Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mula sa Pagkabalisa Tungo sa Kapayapaan Halimbawa

From Anxiety to Peace

ARAW 4 NG 6

Isang araw, inuunawa ko ang ilan sa aking mga alalahanin kasama ang aking tagapagturo. Habang sinasabi ko ang mga pinakamatitinding takot ko, tahimik akong umaasa na papapanatagin niya ang loob ko sa pagsasabing ang mga ito'y malamang na hindi mangyayari. Subalit, ang tugon niya ay naging mas makapangyarihan at mas pangmatagalan. Sinabi niya, "Nakita kitang humarap sa maraming mga hamon at nakita ko ang Diyos na nagbigay sa iyo ng kalakasan sa napakaraming pagsubok na iyon. Nagtitiwala akong kung mangyari man ang pinakakinatatakutan mo, gagawin pa rin Niya ito. Lalampasan mo ito sa pamamagitan ng Kanyang kamangha-manghang lakas at kapangyarihan."

May kaliwanagang dumating sa akin na sumasang-ayon sa utos ni Jesus sa Mateo 6:34. Sa talatang ito tungkol sa hindi pag-aalala, tiyakang sinabi ni Jesus na huwag mag-alala sa mga bagay sa hinaharap. Sapat na ang mga alalahanin para sa pangkasalukuyang araw. Ganoon din, ang sumulat ng Mga Hebreo ay nagsasabing binibigyan tayo ng Diyos ng biyaya at tulong sa oras ng ating pangangailangan

Kapag pumapasok ako sa lugar ng pag-aalala tungkol sa isang posibleng problema, parang sumusuong ako sa isang labanan nang mag-isa laban sa problemang iyon. Ang Kanyang kalakasan at kapangyarihan ay laging nariyan para sa atin kapag kailangan natinNakita ko kung paano Siya nagbigay ng kapayapaan, kalakasan, at tulong sa napakaraming panahon ng aking buhay noong kailangan ko ito. Ngunit ng Kanyang Salita ay hindi nangangako ng kalakasan at tulong bago natin kinakailangan ito. Maaaring kinakaharap ko ang balita tungkol sa isang hindi magandang pagsusuri at lahat ng mga hamong pangkalusugang kasama nito, ngunit hanggang sa talagang kaharap ko na ito, wala pa sa akin ang Kanyang kalakasan at tulong para sa partikular na problema o krisis na ito. Ang paalalang ito ay nakatulong sa akin upang bitwan ang takot at magtiwala na anuman ang mangyari, Siya ay may kapangyarihang magligtas…kapag kailangan ko ng pagliligtas.

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

From Anxiety to Peace

Kung natatagpuan mo ang iyong sariling laging nakikipagbuno sa pag-aalala at pagkabalisa, ang Gabay sa Bibliang ito ay para sa iyo. Walang isang mabilis na solusyon na makatitiyak ng 100% na kapayapaan o kaya naman ay makatutugon sa lahat ng mga bagay na may kinalaman sa pagkabalisa. Gayunpaman, ang mga tuntunin na nakapaloob sa Gabay na ito ay nag-aalok ng mga landasin tungo sa tagumpay kapag sila ay ipinamuhay. Inaanyayahan kang simulan ang paglalakbay na ito mula sa pagkabalisa tungo sa kapayapaan.

More

Ang orihinal na Gabay sa Biblia na ito ay ginawa at nagmula sa YouVersion.