Nabagong Pamumuhay: Pagkatapos ng PaghihiwalayHalimbawa
Pagpapatawad
Ang magpatawad sa taong nakasakit sa iyo ay isa sa mga pinakamahirap gawin bilang mga Cristiano. Para bang isang napakalaking burol na aakyatin. Mas malaki ang sakit, mas mahirap ang burol na akyatin. Subalit ang ating Diyos ay mas malaki sa kahit anong sitwasyon. Kung ibibigay natin sa Kanya ang ating sakit, tutulungan Niya tayong magpatawad.
Sa sandaling panahon, nakumbinsi ko ang aking asawa na subukan ang pagpapayo sa mga mag-asawa. Lubhang nakakasira ng loob para sa akin na marinig ang sinasabi niya tungkol sa masama at pangit na bahagi ng aming relasyon habang madaling kalimutan ang anumang mabuti. Nadama ko na ginagawa ko ang lahat upang maayos ang aming pagsasama sa pamamagitan ng pagpapabuti sa aking sarili, at parang hindi siya gumagawa ng anumang pagsisikap.
Habang ang tinig na nasa aking ulo ay nagiging mas galit, mapait, at mapagmataas, ang hudyat ng mga kampana ay nagsimulang tumunog. Alam ko na hindi ito ang ayos ng puso na nais ng Diyos para sa akin. Bilang tagasunod ni Cristo, tayo ay tinawag upang ibaba ang ating sarili at mahalin ang mga tao sa ating paligid, kasama ang mga mahihirap mahalin at yaong mga nakasakit sa atin. Alam ko na kinailangan kong patawarin ang aking asawa at pakitaan siya ng awa, subalit ayaw ko. Nais ko siyang parusahan sa pagsuko niya sa amin.
Sa kabila ng aking mga nararamdaman, pinilit ko ang aking sarili na iwan ang hinanakit at magtungo sa landas ng kapatawaran. Ito ay mabagal na pagtahak sa lahat ng aking mga nasaktang damdamin. Habang binubuksan ko ang mga mas malalim na sugat, patuloy akong humihiling sa Diyos na palitan ang kirot ng Kanyang kagalingan hanggang sa isang araw, napagtanto ko na hindi na ako galit. Hindi na ako nagkikimkim ng sama ng loob sa aking asawa. Sa halip, ako ay nalungkot para sa kanya at nagnais na matagpuan niya ang parehong kagalingan na natagpuan ko kay Jesus. Sa wakas ay nakayanan ko nang ibaba ang mabigat na dagan na humahatak sa akin pababa at pinatawad siya.
Hindi ko alam ang lahat ng pinagdaanan mo, subalit alam ko na ang kapatawaran ay ang pinakamainam na landas sa pagsulong. Marahil kailangang patawarin mo ang iyong asawa sa pagsira ng iyong tiwala, sa hindi pagprotekta ng iyong puso, o sa hindi pakikipagIaban sa inyong pagsasama. Marahil hinihiling sa iyo ng Diyos na patawarin ang kanyang babae dahil mahal Nya ito katulad ng pagmamahal Niya sa iyo. O marahil ikaw ay nahihirapan na patawarin ang iyong sarili sa mga bagay na ginawa mo na nagwakas ng inyong pagsasama.
Anuman ang iyong sitwasyon, ang Diyos ay naghihintay sa iyo na isuko ang lahat ng ito sa Kanya. Nais Niya na alisin ang iyong sakit, kasalanan, at galit at palitan iyon ng Kanyang kapayapaan at kagalakan. Ang pagpapatawad sa isang tao ay hindi nangangahulugan na ang nangyari ay okey lang o hindi ito mahalaga. Ito ay nagpapakita ng pagsunod na pinapayagan mo ang Diyos na pagalingin ka. Sa pamamagitan ng pagpapatawad, pinapapalaya ka ng Diyos mula sa sakit ng iyong nakaraan upang ikaw ay magpatuloy sa masagangang buhay na ibinigay Niya sa iyo.
Amang Diyos, ako ay nasasaktan. Subalit pinili kong ibigay ito sa Iyo at hilingin na pagalingin Mo ang aking puso. Tulungan Mo akong ilagay ang aking tiwala sa iyong katuwiran at piliin ang biyaya at awa kaysa sa galit at poot. Ipakita Mo sa aking kung paano magpatawad, kahit na ayaw ko. Tulungan Mo akong magbigay ng biyaya sa iba sa paraan na malaya Kang nagbigay ng biyaya sa akin. Aliwin Mo ako, patnubayan Mo ako, bigyan Mo ako ng kapayapaan at kagalakan. Sa pangalan ni Jesus, Amen.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang paghihiwalay ay nakapagdadalamhati sa puso ng Diyos. Nasusuklam Siya na nakikita tayong nasasaktan at pinanghahawakan ang kasalanan, kahihiyan at takot. Sa kabila ng ating mga pagkakamali, inaasam Niya na tanggapin natin ang Kanyang biyaya at malaman na tayo ay pinahahalagahan, itinatangi, at hindi maaaring palitan. Kahit ano man ang iyong kalagayan, ang gabay na ito ay makatutulong sa iyo na matagpuan ang kagalingan mula sa paghihiwalay, upang makapamuhay ka ng buhay na tinubos Niya para sa iyo—yaong puno ng pag-asa, kagalakan, at layunin.
More