Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pag-asa sa Panahon ng Pandaigdigang Pandemya Halimbawa

Hope During A Global Pandemic

ARAW 5 NG 5

ANO ANG TUGON NATIN SA MGA TAO SA GITNA NITO?

Sa mga napakahirap na panahon, ang ating ugali ay ang maging makasarili, ngunit sa halip, tayo ay inuutusang magkaroon ng parehong pag-iisip at mapagsakripisyo, di-makasariling pag-ibig na ipinakita ni Jesus sa atin bilang pagsunod sa Ama.

Sa orihinal na wika, ang taludtod na ito ay nag-uutos ng pag-ibig na hindi mapagkunwari o nagbabalatkayo, kundi totoo. Inuutusan tayong magmahal sa isa't-isa nang totoo!

Ang pagmamahal sa ibang tao ay madalas may kabayaran. Tulad sa kung paanong minahal tayo ni Jesus nang may matinding sakripisyo mula sa Kanya, nararapat din tayong magmahalan kahit na kailangang magsakripisyo. Sa paggawa natin nito ay ipinapakita natin ang pag-ibig na namamahay sa atin. 

Laging may malaking pangangailangan at pagkakataon upang gumawa nang mabuti. Kung anong itinanim natin, ito ang ating aanihin. Dapat tayong manabik at maging handa sa paggawa ng mabuti!

Ang pinakadakilang kabutihan na maaari nating gawin para sa kaninuman ay ang ibahagi ang katotohanan ni Jesus na siyang bumago sa atin mula sa loob papalabas. Hindi ito kautusan sa mga sikat lamang, kundi para sa lahat. Kailangan si Jesus ng mga tao, at ninanais ni Jesus ang higit pang tagasunod! Kailangan nating marinig ang Kanyang salita, sundin ang Kanyang tinig, at ibahagi ito sa ibang tao.

Pang-araw-araw na mga Tanong para sa Pagtuklas:

  1. Anong itinuturo nito sa atin tungkol sa Diyos?
  2. Anong itinuturo nito tungkol sa atin at sa ibang tao?
  3. Paano ako natutulungan nito upang mas maunawaan ko kung paano akong tutugon sa Coronavirus?
  4. Paano mong susundin ang taludtod na ito para sa sarili mo, sa araw na ito?
  5. Kanino mo maaaring ibahagi ang bersikulong ito sa araw na ito?
Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Hope During A Global Pandemic

Ang mga panahon ngayon ay walang katulad para sa ating nabubuhay sa planetang lupa sa sandaling ito. Sa ating kasaysayan, maaari tayong makatagpo ng pag-asa kapag tayo ay bumaling sa Nag-iisang lumikha ng lahat at Panginoon ng lahat. Anong sinasabi ng Biblia tungkol sa kung bakit ang mga bagay na ito ay nagaganap, anong tugon ng Diyos dito, at anong pag-asa ko sa buhay at kamatayan?

More

Nais naming magpasalamat sa Zúme sa pagpapaunlak ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: https://zume.training/