natin gustong puntahan. Ang isa pang katotohanan ay natututo tayo mula sa mga tinig at pananaw na, sa panlabas na anyo nito, hindi natin gugustuhin o sasang-ayunan. 

Anuman ang ating sitwasyon o kalagayan, ang pagkakaroon ng isang postura ng pagkatuto ay naglalagay sa atin sa isang mapagpakumbabang posisyon upang matuto at ibuhay ang ating mga buhay kung saan nanaisin nating matulog nang mas marunong kaysa sa nang tayo ay gumising. Kung gusto mong malaman kung anong aking natututunan, puntahan mo ang aking website, isinusulat ko ito araw-araw at may libre akong lingguhan akong email dispatch kung saan may matututunan ka. Sana sa araw na ito at sa mga susunod na araw ay may mapulot ka pang mga bagay na makakatulong sa iyo, at bigyan ka ng Diyos ng makapangyarihang kapahayagan ng mga inihanda Niya para sa iyo. 

O Diyos, ihanda mo ang aking puso sa inilaan Mo para sa akin sa araw na ito. Ang Iyong Salita ay buhay, at naniniwala akong kakatagpuin Mo ako sa mga pahina nito.

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Scaling Leadership with Biblical Wisdom

Ang pagtataas sa antas ng ating pamumuno ay kritikal ngayon. Dapat nating palakihin, palabisin, palawakin, at palaguin ang kapasidad ng ating pamumuno sa paglayag sa nagbabagong kapaligiran. Ang mabilis na pag-iiba ng teknolohiya, pagbabago ng kawani/dinamika ng grupo, at pabagu-bagong ekonomiya ay ilan lamang sa mga suliranin na ating makakatagpo. Ngunit huwag isipin na ang pagtataas sa antas ng pamumuno ay para lamang sa lugar ng trabaho. Dapat din nating itaas ang antas ng ating pamumuno sa tahanan at sa ating mga relasyon. Magsimula ngayon upang magkaroon ng praktikal at makabuluhang kaunawaan sa pamumuno.

More

Nais naming pasalamatan si Terry Storch sa paglalaan nitong gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ito: https://terrystorch.com