Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Paalala sa BuhayHalimbawa

Reminders for Life

ARAW 5 NG 6

Ang Kapangyarihan ng Pagpapakawala

Minsan ay mahirap pakawalan ang mga bagay. Maaring ito ay isang relasyon, mahalagang alaala, o ang kinagigiliwan nating libangan, tayo ay nagpupumiglas na pakawalan ito —kahit na alam nating hindi ito nakabubuti sa atin o ramdam nating gusto ng Diyos na pakawalan natin ito. 

Ano kaya ang masasabi sa iyo ni Acan, na isang Israelita sa panahon ni Josue? Ibigay mo ito sa Diyos; hindi naman iyan mapapakinabangan. 

Ibinibigay ng Diyos sa mga Israelita ang lupaing ipinangako Niya sa mga ito. Sa pamumuno ni Josue, ang mga Israelita ay patuloy na nagtatagumpay sa bawat bayan na kanilang pinupuntahan. 

Nang ipinadala sila ng Diyos sa pakikidigma sa Ai, sa Josue 7, alam mo ba kung anong nangyari? Ang mga Israelita ay tumakbo sa takot—at ang lahat ng ito ay dahil sa hindi pagsunod ni Acan. 

Ang Panginoon ay may mga tiyak na tagubilin sa mga Israelita. Sinabi sa kanila ng Diyos na may mga bagay na hindi nila dapat kunin mula sa mga bayang tinalo nila dahil ang mga ito ay para sa Diyos. Ngunit si Acan ay kumuha ng ilang bagay. 

Noong siya ay nahuli, ang sabi niya “… Naakit ako sa mga ito, kaya kinuha ko. Ibinaon ko ito sa lupa sa loob ng tolda ko. Ang pilak ang nasa pinakailalim.” Josue 7:21 ASND 

Anong nakatago sa puso mo? 

Anumang hinahayaan mong lumago sa puso mo ay napakaimportante. Sinasabi sa Biblia na dapat nating bantayan ang ating mga puso, panatilihin ang Banal na Kasulatan sa ating mga puso, at hayaang ang Diyos ang maghari sa ating mga puso. Tayo ay likas na mapili sa kung sino ang hinahayaan nating mahalin at papasukin sa ating buhay. Ngunit anong mangyayari kung hahayaan natin ang mga diyus-diyosan at mga bagay at hindi ang Diyos ang maghari sa ating puso? 

Ang sabi ng Diyos kay Josue: "Hindi kayo makakalaban sa mga kaaway nʼyo hanggaʼt nasa inyo ang mga bagay na ito.” Josue 7:13 ASND

Ano-anong mga bagay ang kailangan mong pakawalan upang magawa at magampanan ang mga panukalang itinalaga ng Diyos para sa iyo? 

Maaaring kailangan mong pakawalan ang pagmamataas, pagkainggit, o kasakiman. O ang mga bagay na hindi naman kasalanan. Baka kailangan mong pakawalan ang pakikipag-ugnayan sa social media, o ang paglalaro ng Playstation o Xbox, o ang sarili mong mga plano. Anuman ang kailangan mong pakawalan, hindi sulit na hawakan ang isang bagay na nakakapigil sa iyo. 

Anong kailangan mong pakawalan? 

Manalangin: O Diyos, ang tagal ko nang hindi mapakawalan ang ____. Nasa kaibuturan ito ng aking puso, ngunit nais ko na itong hukayin at pakawalan. Alam kong mayroon Kang plano at layuning makabubuti para sa akin, tulad ng sabi ni Pablo, nais kong pakawalan ang mga pabigat na nagpapabagal sa takbo ko sa buhay na itinakda mo para sa akin. Salamat sa Iyong biyaya at sa Iyong kahabagan. Sa pangalan ni Jesus, amen.

Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Reminders for Life

Anong pangaral ang maaaring maibigay ng mga di-gaanong kilalang mga tauhan sa Biblia para sa mga Milenyal at/o mga Henerasyon Z? Tuklasin sa 6-araw na Gabay sa Bibliang ito.

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://www.life.church/