Mabuting Balita: Pagpapalakas ng Loob sa Mundong nasa KrisisHalimbawa
Ang Diyos ay Panig sa Atin,
Kung itong si Yahweh ang aking kasama at laging kapiling, walang pagkatakot sa aking darating. Awit 118:6 RTPV05
Kung sana'y talagang pinaniniwalaan natin ito, 'di ba? Nais natin itong paniwalaan. Sinisikap natin itong paniwalaan. Kinukusa natin itong paniwalaan. Ngunit talagang natatakot tayo dahil sa maaaring gawin sa atin ng mga tao, bagay-bagay, at mga sitwasyong kinalalagyan na nakakalimutan natin kung Sino ang panig sa atin.
- Ang Lumikha ng Kalangitan at Lupa ay panig sa atin. (Mga Awit 146:6)
- Ang Dakilang Hari ay panig sa atin. (Mga Awit 24:8)
- Ang Panginoon nating lahat ay panig sa atin. (Mga Awit 68:19-20)
- Ang Manlilikha ng langit at lupa ay panig sa atin. (Genesis 1:1)
- Ang Ating Dakila't Makapangyarihang Diyos ay panig sa atin. (Mga Awit 95:3)
- Ang Kataas-taasan ay panig sa atin. (Mga Awit 91:1)
- Ang Mahabaging Panginoon ay panig sa atin. (Awit 116:5)
- Ang Prinsipe ng Kapayapaan ay panig sa atin. (Isaias 9:6)
- Ang Tagapagpagaling ay panig sa atin. (Mga Awit 147:3)
- Ang Ating Amang Hindi Nagbabago ay panig sa atin. (Santiago 1:17)
- Ang Panginoong Hindi Nagpapabaya sa Pangako ay panig sa atin. (2 Pedro 3:9)
- Ang Sukdulang Tagapagpatawad ay panig sa atin. (1 Juan 1:9)
Kapag naaalala natin kung sino ang Diyos at ang Kanyang mga ginawa, mas malamang tayong lumakad nang may pag-asa kapag nagbabantang dagsain tayo ng mga bagay-bagay.
Kung ano ang ibinibigay natin sa ating sarili araw-araw ay mahalaga. Kapag pinupuno natin ang ating mga isip ng mga katotohanan mula sa Salita ng Diyos, labis natin itong makikilala na kapag nahaharap tayo sa isang bagay na hindi totoo, malalaman natin. Kapag sumamba tayo sa Diyos sa pamamagitan ng awit o magpuri sa Kanya habang minamasdan ang Kanyang nilikha, palalakasin nito ang ating loob at itataas ang ating pagtuon mula sa mga pang-araw-araw na pagsubok na ating kinakaharap. Kapag naglalakbay tayo sa buhay na itong kasama ang mga kapareho ang pananalig, lakip nito ang pagpapalakas ng loob sa atin sa mga nararanasang kasama nila.
Kaya't, tandaan nating hindi tayo binigyan ng Diyos ng pananaw ng kahinaan ng loob. Binigyan Niya tayo ng pananaw na lakip ang pag-ibig, kapangyarihan at pagpipigil sa sarili! Dahil kapag tinandaan natin at pinaalalahanan ang ating mga sarili ng katotohanang ito araw-araw, makakatindig tayo nang malakas sa kaalamang kung ang Diyos ay panig sa atin, walang makakalaban sa atin.
Nais ibahagi ang larawan para sa araw na ito? Tapikin dito para i-download.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Nabubuhay tayo sa panahong hindi natutulad sa anumang naranasan natin noon dahil sa pandemikong COVID-19. Saan natin mahahanap ang pag-asa at “mabuting balita” sa kalagitnaan ng walang-patid na masasamang balita? Para sa mga tagasunod ni Jesus, palaging may Mabuting Balita. Sa 7-araw na Gabay na ito, pag-aaralan natin ang ilang mga pangakong masusumpungan sa ating mabuting Diyos at ang pananampalatayang kakailanganin natin upang manindigan sa mga ito.
More