Mabuting Balita: Pagpapalakas ng Loob sa Mundong nasa KrisisHalimbawa
Pinapalakas Tayo ng Diyos
Ang lakas na taglay natin bilang mga tao ay limitado. Gaano man karaming mga ideya para matulungan ang sarili ang gawin natin o positibong mga pagpapahayag ang ideklara natin, may hangganan ang kakayanin sa sarili nating lakas. Maaaring panghinaan ng loob ang iba dahil dito, ngunit umaasa ako na sa halip, ang katotohanang mababasa natin sa Salita ng Diyos ang magdedeposito sa atin ng pag-asa.
Sa 2 Corinto 12, ibinahagi ni Apostol Pablo ang patungkol sa isang “kapansanan sa katawan” na nagpatuloy na“pahirapan” siya. Ang totoo nito'y namanhik at nagmakaawa siya sa Diyos na alisin ito. At sa bawat pagkakataon ang sabi sa kanya ng Diyos ay, “Ang pagpapala ko ay sapat sa lahat ng pangangailangan mo; lalong nahahayag ang aking kapangyarihan kung ikaw ay mahina” (2 Mga Taga-Corinto 12:9).
Isipin ito sandali. Ginamit ng Diyos ang lalaking ito upang impluwensyahan ang sinaunang Iglesya at dalhin ang mabuting balita sa maraming bansa. At sa sandali ng kanyang kahinaan, nagmakaawa siya sa Diyos na tulungan siya, at sinagot lang siya ng Diyos ng hindi. Ngunit hindi diyan natapos ang Diyos. Sinabihan ng Diyos si Pablo na kung kailan siya mahina ay pinakamabuting gumagana ang perpektong kapangyarihan ng Diyos. Isipin mo iyan! Kailangan nating maging mahina upang makitang pinakamabuting gumagana ang kapangyarihan ng Diyos. Samantalang tinatanaw nating balakid ang kahinaan, ginagamit ito ng Diyos upang patibayin tayo. Ang lakas natin bilang mga tao ay aabot lang sa payak na antas, ngunit sa lakas ng Diyos na tumutulong sa atin, wala tayong hindi kakayaning pagdaanan!
Maaaring tayo ay nasa isang mapanghamong panahon o makakaranas nito sa madaling panahon. Maaaring banayad itong ihatid ng buhay, o maaari itong tumama tulad ng hindi-inaasahang tsunami. Sa anumang paraan man tayong makaranas ng mahihirap na panahon, kailangan nating matutunang pagdaanan ang mga ito. Kailangan nating umasa sa tulong ng Diyos, dahil ang taglay natin sa ating sarili ay talagang hindi sasapat. Kailangan natin ang lakas ng Diyos.
Kaya't, kapag tayo'y nasa isang pagsubok at may sariling “kapansanan sa katawan,” makakakuha tayo ng kapangyarihan sa pag-amin na hindi natin kaya mag-isa at pagtawag sa Diyos. Habang pinagdaraanan ang mga mabibigat na pagsubok, ito'y oportunidad na mapatunayang dalisay ang ating pananampalataya. Ito'y pagkakataong mapalakas tayo ng kalakasan ng Diyos upang tayo ay maging “ganap at walang pagkukulang” (Santiago 1:4).
Nais ibahagi ang larawan para sa araw na ito? Tapikin dito para i-download.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Nabubuhay tayo sa panahong hindi natutulad sa anumang naranasan natin noon dahil sa pandemikong COVID-19. Saan natin mahahanap ang pag-asa at “mabuting balita” sa kalagitnaan ng walang-patid na masasamang balita? Para sa mga tagasunod ni Jesus, palaging may Mabuting Balita. Sa 7-araw na Gabay na ito, pag-aaralan natin ang ilang mga pangakong masusumpungan sa ating mabuting Diyos at ang pananampalatayang kakailanganin natin upang manindigan sa mga ito.
More