Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mula sa Pagkabalisa Tungo sa Kapayapaan Halimbawa

From Anxiety to Peace

ARAW 5 NG 6

Sa paglipas ng mga taon, habang sinusuri ko ang iba't ibang mga bagay na nakakapagbigay ng kabalisahan o nakakapagpaaburido sa akin, may isang pagkakapareho ang mga ito pagdating sa aking pagtugon sa kanila — ang pagnanais na kontrolin ang mga bagay. Tila kapag pinaglalaruan ko sa aking isip ang mga maaaring masamang kahihinatnan o ang pag-iisip ng mga proyektong maaaring hindi magtagumpay, ito ay makapagbibigay sa akin ng kapamahalaan. Walang mangyayaring hindi ako mabibigyan ng babala o kaya naman ay hindi ako magiging handang harapin ito. 

Gayunman, ang problema ay, hindi maaaring magsabay ang pagtitiwala at ang kontrol. Maaaring may kontrol ka o may pagtitiwala ka, pero hindi pwedeng magsabay ang dalawa. Nagbibigay ito ng hamon dahil sa kabuuan ng Banal na Kasulatan, ang iniuutos sa atin ng Diyos ay ang magtiwala sa Kanya. Sa totoo lang, madalas ay makikita nating ang paggabay ng Diyos ay hindi nagpapakita ng kabuuang larawan at hindi rin ibinibigay ang lahat ng detalye. 

Sinsabi ng Banal na Kasulatan na ninanais ng Diyos ang ating pagtitiwla at pananalig sa Kanya habang tinatahak natin ang ating landas. Inutusan si Abraham na lisanin ang kanyang bayan ngunit hindi ibinigay sa kanya ang tiyak na destinasyon nang maaga. Ang bayan ng Diyos ay sinabihang humakbang sa nagngangalit na ilog nang walang garantiyang hahawiin ng Diyos ang tubig. Sina Maria at Marta ay hinamong magtiwala noong inutusan sila ni Jesus na alisin ang batong nakatakip sa libingan ng kanilang namatay na kapatid. 

Suriin ang iyong puso at ang iyong mga motibo ngayon. Gaano kalaki sa iyong pagkaaburido at pag-aalala ang pagtatangkang makapagkontrol? Tangkaing ilagay na muli sa Kanya ang iyong pagtitiwala. Narito ang ilan sa mga maaaring gawin:

  • Kilalanin ang iyong pakikibaka sa Kanya at ipahayag na gusto mong magtiwala sa Kanya. 
  • Ihinto ang mga negatibong pag-iisip sa loob ng 30 segundong pagpasok pa lamang nito sa iyong isipan at palitan ang mga ito ng mabubuting kaisipan.

Maraming mga siyentipiko ang naniniwalang maaari tayong lumikha ng mga bagong daanang neural sa pamamagitan ng pagbabago ng ating mga kaisipan dahil nababago nito ang mga negatibong pag-iisip. Sinabi ni apostol Pablo ang tungkol sa pagbihag sa ating mga kaisipan sa Ikalawang Mga Taga-Corinto, kapitulo 10, talatang 5. Nakakatawa, ang isa sa mga unang hakbang sa pag-aalis ng kontrol sa iyong buhay ay ang pagkakaroon ng kontrol sa iyong pag-iisip. 

Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

From Anxiety to Peace

Kung natatagpuan mo ang iyong sariling laging nakikipagbuno sa pag-aalala at pagkabalisa, ang Gabay sa Bibliang ito ay para sa iyo. Walang isang mabilis na solusyon na makatitiyak ng 100% na kapayapaan o kaya naman ay makatutugon sa lahat ng mga bagay na may kinalaman sa pagkabalisa. Gayunpaman, ang mga tuntunin na nakapaloob sa Gabay na ito ay nag-aalok ng mga landasin tungo sa tagumpay kapag sila ay ipinamuhay. Inaanyayahan kang simulan ang paglalakbay na ito mula sa pagkabalisa tungo sa kapayapaan.

More

Ang orihinal na Gabay sa Biblia na ito ay ginawa at nagmula sa YouVersion.