Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Paalala sa BuhayHalimbawa

Reminders for Life

ARAW 1 NG 6

Kilalanin ang Iyong Impluwensiya

May humigit-kumulang sa 7.7 bilyong katao sa buong mundo. Napakarami niyan at maaaring nakakalulang isipin.May magagawa ba tayong kaibahan? May halaga pa ba ang ginagawa natin? 

Lahat tayo ay may natatanging layunin at pagkakatawag, pero kung minsan mahirap makita ang iyong lugar sa mundo. Kung minsan maaaring maramdaman nating tayo ay kalabisan o kaya naman ay hindi mahalaga. O kaya naman ay parang hindi tayo nakikita o pinahahalagahan. O iniisip natin na ang ginagawa natin ay napakaliit kaya ito ay bale wala na lamang. 

Alam mo ba kung anong sasabihin sa iyo ng tagapaglingkod ng asawa ni Naaman? Mahalaga ang iyong boses

Sa 2 Mga Hari 5, may isang bihag na Israelitang dalaga. Hindi natin nalaman ang kanyang pangalan, at hindi natin alam ang buong kuwento niya. Nabasa lamang natin ang tungkol sa kanya at mula sa kanya buhat sa dalawang bersikulo. Ngunit sa dalawang bersikulong iyon, nagawa niyang baguhin ang buhay ng isang tao. 

Kasunod ng kanyang pagkabihag, siya ay naging tagapaglingkod ng asawa ni Naaman. Si Naaman ay punong-kawal ng hukbo ng Siria at isa siyang ketongin. Pagkalipas ng ilang panahon, sinabi ng dalaga sa asawa ni Naaman na maaring gumaling ang kanyang asawa sa kanyang ketong kung pupunta siya sa propeta na nasa Samaria (2 Mga Hari 5:1-3 Rtpv05). 

Dahil sa kanyang payo, naglakbay si Naaman kasama ang kanyang mga tauhan at nakilala niya si Eliseo, ang propeta, at siya'y gumaling. Ngunit umalis siyang nabago nang higit pa sa inaasahan. Pagkagaling ni Naaman, inihayag niya na "walang ibang diyos sa ibabaw ng lupa kundi ang Diyos ng Israel" at tanging sa Diyos ng Israel lamang siya mag-aalay ng kanyang mga sakripisyo (2 Mga Hari 5: 4-19). 

Isang payo. Isang mungkahi. Isang imbitasyon. Isang ngiti. Isang teksto. Ang isang minuto ay kayang makapagpabago ng kuwento ng isang tao, ng isang buhay, at ang mas mahalaga, ng kanyang buhay sa walang hanggan. Kaya naman pag nakaramdam ka ng hudyat galing sa Banal na Espiritu upang magsalita o kaya ay may gawin, gawin ito! 

Ang posisiyon mo ay hindi tumutukoy sa iyong kapangyarihan o impluwensya. Ang dalagitang Israelita ay di kilala at tanging sa dalawang bersikulo lamang nabanggit sa kabuuan ng Biblia. Ngunit alam niya ang kanyang kakayahan at impluwensiya. 

Minsan, masyado tayong nadadala sa kagustuhang mailagay ang ating pangalan sa isang bagay o malaman ng 7.7 bilyong katao sa mundo na may nagawa tayong kahima-himala. Pero hindi ito tungkol sa pagiging kilala; ito ay tungkol sa pagpapakilala kay Jesus. 

Maaring nakita ng dalagitang Israelita si Naaman sa pag-uwi nito, at maaaring nakita niya kung paanong ang kanyang munting pagmumungkahi ay nagkaroon ng malaking epekto. Maaaring hindi na natin malaman kung anong naging epekto natin sa buhay na ito. Okay lang iyan. Itinanim natin ang buto, at ipabahala natin sa Diyos ang pagkakaroon ng ani nito. 

Kaya, anong isang bagay ang kailangan mong gawin sa araw na ito? 

Manalangin: O Diyos, salamat sa ibinigay mo sa aking layunin. Ako'y nagpapasalamat sa paggawa Ninyo sa lahat para sa ikabubuti ko at sa ikabubuti ng iba. Tulungan po Ninyo akong dinggin at maunawaan ang boses Ninyo. Panginoon, tulungan at gabayan po Ninyo ako sa maaari kong gawing isang maliit na bagay upang magkaroon ito ng epekto sa iba. Amen.  

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Reminders for Life

Anong pangaral ang maaaring maibigay ng mga di-gaanong kilalang mga tauhan sa Biblia para sa mga Milenyal at/o mga Henerasyon Z? Tuklasin sa 6-araw na Gabay sa Bibliang ito.

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://www.life.church/