Mabuting Balita: Pagpapalakas ng Loob sa Mundong nasa KrisisHalimbawa
Ang Diyos ay Malapit sa Atin
Si Samuel Johnson, isang manunulat noong ika-18 siglo ang nagsabing, “Ang mga tao ay kailangang paalalahanan nang mas madalas kaysa sila'y kailangang turuan.” Ang matuto ng mga bagong bagay ay nagpapanatili sa ating listo at tumutulong sa ating humusay. Ngunit, napakarami na ng mayroon tayong kaalaman kaya lang hindi natin inilalapat o natatandaan. Isang bagay na kailangan nating matandaan ay kung gaano kalapit sa atin ang Diyos. Heto ang ilang puno-ng-pag-asang mga katotohanang dapat nating matandaan:
Walang anumang lugar na ating mapupuntahan kung saan hindi nauna na roon ang Kanyang presensya. Siya'y nasa ating kahapon, Siya'y nasa ating ngayon, at Siya'y nasa ating bukas nang sabayan sa iisang sandali. Siya'y nagagalak sa atin, naggagantimpala sa atin, nagpapala sa atin, at nagbubuhos sa atin ng Kanyang kapatawaran at kagandahang-loob araw-araw, sa buong araw. Maliban sa mabuti, wala tayong trahedyang makakaharap, walang paghihirap na pagtitiisan, at walang kagipitang makakatagpo na hindi natin kasama ang Diyos, na tuloy-tuloy tayong inaalalayan ng Kanyang makapangyarihan, matuwid, at perpektong kanang kamay.
Kapag ikaw ay nalulungkot at nagtataka kung nasaan ang Diyos, kailangan mong malaman na Siya ay nakapalibot sa iyo, sa itaas mo, kasunod mo, sa gitna mo, sa paligid mo, sa kalagitnaan mo, sa harap mo, sa likod mo, sa ibaba mo, sa tabi mo, lampas mo, sa tabi mo, kakampi mo, sa loob mo, kalapit mo, at sa itaas mo. Siya ay nasa lahat ng dako, sa lahat ng oras. Palagi at magpakailanman, Siya ay malapit sa atin.
Kapag nakakaranas ka ng takot at nagtataka kung bakit hindi Niya ito inaalis sa iyo, kailangan mong malaman na hindi ka Niya binigyan ng espiritu ng kahinaan ng loob, kundi ng pag-ibig, kapangyarihan at pagpipigil sa sarili. Na walang makakapaghiwalay sa atin sa Kanyang pag-ibig at presensya. Palagi at magpakailanman, Siya ay malapit sa atin.
Kung ikaw ay may sakit at hindi mo maintindihan kung bakit hindi ka pinagagaling ng Diyos, kailangan mong malaman na Siya ay nananatiling ang Dakilang Manggagamot at Jehovah-Rapha, ang Diyos na nagpapagaling. Ang haba ng panahon na iniisip mo ay maaaring hindi kapareho ng sa Kanya, ngunit makakasiguro ka, gumagawa Siya sa iyo at sa pamamagitan mo. Palagi at magpakailanman, Siya ay malapit sa atin.
Wala tayong makakatagpo na hindi pa Niya dinadaig. At hindi lang dinaig, kundi ganap nang pinuksa para sa atin noong nilagay Niya si Jesus sa krus upang pawiin ang ating mga nakalipas, kasalukuyan at hinaharap na kasalanan. Palagi at magpakailanman, Siya ay malapit sa atin.
Kapag dumaan ka sa mga nakakapanlumong mga sitwasyon, kasama mo Siya.
Kapag tila labis nang napakagulo ng buhay mo, kasama mo Siya.
Kapag hindi mo makita ang daraanan ni ang nasa sunod na hakbang, kasama mo Siya.
May mga opsyong nagkalat diyan na humihiling sa ating ilagay ang ating pagtitiwala, pag-asa at kagalakan sa kanila. Ang mga iyan ay mga pansamantalang kaaliwan at kasiyahang hindi maikukumpara sa walang-hanggang, walang-katapusang presensya ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat na tumatawag sa ating Kanyang mga anak. Ang presensya Niya ang gantimpala. Iyan ang mapapasaatin nang habang panahon at kailanman.
Nais ibahagi ang larawan para sa araw na ito? Tapikin dito para i-download.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Nabubuhay tayo sa panahong hindi natutulad sa anumang naranasan natin noon dahil sa pandemikong COVID-19. Saan natin mahahanap ang pag-asa at “mabuting balita” sa kalagitnaan ng walang-patid na masasamang balita? Para sa mga tagasunod ni Jesus, palaging may Mabuting Balita. Sa 7-araw na Gabay na ito, pag-aaralan natin ang ilang mga pangakong masusumpungan sa ating mabuting Diyos at ang pananampalatayang kakailanganin natin upang manindigan sa mga ito.
More