Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Nabagong Pamumuhay: Pagkatapos ng PaghihiwalayHalimbawa

Living Changed: After Divorce

ARAW 7 NG 7

Kalayaan

Si Jesus ay naparito upang magkaroon ka ng buhay at ng kasaganaan nito. Subalit mayroon kang kaaway na walang gustong gawin kundi nakawin ang magandang buhay na iyan mula sa iyo at panatilihin kang nakalublob sa sakit, pait, at kahihiyan. Ang tanong ay, anong pamana ang nais mong iwan? 

Ang aking pamilya ay may kasaysayan ng mga paghihiwalay. Ang aking mga magulang ay naghiwalay noong ako ay 8 taong gulang, at ang aking mga lolo at lola sa magkabilang panig ay naghiwalay nang ilang beses. Palagi akong sumusumpa na hindi ako, subalit nang dumating ang panahon, hindi ko naibigay ang kinakailangang gawin sa aking sarili o sa aking pag-aasawa. Pagkatapos ng aming paghihiwalay, nagpasiya ako na kailangang itigil ito. Sa tulong ng Diyos, ang guhit ng pagkawasak sa aming pamilya ay magtatapos sa akin. 

Ang aking unang hakbang ay humanap ng kagalingan—at hindi lamang sa aking paghihiwalay kundi sa iba't ibang sugat sa aking buong buhay na naging dahilan ng mga gusot sa aking mga relasyon. Kinakailangan kong patawarin ang mga lumipas na sakit, magsimulang mahalin ang aking sarili para sa pagkalalang ng Diyos sa akin, at matutunan kung paano mahalin ang iba nang hindi naglalagay ng hindi makatotohanang inaasahan sa kanila. Sa pamamagitan ng mga pagpapayo, maraming mga panalangin, at ng matatag na komunidad ng mga mananampalataya sa aking paligid, nagkaroon ako ng mas matatag na bersyon ng sarili ko.

Nang magsimula akong muling makipag-date, kinailangang mag-ingat ako na huwag masadlak sa mga lumang gawi. Alam ko na kung nais ko ng ibang uri ng pagsasama, ako ay kinakailangang makipag-date sa ibang paraan. Hinanap ko ang mga katibayan ng bunga ng Espiritu sa halip na masiyahan sa mga mapagpuring pananalita o mga mabubuting hangarin. Naglagay kami ng mga harang upang mapangalagaan ang kadalisayan ng aming relasyon. Kami ay naglingkod sa simbahan, sabay na nag-aral ng Biblia, at nanalangin sa bawat isa. Naunawaan niya na pinangangalagaan ko ang aking pamana at nais niyang maging bahagi noon.

Ang mamuhay sa kalayaan na namatay si Jesus upang ibigay sa iyo ay nangangahulugan ng pagiging handang magpatawad sa iba, pagsuko ng iyong kabiguan sa Diyos, at paglalagay ng iyong pagkakakilanlan sa Kanya. Huwag maniwala sa kasinungalingan na ikaw ay isang sirang bagay at walang magkakagusto sa iyo kailanman. Hindi totoo yan. Mahal ka ng Diyos nang higit sa iyong iniisip at gusto Niya na gawin ang lahat ng mga bagay na bago. 

Kung hahayaan mo Siya, gagawin kang buo ng Diyos at huhubugin ka sa Kanyang larawan. Ang mga tao ay lalapit sa pag-asa, kapayapaan, at kagalakan sa Diyos na nagliliwanag mula sa iyo. Kung ito ay mangyari, huwag masiyahan sa anumang mas mababa kaysa sa pinakamainam na nais ng Diyos sa iyo. Kung paano kang makipag-date ay mahalaga sa Diyos. Kung paano ka maki-agapay sa pagiging magulang ay mahalaga sa Diyos. Kung paano kang pumili ng karanasan at tulungan ang iba ay mahalaga sa Diyos. Ikaw ay nag-iiwan ng pamana, at ikaw ay kailangang mamili kung ano ang itsura nito. Dalangin ko na pipiliin mo ang mabuhay sa kalayaan na inaalok ni Jesus sa iyo.

O Diyos, salamat sa kung sino ka at ang lahat ng ginawa Mo para sa akin. Tulungan Mo ako na kunin kung ano ang natutunan ko sa Gabay sa Bibliang ito upang magamit ko ito sa aking buhay. Tulungan Mo akong magpatawad. Pagalingin Mo ang aking nakaraan at gawin Mo akong buo. Tulungan Mo ako na makita na ako ay lubhang minamahal at palaging hinahanap Mo. Bigyan Mo ako ng pag-asa para sa hinaharap at pananampalataya na maniwala na Ikaw ay gumagawa para sa aking kabutihan. Gamitin Mo ang aking buhay upang makatulong sa iba at luwalhatiin ang Iyong pangalan. Nais kong mabago, O Diyos. Ipakita sa akin ang paraan para mabuhay sa Iyong kalayaan. Sa pangalan ni Jesus, Amen!

Dalangin namin na gamitin ng Diyos ang gabay na ito upang magministeryo sa iyong puso.
Explore Other Living Changed Bible Plans
Learn More about Changed Women's Ministries

Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Living Changed: After Divorce

Ang paghihiwalay ay nakapagdadalamhati sa puso ng Diyos. Nasusuklam Siya na nakikita tayong nasasaktan at pinanghahawakan ang kasalanan, kahihiyan at takot. Sa kabila ng ating mga pagkakamali, inaasam Niya na tanggapin natin ang Kanyang biyaya at malaman na tayo ay pinahahalagahan, itinatangi, at hindi maaaring palitan. Kahit ano man ang iyong kalagayan, ang gabay na ito ay makatutulong sa iyo na matagpuan ang kagalingan mula sa paghihiwalay, upang makapamuhay ka ng buhay na tinubos Niya para sa iyo—yaong puno ng pag-asa, kagalakan, at layunin.

More

Nais naming pasalamatan ang Changed Women's Ministries para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang https://www.changedokc.com/