Pag-asa sa Panahon ng Pandaigdigang Pandemya Halimbawa
![Hope During A Global Pandemic](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F18838%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
ANO ANG TUGON NG DIYOS SA ISANG NATAMPALASANG MUNDO?
Bagama't ang mundong ito ay isang wasak na lugar, at tayo ay mga taong winasak, ang Diyos ay patuloy pa rin sa dakilang gawain ng pagdadala ng kaligtasan, pag-asa, at ang mabuting balita para sa lahat ng makikinig at tutugon.
Ang katotohanan ng pagiging wasak at ng kahatulan ay hindi dapat magpahina ng ating kalooban, kundi magbukas sa ating mga mata. Kapag napagtanto natin ang suliraning iyan, doon lang natin makikita ang napakaganda, at maluwalhating solusyon na ibinigay ng Diyos!
Ang pagkawasak ang namamahala sa mundong ito simula pa sa pagbagsak ni Adan sa Genesis 3, ngunit kay Jesus, ang siklong iyan ay huminto at maaari na tayong mailagay sa Kanya bilang bahagi ng bagong sangkatauhan. Binasag ng Diyos ang siklo at ginawa Niyang bago ang lahat!
Ang kaligtasang dinala ng Diyos sa mundong ito, ang kalayaan mula sa pagkawasak at kasalanan, ay dumating nang inako ni Jesu-Cristo ang pagkadurog, ang Anak ng Diyos. Ang propesiyang ito, ilang daang taon bago ang kapanganakan ni Jesus, ay matulaing inilarawan ang kamatayan ni Cristo.
Maging sa ating suwail na pagkawasak, ang Diyos ay puno ng biyaya, awa, at kahabagan. Ang kaalamang tayo ay wasak ay hindi dapat magkulong sa atin sa isang itinakwil na paghihiwalay, kundi dapat itong magbalik sa atin patungo sa Ama. Naghihintay Siya nang bukas ang mga palad!Ang mundong inaasahan ng lahat ay ang bagong langit at ang bagong lupa na nalalapit na. Ang tugon ng Diyos sa ating pagkawasak ay ang gawing bago ang lahat. Napakaganda ng ginagawa Niya at tatapusin Niya ito!
Pang-araw-araw na mga Tanong para sa Pagtuklas:
- Anong itinuturo nito sa atin tungkol sa Diyos?
- Anong itinuturo nito tungkol sa atin at sa ibang tao?
- Paano ako natutulungan nito upang mas maunawaan ko kung paano akong tutugon sa Coronavirus?
- Paano mong susundin ang taludtod na ito para sa sarili mo, sa araw na ito?
- Kanino mo maaaring ibahagi ang bersikulong ito sa araw na ito?
Tungkol sa Gabay na ito
![Hope During A Global Pandemic](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F18838%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Ang mga panahon ngayon ay walang katulad para sa ating nabubuhay sa planetang lupa sa sandaling ito. Sa ating kasaysayan, maaari tayong makatagpo ng pag-asa kapag tayo ay bumaling sa Nag-iisang lumikha ng lahat at Panginoon ng lahat. Anong sinasabi ng Biblia tungkol sa kung bakit ang mga bagay na ito ay nagaganap, anong tugon ng Diyos dito, at anong pag-asa ko sa buhay at kamatayan?
More