Pag-asa sa Panahon ng Pandaigdigang Pandemya Halimbawa
ANONG TUGON NATIN SA DIYOS SA GITNA NG LAHAT NG ITO?
Tulad ng isang mapagmahal na Pastol, ang Diyos ay kumakalinga sa atin na para tayong mga tupa. Batid Niya kung anong kailangan natin kung kailan natin ito kailangan. Alam Niya kung saan tayo dapat pumunta. Kahit na napapalibutan tayo ng panganib, ipinagtatanggol Niya tayo. Tayo ba ay magiging tupang susubukang lumayo, o susundin ba natin ang Kanyang mapagmahal na pag-akay?
Maaari nating pagtiwalaan ang Diyos sa gitna ng malaking kaguluhan nang may katiyakang gagawin Niya ang tama. Mabuhay man tayo o mamatay, Siya ay mapagkakatiwalaan.
Sa kagustuhan natin ng kaligtasan, maaaring isipin natin na ang pinakamahalagang bagay sa mundo ay ang seguridad, ngunit ang Mga Awit na ito ay nagpapakita sa atin na may higit pang mga bagay kaysa rito. Nawa ay ipakita sa atin ng Diyos ang mga pinakadakilang biyaya sa buhay at ipakita sa atin ang tunay, at kahima-himalang kagalakan.
Sa buhay na ito, magkakaroon ka ng mga kabagabagan at mag-aalala ka. Ang maranasan mo ang damdamin ng kabagabagan ay hindi naman talaga mali, ngunit kung hindi mo alam ang gagawin mo rito kapag ito ay naranasan mo, maaaring maparalisa ka. Malinaw na ipinakikita ng Diyos kung anong kailangan natin gawin sa lahat ng ating pag-aalala.
Pang-araw-araw na mga Tanong para sa Pagtuklas:
- Anong itinuturo nito sa atin tungkol sa Diyos?
- Anong itinuturo nito tungkol sa atin at sa ibang tao?
- Paano ako natutulungan nito upang mas maunawaan ko kung paano akong tutugon sa Coronavirus?
- Paano mong susundin ang taludtod na ito para sa sarili mo, sa araw na ito?
- Kanino mo maaaring ibahagi ang bersikulong ito sa araw na ito?
Tungkol sa Gabay na ito
Ang mga panahon ngayon ay walang katulad para sa ating nabubuhay sa planetang lupa sa sandaling ito. Sa ating kasaysayan, maaari tayong makatagpo ng pag-asa kapag tayo ay bumaling sa Nag-iisang lumikha ng lahat at Panginoon ng lahat. Anong sinasabi ng Biblia tungkol sa kung bakit ang mga bagay na ito ay nagaganap, anong tugon ng Diyos dito, at anong pag-asa ko sa buhay at kamatayan?
More