Mabuting Balita: Pagpapalakas ng Loob sa Mundong nasa KrisisHalimbawa
Tinutustusan Tayo ng Diyos
Isa sa pinakamalaking alalahaning ikinababalisa ng maraming tao ay ang pananalapi nila. Maging dahil sa masyadong malaki ang ginagastos natin o masyadong maliit ang kinikita natin, ang karamihan sa atin ay dadaan sa pag-aalala patungkol dito. Maaari tayong mabalisa tungkol sa pananamit, pagkain, matitirhan, o lahat ng mga ito. Kung may salapi, matutustusan natin ang lahat ng mga pangangailangang ito, at kapag kinakapos tayo, gusto nating malaman kung bibigyan tayo ng Diyos.
Di ba't napakagaling kung marating natin ang puntong talagang pinagtitiwalaan natin ang Diyos na maging ating Tagapagtustos at hindi na mabalisa patungkol sa salapi? Posible ba talaga iyon? Tingnan natin ang sinabi ni Jesus patungkol sa paksang ito.
“Masdan ninyo ang mga ibon. Hindi sila nagtatanim ni umaani man o kaya'y nagtitipon sa kamalig, ngunit pinapakain sila ng inyong Ama na nasa langit. Hindi ba't higit kayong mahalaga kaysa mga ibon?” Mateo 6:26 RTPV05
Isang paraang talagang mapagtitiwalaan natin ang Diyos bilang ating Tagapagtustos ay ang tandaan kung gaano Niya inaalagaan ang mga ibon at bulaklak. Simple, di ba? Binubuhay sila ng Diyos, ngunit, mas higit-higit Niya tayong pinapahalagahan! Hindi Niya ipinadala si Jesus na mamatay sa krus para sa mga ibon at bulaklak—ginawa Niya iyon para sa atin! Kaya't, bakit naman Niya hindi tutustusan ang ating mga pangangailangan? Maaaring napakahirap nating matandaan ito sa gitna ng ating kabalisahan. Ngunit, hayaang ang bawat ibon sa himpapawid o bulaklak na makita mo na paalalahanan ka na ang Diyos ang ating Tagapagtustos!
Isa pang paraang mapagtitiwalaan natin ang Diyos bilang ating Tagapagtustos ay sa pagpiling pagsikapang pagharian tayo ng Diyos at mamuhay nang ayon sa Kanyang kalooban nang higit sa lahat. Kapag pinagsikapan natin Siya nang higit sa lahat“ibibigay Niya...ang lahat ng...pangangailangan” (Mateo 6:33 RTPV05). Ang Griegong salita para sa hanapin sa Mateo 6:33 ay zētēo, at ang ibig sabihin nito ay “maisulong, paunlarin, hangarin, pagpunyagian.” Kaya't, kapag pinagsikapan natin ang Diyos, hinangad ang Diyos, at nagpunyagi para sa Diyos nang higit sa lahat, ang lahat “ng inyong pangangailangan” tulad ng pagkain, damit, at ibang mahahalagang pangangailangan ay ibibigay sa atin. Ang pagsikapan ang Diyosnang higit sa lahat ay nagpapalaya sa atin mula sa mga alalahanin at kagipitan sa mundo dahil ang mga mata natin ay nakatuon sa Kanya imbes na sa mga pansamantalang bagay na nagdudulot sa atin ng kabigatan.
Isipin mo sa ganitong paraan. Kapag nababalisa tayo, gawi nating magpakalugmok rito. Maaari pa nga nating sabihing napaparalisa tayo nito. Kaya't, huwag mabalisa, at bagkus gawin ang isang bagay. At ang bagay na iyan, ay ang pagsikapan ang Diyos. Basahin ang Biblia. Isulat ang iyong mga panalangin. Sumamba sa pamamagitan ng pag-awit. Sanayin ang sarili mong pagsikapan ang Diyos hindi sa pagtatangkang matamo ang Kanyang pag-ibig dahil nasa iyo na iyan. Pagsikapan mo Siya, dahil kapag ginagawa mo ito, hindi malulugmok ang iyong isip sa pag-aalala patungkol sa Kanyang probisyon para sa buhay mo.
Kayang-kaya ng Diyos tugunin ang ating mga kinakailangang mahahalagang probisyon. Tinugon Niya ang ating pinakadakilang pangangailangan noong ipinadala Niya si Jesus upang iligtas tayo. Bakit naman natin iisiping hindi Niya ibibigay ang ating mas maliliit na pangangailangan?
Nais ibahagi ang larawan para sa araw na ito? Tapikin dito para i-download.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Nabubuhay tayo sa panahong hindi natutulad sa anumang naranasan natin noon dahil sa pandemikong COVID-19. Saan natin mahahanap ang pag-asa at “mabuting balita” sa kalagitnaan ng walang-patid na masasamang balita? Para sa mga tagasunod ni Jesus, palaging may Mabuting Balita. Sa 7-araw na Gabay na ito, pag-aaralan natin ang ilang mga pangakong masusumpungan sa ating mabuting Diyos at ang pananampalatayang kakailanganin natin upang manindigan sa mga ito.
More