Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Paalala sa BuhayHalimbawa

Reminders for Life

ARAW 2 NG 6

Ang Kapangyarihan ng Panalangin

Minsan pakiramdam natin ay wala tayong magawa. Maaaring sinusubukan mo ang buhay ng isang nagsasarili na. Siguro ay nahihirapan kang alamin kung paano mo babayaran ang matrikula mo. O baka nahihirapan kang tugunan ang mga gastusin. Anuman ang sitwasyon, hindi mo alam kung anong gagawin, at hindi mo alam paano isasaayos ang problema. 

Alam mo ba kung anong maipapayo sa iyo ni Jabes? Hingin mo sa Diyos. 

Napakaraming ipinamimigay sa lahat ng pagkakataon. Ang mga sikat sa Instagram, sa YouTube, ang mga negosyong laging nag-aanunsyo ng mga bagong produkto at mga bagay na nais nilang ipamigay. Ita-tag lang natin ang tatlong kaibigan natin, ibabahagi ang balita, o kaya ay magkokomento sa balita upang manalo ng iba't-ibang pabuya. 

Pero, gaano kaya kabilis magbabago ang ating mga buhay kung agad-agad tayong nananalangin tulad nang bilis ng ating pagtugon sa mga ipinamimigay? Ang Diyos ay higit na mas mapagbigay at mas makapangyarihan kaysa sa mga sikat na tao sa social media. Nais Niyang makinig sa iyo, at nais Niyang sagutin ang iyong mga panalangin. Alam ito ni Jabes. 

Si Jabes ay matatagpuan lamang sa dalawang berso sa Biblia. Sa 1 Mga Cronica 4:9-10, nakasulat doon ang ibig sabihin ng kanyang pangalan at ang kanyang mapangahas na pagdarasal. 

Sa 1 Mga Cronica 4:10 RTPV05, mababasa natin: Ngunit nanalangin si Jabes sa Diyos ng Israel at sinabi: “Pagpalain po ninyo ako! Palawakin ninyo ang aking lupain. Samahan po ninyo ako at ingatan sa anumang kasawiang makakasakit sa akin.” At ipinagkaloob ng Diyos ang kanyang kahilingan.

Narinig mo na ba ang kasabihang, "Kayo'y wala, sapagkat hindi kayo humihinigi."? Ang kuwento tungkol kay Jabes ay katibayan nito. Nanalangin siya sa Diyos, ipinaalam ang kanyang hiling at ibinigay ito ng Diyos. 

Pero alam mo? Walang masama na hingin mo sa Diyos ang pangangailangan at kagustuhan mo. Kapag kinimkim mo ang iyong panalangin at mga hiling, sinasaktan mo lang ang iyong sarili.

Kung minsan, kailangan mong maghintay nang sandali. Hindi sinabi sa bersikulo na agad-agad tinupad ng Diyos ang kanyang kahilingan. Maaaring umabot ito ng ilang taon, buwan o mga araw. Ngunut kahit gaano man ito katagal, kailangan nating ipagpatuloy ang pananalangin at paniniwala. 

Gayunman, huwag kang magkakamali rito. Ang pananalangin sa Diyos ay hindi tulad ng paghingi ng isang kahilingan sa isang genie. Hindi Siya basta-basta na lang nagkakaloob ng mga kahilingan. Hindi dahil nanalangin ka sa Diyos para sa isang bagay ay makukuha mo nang lahat ng gusto mo o wala ka nang magiging problema. Hindi nangako si Jesus na hindi na tayo makakaranas ng sakit. Ang totoo, ipinangako Niyang magkakaroon tayo ng problema sa buhay na ito. 

Kaya, kung minsan, ang sagot ng Diyos ay hindi. Ang Kanyang pagtanggi ay kasing buti ng Kanyang mga pagtutupad sa ating mga hiling—kahit na hindi natin ito maunawaan sa sandaling iyon. Minsan hindi Niya ipinagkakaloob sa atin ang ating hinihingi sapagkat mayroong mas mabuting plano at mas mabuting "oo" balang araw. 

At kung minsan? Tulad ni Jabes, mamamangha ka sa Diyos. Kaya Niyang higitan ang ating mga hinihingi, iniisip o naguguni-guni. Kailangan lang natin manalangin nang may pananampalataya. 

Saan ka kailangang manampalataya at anong kailangan mong ipanalangin? 

Manalangin: Diyos ko, Ikaw ay isang mabuting Ama at dakilang Tagapagtustos. Sa pamamagitan ng pananampalataya, hinihingi ko ang ________. Salamat Panginoon. Amen.

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Reminders for Life

Anong pangaral ang maaaring maibigay ng mga di-gaanong kilalang mga tauhan sa Biblia para sa mga Milenyal at/o mga Henerasyon Z? Tuklasin sa 6-araw na Gabay sa Bibliang ito.

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://www.life.church/