Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pag-asa sa Panahon ng Pandaigdigang Pandemya Halimbawa

Hope During A Global Pandemic

ARAW 1 NG 5

BAKIT NANGYAYARI ANG MGA BAGAY NA TULAD NITO?

Ang mundong ninanais nating lahat at siyang katotohanan noon (Genesis 1) ay magiging katotohanang muli isang araw (Pahayag 22). Samantala, anong nangyari? Bakit may kasalanan, pagdurusa, karamdaman, at pag-aaway? Ipinapakita sa atin ng Genesis 3:1-24 kung bakit ang mundo ay natampalasan.

Ang epekto ng Genesis 3:1-24 ay hindi limitado lamang kina Adan at Eva, kundi maging sa kanilang mga anak at sa lahat ng nilikha. Ipinapaliwanag ng Mga Taga-Roma 8:18-23 kung paanong ang lahat ng nilikha ay napailalim sa pagkawalang-saysay ng sumpa ng kasalanan at ngayon ay dumadaing ng katubusan. Ang mga kapahamakan at karamdaman minsan ay bahagi lamang ng pamumuhay sa isang wasak na mundo.

May mga nangyayaring hindi natin nakikita - isang espirituwal na katotohanang kasing totoo rin doon sa ating nakikita at nahahawakan. Ang Diyos ay may mga kaaway at ang mga kaaway Niya ay nagnanais na masaktan ang Diyos at ang Kanyang bayan, ngunit ang Diyos ay makapangyarihan sa lahat ng ito!

Ang maaaring makita patungkol sa Diyos - ang Kanyang walang hanggang kapangyarihan at karunungan - ay maliwanag sa ating pagtingin sa mga nilikha, ngunit sa halip na may matutunan mula sa pangkalahatang kapahayagan ng Diyos, ang sangkatauhan ay tinatakpan ang kanyang tainga. Sa pagtanggi sa Diyos, inaanyayahan ng tao ang kapahamakan sa kanyang sarili.

Ang nakapagpapaginhawang bagay para sa atin ay yaong sa kabila ng mahihirap na panahon, kaya ng Diyos na magdala ng luwalhati para sa Kanya!

Pang-araw-araw na mga Tanong para sa Pagtuklas:

  1. Anong itinuturo nito sa atin tungkol sa Diyos?
  2. Anong itinuturo nito tungkol sa atin at sa ibang tao?
  3. Paano ako natutulungan nito upang mas maunawaan ko kung paano akong tutugon sa Coronavirus?
  4. Paano mong susundin ang taludtod na ito para sa sarili mo, sa araw na ito?
  5. Kanino mo maaaring ibahagi ang bersikulong ito sa araw na ito?



Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Hope During A Global Pandemic

Ang mga panahon ngayon ay walang katulad para sa ating nabubuhay sa planetang lupa sa sandaling ito. Sa ating kasaysayan, maaari tayong makatagpo ng pag-asa kapag tayo ay bumaling sa Nag-iisang lumikha ng lahat at Panginoon ng lahat. Anong sinasabi ng Biblia tungkol sa kung bakit ang mga bagay na ito ay nagaganap, anong tugon ng Diyos dito, at anong pag-asa ko sa buhay at kamatayan?

More

Nais naming magpasalamat sa Zúme sa pagpapaunlak ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: https://zume.training/