Pagtataas sa Antas ng Pamumuno sa Pamamagitan ng Karunungan ng BibliaHalimbawa
Magsumikap
Ang Pagtataas ng Antas ng Pamumuno ay hindi para sa mga mahihina o sa mga napapagod na. Ang hindi mo lubos na mauunawaan mula sa pagbabasa ng mga aklat, pakikinig sa ibang tao, o pagkakaroon ng isang MBA ay kung gaanong sakit ang pagtitiisan mo upang maging ganap ang pamumunong nasa iyo. Ang pagkakaroon ng ganitong katotohanan at pagyakap sa sakit na kaakibat ng pamumuno ay isang edukasyon na hindi mababayaran at kailangan nating kilalanin at pahalagahan. Isa sa mga paborito kong manunulat, si James Clear, ay ganito ang sinasabi:
"Ang katatagan mo sa pag-iisip ay nakasalalay sa kung anong hinihingi sa iyo ng buhay. Ang isang madaling buhay ay humuhubog ng isang isipang may kakayahan lamang sa mga madadaling sitwasyon. Ang isang mapanghamong buhay ay bumubuo ng isang isipang kakayanin ang isang hamon. Katulad ng kalamnan na lumiliit kapag hindi ginagamit, ang kalakasan ng isipan ay unti-unting napaparam hangga't hindi ito nasusubukan. Kapag hindi ka hinahamon ng buhay, hamunin mo ang iyong sarili."
Kapag nagbabalik-tanaw ako sa aking paglalakbay bilang isang pinuno, patuloy akong napapaalalahanan kung gaano kahalagang tanggapin at pagsumikapan ito kapag nasa mahirap na sitwasyon na tayo. Ngunit, kapag ang dalahin ay mabigat at ang pagdurusa ay sobra na, gusto na nating sumuko at hindi ito tanggapin. Maaaring gusto na nating kumawala, at tumigil na sa pagsusumikap. Nauunawaan ko iyan nang lubos. Maraming mga panahon sa buhay ko na hindi ako nagpursigi nang ayon sa kinakailangan at sa halip, maaga akong sumuko. Sa pagbalik ko sa nakaraan, nakikita ko ang mga pagkakamaling iyon. Malayo ako sa pagiging perpekto ngunit masasabi kong sa malalaking pagkakataon na kinakailangan, ang pagtitiyaga ko, ang pagsusumikap ko, at ang biyaya ng Diyos ay nakatulong sa aking magtagumpay.
Anong mga sitwasyon o pagkakataon ang pinagdaraanan mo ngayon? Nakikipagbuno ka ba sa mga mapanghamong yugto ng paglago na mas nakakasiphayo kaysa sa nakakasiya? Kung ang sagot ay oo, ituring mong ikaw ay pinagpala. Kung tila ikaw ay naglalayag lang at hindi nakakaramdam ng hamon kung saan ikaw ay may kagipitan at pagtutol, marahil ay panahon na upang magkaroon ng pagbabago. Gumawa ng isang bagong proyekto, magpasyang sumulat ng isang aklat, mag-aral ng isang bagong wika, magpatuloy sa pag-aaral hanggang makakuha ka ng master's degree, o maglingkod ka sa isang non-profit board. Sa palagay ko ay may nasa isip ka nang susunod na hakbang.
Depende sa sitwasyon, ang pagsusumikap ay magkakaiba para sa lahat. Mapasigla ka ng katotohanang ang pagpapalinis, pagtitiyaga, at pagsusumakit na mula sa pagsusumikap ay hindi mababayaran. Ang pagtataas ng antas ng iyong pamumuno ay nangangailangan ng pagsisikap, at ang Biblikal na karunungan ay naghihintay sa iyo sa Salita ng Diyos.
O Diyos, bigyan Mo ako ng mga matang nakakakita kung paano Kang kumikilos sa mga pagsusumakit na ito para sa aking kabutihan. Tulungan Mo akong huwag tumakbo mula sa mga hamon kundi sa halip ay tumakbo patungo sa Iyo.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang pagtataas sa antas ng ating pamumuno ay kritikal ngayon. Dapat nating palakihin, palabisin, palawakin, at palaguin ang kapasidad ng ating pamumuno sa paglayag sa nagbabagong kapaligiran. Ang mabilis na pag-iiba ng teknolohiya, pagbabago ng kawani/dinamika ng grupo, at pabagu-bagong ekonomiya ay ilan lamang sa mga suliranin na ating makakatagpo. Ngunit huwag isipin na ang pagtataas sa antas ng pamumuno ay para lamang sa lugar ng trabaho. Dapat din nating itaas ang antas ng ating pamumuno sa tahanan at sa ating mga relasyon. Magsimula ngayon upang magkaroon ng praktikal at makabuluhang kaunawaan sa pamumuno.
More