Pag-asa sa Panahon ng Pandaigdigang Pandemya Halimbawa
ANONG TUGON NATIN SA DIYOS SA GITNA NG LAHAT NG ITO?
Upang maisakatuparan ang dakilang gawain ng pagsupil sa pagkawasak at pagpapapasok ng bagong espirituwal na sangkatauhan, si Jesu-Cristo, ang Diyos na nag-anyong kawangis ng makasalanang laman, ay kinailangang pumarito sa lupa at mamatay, ngunit pinagtibay ng Diyos ang Kanyang tagumpay at pagwawagi sa Kanyang misyon sa pamamagitan ng muling pagkabuhay Niya. Ngayon, inaanyayahan Niya tayong lumapit sa Kanya, talikuran ang mga sarili nating pamamaraan, at magtiwalang Siya ANG daan. Tinatawag ito ng Biblia na pagsisisi. Ang pagpapalang ito ay hindi lamang para sa atin, kundi para sa lahat ng henerasyon.
Naghahandog si Jesus ng mga salitang magpapalakas ng loob sa gitna ng buhay na puno ng pag-aalala.
Ang ipagwalang-bahala ang tinig ng Diyos ay kahangalan sa kanyang pinakamainam na anyo at kapahamakan sa kanyang pinakamasama! Hindi lamang tayo dapat mga taong maraming natututunan tungkol sa sinasabi ng Diyos. Mahalagang marining natin at sundin ang Kanyang tinig! Anong sinasabi sa iyo ng Diyos?
Bilang mga tao, nagsasabi tayo ng mga bagay na hindi natin nauunawaan. Sa taludtod na ito, ang Diyos ay sunud-sunod ang naging pagtatanong kay Job ng mga bagay na hindi niya kayang maunawaan. Sa ating mga nakapag-aral na isipan, maaari tayong matuksong isipin na, "Maipapaliwanag ko iyan," ngunit sa ating kapalaluan, hindi natin nakukuha ang punto! Ang Diyos, sa pinakahuli, ang Siyang may kapamahalaan sa lahat ng bagay. Ang mga trahedya, katulad ng Coronavirus o mga likas na kapinsalaan, ang siyang nagpapakita ng katotohanang ito sa buhay natin.
Sa harap ng Diyos na ang mga pamamaraan ay hindi natin pamamaraan, na namamahala at batid ang lahat ng mga bagay na hindi natin nauunawaan, ang ating tugon ay hindi ang tulad sa blowfish na lumolobo ang katawan. Sa halip, kailangan natin ng sapat na sukat ng katotohanan.
Pang-araw-araw na mga Tanong para sa Pagtuklas:
- Anong itinuturo nito sa atin tungkol sa Diyos?
- Anong itinuturo nito tungkol sa atin at sa ibang tao?
- Paano ako natutulungan nito upang mas maunawaan ko kung paano akong tutugon sa Coronavirus?
- Paano mong susundin ang taludtod na ito para sa sarili mo, sa araw na ito?
- Kanino mo maaaring ibahagi ang bersikulong ito sa araw na ito?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang mga panahon ngayon ay walang katulad para sa ating nabubuhay sa planetang lupa sa sandaling ito. Sa ating kasaysayan, maaari tayong makatagpo ng pag-asa kapag tayo ay bumaling sa Nag-iisang lumikha ng lahat at Panginoon ng lahat. Anong sinasabi ng Biblia tungkol sa kung bakit ang mga bagay na ito ay nagaganap, anong tugon ng Diyos dito, at anong pag-asa ko sa buhay at kamatayan?
More