Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagtataas sa Antas ng Pamumuno sa Pamamagitan ng Karunungan ng BibliaHalimbawa

Scaling Leadership with Biblical Wisdom

ARAW 5 NG 8

Ihandog sa Buhay ang Iyong Natitira

Natagpuan mo na ba ang sarili mo na umaasa o nananalangin na madagdagan ang iyong oras sa isang araw? Masyadong maraming bagay na dapat matapos at napakaigsi ng oras. Kayod ka ng kayod, at kapag napagod ka na sa kakakayod, napagtatanto mo na kahit ano ang gawin mo, hindi pa rin ito sapat. Maaari akong magbigay ng mga halimbawa at iba pang halimbawa, pero hula ko ay kuha mo na, at sumasang-ayon ka. Hindilang ikaw. Ito ay karaniwang kaganapan sa pamumuno at sa buhay. Talagang hindi sapat.

Mayroon akong magaling na pinuno sa aming koponan na laging pinag-uusapan ito. Tawagin natin siyang Trent. Lagi niyang sinasabi na ibinibigay niya ang kanyang 120-150% sa kanyang pagsisikap at mga proyekto. Ang sabi ni Trent"ibinibigay niya ang lahat na mayroon siya."Bilang pinuno, gusto ko kapag ang mga kasapi ng koponan ko ay talagang tutok at ginagawa nila ang kanilang pinakamainam. Sa kabilang banda, dapat nating mapagtanto kung gaano kahalaga ang ating salita, ang mga kuwentong nililikha nito, at ang pag-iisip na binubuo nito. Walang ganoong bagay na ibinibigay mo ang higit sa 100%. Sa totoo lang ito ay imposible, kaya't huwag na nating gamitin ang salitang iyon. 

Noong isang araw ang konseptong ito ay tumungo sa"radikal na prankang"pag-uusap. Gusto kong bigyan ng linaw na kailangan nating tingnan ang buhay at trabaho galing sa, kung saan kasama ang ating lakas at pagsisikap. Na para sa aking kasapi ng koponan na ialok ang ganoong pagsisikap na ibinibigay niya ay malabo at kailangang ayusin. Sagad ang paghamon ko kay Trent naihandog sa buhay ang kanyang natitira

Oo, tama ang pagkabasa mo. Inirerekomenda ko at naniniwala ako na kailangan ito para maitaas nang tama ang antas ng ating pamumuno sa pamamagitan ng paghahandog sa buhay ng ating natitira! Alam ko na kontra-kultura ito sa lahat ng bagay na itinuro sa atin at sa lahat ng bagay na ibinabato ng mundo sa atin, pero pakinggan mo ako. Kung makuha ng buhay ang ating natitira, iyon ay dahil lamang ang Diyos ang nakakuha ng ating una at pinakamainam. Hayaan mong tunay na umalingawngaw ito sa iyong isip at kaluluwa. Ang ating una at pinakamainam ay hindi dapat mapunta sa makamundong relasyon, buhay pag-eehersisyo, karera, o pananalapi. Ang ating una at pinakamainam ay dapat mapunta sa relasyon natin sa Diyos. Tapos.

Sa kabuuan ng Biblia, nabasa natin ang tungkol sa mga biyaya at pagtatangi ng Diyos sa atin. Ngunit nakakalimutan natin na ang Diyos ay mapanibughong Diyos na nagnanais ng malalim na relasyon sa atin. Literal na tumalon sa akin ang konseptong ito mula sa screen noong mabasa ko ang Roma, kapitulo 12. Hinamon ni Pablo ang mga taga-Roma na"ialay ninyo ang inyong sarili bilang isang handog na buháy, banal at kalugud-lugod sa Diyos," at sinasabi sa kanila na ito ang kanilang"karapat-dapat na pagsamba".Bawat bahagi natin ay dapat ibigay bilang handog sa Diyos. Ito ang ating pagsamba sa Kanya. Ang Diyos ang nararapat na maging una sa ating mga buhay at sa Kanya ang ganap na pinakamainam. 

Matamang pag-aralan mo ang iyong araw. Maaga ka bang gumigising para mag-ehersisyo pero may napakaliit na bahagi lang ng araw mo para sa Diyos? Natatakpan ba ang Diyos ng iyong mga prayoridad sa trabaho? Ang iyong paghihirap sa mga relasyon sa buhay mo ang humahadlang sa iyo na magkaroon ka ng oras sa Diyos? Kung ano man iyon, hinahamon kita na dumulog ka sa Diyos, na ibinibigay mo ang ganap mong una at pinakamainam upang maparami Niya at maibahagi ang iyong natitira. 

Ito ang nasisiguro ko: Kung dadalhin mo ang una at pinakamainam mo sa Kanya, kukunin ng Diyos ang iyong natitira at pagpapalain Niya ito sa maraming paraan na hindi mo lubos na mauunawaan. Ang natagpuan nating nakakahapong pagmamadali ay malulutas lamang kung higit ang Diyos, at hindi higit ang ating sarili. Muling tingnan ang iyong prayoridad sa araw na ito.

O Diyos, sa pagsisid ko sa Iyong Salita, hayaan mong makita ko kung saan ang aking mga plano, prayoridad, at aking mga naisin ay hindi ayon sa Iyong kalooban. Igawad mo sa akin ang Iyong biyaya at pagtatangi ngayon, Panginoon, na tingnan ko ayon sa kung paano mo tingnan ang mga bagay, at para ang Salita mo ang tumimo sa aking puso at espiritu. 

Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Scaling Leadership with Biblical Wisdom

Ang pagtataas sa antas ng ating pamumuno ay kritikal ngayon. Dapat nating palakihin, palabisin, palawakin, at palaguin ang kapasidad ng ating pamumuno sa paglayag sa nagbabagong kapaligiran. Ang mabilis na pag-iiba ng teknolohiya, pagbabago ng kawani/dinamika ng grupo, at pabagu-bagong ekonomiya ay ilan lamang sa mga suliranin na ating makakatagpo. Ngunit huwag isipin na ang pagtataas sa antas ng pamumuno ay para lamang sa lugar ng trabaho. Dapat din nating itaas ang antas ng ating pamumuno sa tahanan at sa ating mga relasyon. Magsimula ngayon upang magkaroon ng praktikal at makabuluhang kaunawaan sa pamumuno.

More

Nais naming pasalamatan si Terry Storch sa paglalaan nitong gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ito: https://terrystorch.com