Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mabuting Balita: Pagpapalakas ng Loob sa Mundong nasa KrisisHalimbawa

Good News: Encouragement for a World in Crisis

ARAW 7 NG 7

 

Laan ng Diyos ang Walang Hanggan sa Atin

May lumang kasabihang pinaniniwalaang mula kay Benjamin Franklin na nagsasabing may dalawang sigurado lang sa buhay—kamatayan at mga buwis. Sa lahat ng taong nabuhay o mabubuhay pa sa mundong ito, 100% sa kanila ang mamamatay. Kung sakaling hindi ka mahusay sa matematika, ang ibig sabihin noon ay lahat tayo. 

Ang lahat ay gugugol ng walang hanggan sa isang lugar. Ngunit marami ang hindi isinasaalang-alang ang katotohanang ito habang nabubuhay sa mundo. May mga nag-aakalang ang buhay dito at ngayon ang dahilang naririto tayo. Iniisip nila na ito ang kanilang tahanan. Ngunit bilang mga tagasunod ni Jesus, alam nating hindi ito ang ating tahanan. Sinasabi sa atin ng Alagad na Pablo na tayo ay “mga mamamayan ng langit” (Filipos 3:20 RTPV05). Hindi tayo nilikha para sa mundo kundi para mamuhay nang pansamantala sa mundo para sa ikaluluwalhati ng Diyos. 

Nakakailang sabihin na ang buhay ng tao ay pansamantalang panahon lang, di ba? Walang alinlangan, ang isang nabuhay ng 80 o 90 na taon sa mundong ito ay nabuhay na ng isang mabuti at mahabang buhay. Ngunit, kung ihahambing mo ito sa walang hanggan, hindi talaga ito mahaba. Kaya't, gaano ba kahaba ang walang hanggan? Mahabang-mahaba. Ang katunayan nito ay higit sa kayang arukin ng isip natin. Ito'y parang walang-katapusang patuloy pang lumalawig at hindi humihinto. Iyan ang walang hanggan. 

Para sa taong tumanggap kay Jesus bilang Tagapagligtas at ginawa Siyang Panginoon ng kanilang buhay, ang walang hanggan na makasama ang Diyos ay isang nakamamangha't nakapagbibigay-ng-pag-asang katotohanan. Ngunit, nariyan man ang kagalakan ng walang hanggan sa hinaharap, ang mga kasalukuyang kagipitan at alalahanin sa mundo ay madalas na naililihis tayo at naitutuon ang ating mga mata sa mga nangyayari dito at ngayon. Iyan ang dahilan kung bakit sinabi ni Pablo sa atin sa 2 Corinto 4:17 na ang “paghihirap na dinaranas namin sa mundong ito ay panandalian lamang at hindi naman gaanong mabigat” (ASND). At sa sunod na bersikulo sinasabi niyang marapat na “pinapahalagahan...ang mga bagay na hindi nakikita,” (ASND) na tumutukoy sa ating hinaharap sa langit, sapagkat ang “mga bagay na nakikita ay panandalian lamang, pero ang mga bagay na hindi nakikita ay walang hanggan” (ASND). Dakilang pag-asa ang dapat nitong maihatid sa atin! 

Isa sa mga pinakasikat na himnong Cristiano ay ang Amazing Grace. Ganito ang sabi ng kahuli-hulihang taludtod ng awit na ito:

Kapag naroon na tayo nang sampung libong taon, nagniningning na tulad ng araw
Hindi nabawasan ang bilang ng araw na aawitan natin ng papuri ang Diyos, kumpara sa nang magsimula tayo.

Isipin mo yon! Pagkatapos ng 10,000 taon sa walang hanggan, ni katiting ng hinaharap ay hindi pa natin naigugugol. Talagang kasindak-sindak! Ang mga nangyayari rito at ngayon ay maliit na bahagi ng ating mga buhay na hindi na magiging kapansin-pansin kapag nasa ika-10,000 taon na tayo sa walang hanggan. 

Ibaling natin ang ating pananaw mula sa mga pagpupunyagi ng mundo tungo sa pag-asa ng langit dahil kung gagawin natin ito, ang lahat ay tila walang halaga kung ihahambing sa inihanda ng Diyos para sa lahat ng tumatawag sa Kanyang ating Panginoon.

Nais ibahagi ang larawan para sa araw na ito? Tapikin dito para i-download.

Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Good News: Encouragement for a World in Crisis

Nabubuhay tayo sa panahong hindi natutulad sa anumang naranasan natin noon dahil sa pandemikong COVID-19. Saan natin mahahanap ang pag-asa at “mabuting balita” sa kalagitnaan ng walang-patid na masasamang balita? Para sa mga tagasunod ni Jesus, palaging may Mabuting Balita. Sa 7-araw na Gabay na ito, pag-aaralan natin ang ilang mga pangakong masusumpungan sa ating mabuting Diyos at ang pananampalatayang kakailanganin natin upang manindigan sa mga ito.

More

Ang orihinal na Bible Plan na ito ay ginawa at nagmula sa YouVersion.