Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Nabagong Pamumuhay: Pagkatapos ng PaghihiwalayHalimbawa

Living Changed: After Divorce

ARAW 3 NG 7

Ang Iyong Bahagi

Kapag ang pagsasama ay nagwakas, natural na lumingon at isipin kung ano ang nangyari. Nais natin na mayroong malinaw na paliwanag, na parang ito ay hindi gaanong magpapasakit. Kung alam lang natin kung bakit, tayo ay mapagagaling at makapagpapatuloy. Madaling magtanong. Ang mahirap na bahagi ay ang pagtanggap na hindi lahat ng sisi ay mailalagay sa iisang tao. Kahit na tayo ay palaban o walang-kibo, tayo ay may papel sa pagkasira ng ating relasyon.

Nang iwan ako ng aking asawa, sinabihan niya ako na huwag makipag-ugnayan sa kanya sa buong dalawang linggo. Siya ang aking katauhan sa matagal na panahon na hindi ko alam kung paano ko kakayanin ang dalawang araw, lalo na ang dalawang linggo na hindi siya nakakausap. Subalit, gustong-gusto ko na igalang ang kanyang ninanais, iniisip na kung magawa ko, maaaring hanap-hanapin niya ako at magbago ang kanyang isip. 

Sa gitna ng mga miserableng linggong ito, napagpasiyahan ko na gawing kapaki-pakinabang ang aking oras. Alam ko na may dalawang tao sa aming relasyon at maaaring hindi ko palaging nagagawa nang tama ang lahat. Kaya, isinantabi ko ang aking idealistikong pananaw at tiningnan nang mabuti ang papel na ginampanan ko sa kanyang desisyon na ang aming pagsasama ay tapos na.

Inalala ko ang mga panahon na pinapagalitan ko siya sa pag-iiwan ng kanyang sapatos sa hagdanan. Nang pinagtatawanan ko siya sa harap ng kanyang mga kaibigan o katrabaho. Ang mga panahon na lantaran kong tinatanong ang kanyang katalinuhan o pinagdudahan ang kanyang lakas. Mahirap tanggapin, subalit napagtanto ko na ako ang may-bahay na palaging nagpapadama ng pagmamaliit sa kanyang asawa. 

Ginamit ng Diyos ang sandaling iyon na magpakumbaba ako. Hindi lamang ako ang hindi perpektong may-bahay na inisip ko sa sarili ko, kundi ako rin ang nag-ambag sa nakalalasong paligid ng tahanan na walang isa amin ay nakadama ng pagkapanatag na maging tapat sa aming sarili. Ang aking agresibong pangangailangan na magkontrol ay unti-unting nagpawala ng lahat ng pagtitwala at respeto sa aming pagsasama. Alam ko na kung nais ko ng mahusay na pagsasamahan kinakailangan kong matutong tanggapin ang mga kakulangan ng iba. Kinakailangan kong alamin kung kailan ko dapat pigilin ang aking dila at kung paano magsabi ng mga salita ng buhay. Hiniling ko sa Diyos na tulungan akong maging isang may-bahay na nagmamahal, gumagalang at nagpaparangal nang mabuti sa kanyang asawa.

Maaaring ang aking kuwento ay karaniwan at ang pangangailangan mo na kontrolin ang lahat ng tao at ang lahat ng bagay ang nagpapasira ng inyong samahan. O maaaring ang iyong pagkakamali ay sa pagpili ng pagkakaabalahan mula sa iyong mga problema sa pamamagitan ng pagpapakasawa sa pamimili, pagdalo sa mga pagtitipon, o sa hindi tamang pakikipagrelasyon. Maaring pinili mong punan ang iyong oras sa paggawa ng mga bagay para sa iba sa halip ng paglalahad ng iyong sarili sa tunay na ugnayan sa kanila. O maaaring palagi mong sinisikil ang iyong mga pangangailangan upang mapanatili mo ang kapanatagan at hindi makasakit ng iba. Wala sa mga paraang ito ay mainam. Wala sa mga ito ay hahantong sa mas matibay na relasyon. 

Kahit ano ang dahilan kung bakit natapos ang inyong pagsasama, nais ng Diyos na gamitin ang iyong pighati para sa iyong kabutihan. Kung hahayaan mo Siya, aalisin Niya ang iyong pangangailangan na magkontrol, pagpapalayaw, kaabalahan, o pagtatago. Pagagalingin ka Niya at panunumbalikin sa mas malakas, mas mahabaging bersiyon ng iyong sarili. Hilingin sa Diyos na ihayag sa iyo kung paano mas maging katulad Niya at mas mahalin ang mga tao sa paligid mo. 

Amang Diyos, tinatanggap ko na ako ay hindi perpekto. Kailangan Kita sa aking buhay sa bawat araw. Alisin Mo ang aking pagmamataas at ihayag sa akin ang mga pagkakamali na kadalasan kong ginagawa sa aking mga relasyon. Pagalingin Mo ang mga kirot sa akin na nagiging dahilan na masaktan ang iba. Ipakita sa akin kung paano magmahal, gumalang at parangalan rin ang iba. Gawin Mo akong mas katulad Mo upang magmahal nang may katapangan, may hangarin, at may kagandahang-loob. Tulungan Mo akong maging babae na nilikha Mo na maging ako. Sa pangalan ni Jesus, Amen!

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Living Changed: After Divorce

Ang paghihiwalay ay nakapagdadalamhati sa puso ng Diyos. Nasusuklam Siya na nakikita tayong nasasaktan at pinanghahawakan ang kasalanan, kahihiyan at takot. Sa kabila ng ating mga pagkakamali, inaasam Niya na tanggapin natin ang Kanyang biyaya at malaman na tayo ay pinahahalagahan, itinatangi, at hindi maaaring palitan. Kahit ano man ang iyong kalagayan, ang gabay na ito ay makatutulong sa iyo na matagpuan ang kagalingan mula sa paghihiwalay, upang makapamuhay ka ng buhay na tinubos Niya para sa iyo—yaong puno ng pag-asa, kagalakan, at layunin.

More

Nais naming pasalamatan ang Changed Women's Ministries para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang https://www.changedokc.com/