Mga Paalala sa BuhayHalimbawa
Ang Kapangyarihan ng Itinakdang Panahon ng Diyos
Minsan nilalagay tayo ng Diyos sa mga lugar at kalagayan na hindi natin lubos maintindihan. Siguro ngayon ikaw ay walang kaagapay sa buhay, at hindi mo maintindihan kung bakit. Maaaring nakatanggap ka ng trabaho o natanggap sa isang kolehiyo nang hindi mo inaasahan. Baka narinig mong sinabihan ka ng Diyos na manatili muna kahit na nakatakda ka nang umalis. O kaya naman ay dinala ka ng Diyos sa isang kasukalan na sa tingin mo ay hindi ka pa handa o hindi mo pa kayang tawirin.
Anumang sitwasyon o panahon ang kinalalagyan mo, marahil nagtataka ka kung bakit diyan ka inilagay ng Diyos.
Alam mo ba kung anong maaring sabihin sa iyo ni Mordecai? Ito'y “para sa ganitong pagkakataon.” (Ester 4:14 RTPV05).
Si Mordecai ay ang kamag-anak at ang tagapag-alaga ni Ester, na siyang reyna na nagligtas sa kanyang mga kababayan.
Sa Ester 3, may kautusang salakayin ang mga Judio upang palayasin sila sa kanilang kinaroroonan. Sa susunod na kabanata, sa gitna ng pagdurusa at pagluluksa, si Mordecai ay nagpasabi kay Ester, para ito ay manawagan sa hari.
Si Ester ay may pag-aalinlangan dahil maari ka lang lumapit sa hari kapag may imbitasyon. Ang tugon ni Mordecai: “… Anong malay mo? Baka nga napunta ka riyan para maging kasangkapan sa ganitong pagkakataon!” Ester 4:14 RTPV05
Ang Diyos ay hindi Diyos ng pagkakataon, at tulad ng natutunan natin sa Ang Mangangaral 3, may panahon sa bawat bagay. At ang itinakdang panahon ng Diyos ay perpekto.
Kaya't maaaring nasa trabaho ka, at may pinagdaraanan sa iyong kalusugan, o kaya naman ay nasa sitwasyon kang hindi mo maunawaan dahil ikaw ang sagot sa problema ng ibang tao. Minsan ay masyado tayong abala sa mga detalye, sa ating plano para sa ating sarili, o kaya naman ay sa mga "paano kung" at "ano kaya kung" samantalang ang dapat nating binibigyang-pansin ay kung paano tayo makakapagbigay ng luwalhati sa Diyos sa panahon ng buhay na kinaroroonan natin.
Sa anong aspeto ng buhay mo kailangang magtiwala sa itinakdang panahon ng Diyos?
Manalangin: Panginoong Diyos, salamat sa patuloy na paglalakad kasama ko at sa unahan ko. Alam kong mayroon kang plano para sa buhay ko at para sa ___. Ako'y nakikiusap na bigyan Mo ako ng kaloobang puno ng pasensya. Nagtitiwala ako sa Iyo, aking Diyos. Sa pangalan ni Jesus, amen.
Tumuklas ng iba pang nilalaman tulad nito para sa mga kabataan.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Anong pangaral ang maaaring maibigay ng mga di-gaanong kilalang mga tauhan sa Biblia para sa mga Milenyal at/o mga Henerasyon Z? Tuklasin sa 6-araw na Gabay sa Bibliang ito.
More