Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mula sa Pagkabalisa Tungo sa Kapayapaan Halimbawa

From Anxiety to Peace

ARAW 3 NG 6

Ang pagiging totoo ay mahalaga sa akin. Madalas ay nahihirpan akong magkaroon ng mga positibong kaisipan o pahayag kapag hindi sila umaayon sa aking nararamdaman. Halimbawa, kung may mga sintomas ako ng trangkaso, hindi ko paulit-ulit na sasabihing, "Wala akong sakit, wala akong sakit, wala akong sakit."

Subalit, isang araw habang nakikinig ako ng katuruan tungkol sa Mga Taga-Filipos 4:8, napagtanto ko kung gaano kadalas na nagsasabi ako ng mga hindi katotohanan sa aking isipan sa halip na katotohanan. Sinasabi ng talata na, maging laman ng inyong isip ang mga bagay na totoo." Kapag itinutuon natin ang ating mga isipan sa maaaring mangyari, o ang pinakamasamang maaaring mangyari, nagmumuni-muni tayo sa mga bagay na hindi totoo. Kapag nag-aalala akong ang sakit na nararamdaman ko sa aking ulo ay isang tumor, nananahan ako sa hindi totoo. Kanser kaya ito o mas malala pa? Siguro. Ngunit hangga't hindi pa ito ang kaso, hindi ito totoo

Hindi ko na kayang sabihin kung ilang karamdaman, problema sa pananalapi, kabiguan at mga malulubhang pangyayari na pakiramdam ko ay naranasan ko sa mga nagdaang taon dahil pinili kong tumuon sa mga bagay na hindi totoo. At marami sa kanila ay ni hindi man lang talaga nangyari. Paikot-ikot lang sila sa aking isipan bilang mga maaaring mangyari.

Maaaring malinaw at napakasimple lang, ngunit malaking ginhawa ang naranasan ko sa pagpapaalala ko sa aking sarili na tumuon lamang sa mga bagay na totoo — hindi sa mga bagay na baka. Ang trabaho ko ay ang tumuon lamang sa mga bagay na alam kong totoo

Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

From Anxiety to Peace

Kung natatagpuan mo ang iyong sariling laging nakikipagbuno sa pag-aalala at pagkabalisa, ang Gabay sa Bibliang ito ay para sa iyo. Walang isang mabilis na solusyon na makatitiyak ng 100% na kapayapaan o kaya naman ay makatutugon sa lahat ng mga bagay na may kinalaman sa pagkabalisa. Gayunpaman, ang mga tuntunin na nakapaloob sa Gabay na ito ay nag-aalok ng mga landasin tungo sa tagumpay kapag sila ay ipinamuhay. Inaanyayahan kang simulan ang paglalakbay na ito mula sa pagkabalisa tungo sa kapayapaan.

More

Ang orihinal na Gabay sa Biblia na ito ay ginawa at nagmula sa YouVersion.