Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mula sa Pagkabalisa Tungo sa Kapayapaan Halimbawa

From Anxiety to Peace

ARAW 1 NG 6

Ang Gabay sa Bibliang ito ay isinulat ni Brian Russell — ang Tagapangasiwa ng Youversion. 

Kung nahihirapan ka sa pag-aalala o sobra na ang nararamdaman mong stress, nasa landas ka na dati ko nang dinaanan. Paminsan-minsan, ang landas na ito'y nagpapakita pa rin at inaanyayahan akong muli sa madilim na pasilyo nito. Ngunit ngayon, may ginagamit na akong matibay at pang-araw-araw na pamamaraan na nakatulong sa akin upang hindi na ako muling hawakan ng pag-aalala.

Una kong hinarap ang matinding pag-aalala at pagkataranta sa isang mapanghamong panahon ng aking buhay ilang taon na ang nakakaraan noong ako ay nanirahan sa ibang bansa. Nag-aaral ako ng bagong wika, nagsisimula ng isang negosyo, sinusubukang maging ilaw ni Cristo sa isang lugar na walang simbahan, at isang ama ng kambal na lalaking isang taong gulang pa lamang kasama ang aking asawa. Ang pakiramdam ko ay unti-unti akong nahuhulog sa isang madilim na lambak. 

Sa loob ng ilang buwan, nakaranas ako ng pananakit ng dibdib, sakit ng ulo at iba pang mga karamdaman na pinagsimulan ng takot at pag-aalala. Hanggang sa puntong ito ng buhay ko, hindi pa ako nakaranas ng ganoon katinding pangyayari at hindi talaga ako nagkaroon ng pag-aalala. Kung magiging tapat ako, ipinagmamalaki kong isa akong matapang na taong hindi takot na suungin ang panganib. Ngunit hindi nagtagal, nagsimula akong mag-isip ng pinakamasasamang sitwasyon. Kumbinsido akong may mali sa akin o may masamang mangyayari sa aking pamilya. 

Tatanungin ng mga tao kung ang aking pagkabalisa ay nagmula sa aking sitwasyon, ito ba ay sikolohikal, o espirituwal. Sa pag-iisip ko tungkol dito, kumbinsido akong ang sagot dito ay "oo." Naniniwala ako na kadalasan, maraming bagay ang sama-samang nakapagbibigay ng kabalisahan sa atin. Ang stress ay umaakyat kung saan kahit ang mga may mataas na pagpapaubaya ay madaling maapektuhan ng lumalakas na puwersa nito. Gayundin, tulad ng ibang pisikal na limitasyon o mga karamdaman, ang ilan sa atin ay nakakaranas ng mga pagkakataon kung saan ang mga kemikal sa ating katawan ay wala sa kaayusan. Dagdag pa rito, ang ating espirtuwal na kaaway ay mapagsamantala pagdating sa kanyang mga pag-atake; titirahin tayo sa mga lugar ng ating kahinaan sa pinakamahirap na sandali ng ating buhay.

Sa Gabay sa Bibliang ito, hindi ko susubukang sagutin ang lahat ng mga dahilan ng kabalisahan ni lahat ng mga solusyon sa pangkaraniwang pakikibakang ito. Hindi ako magkukunwaring magbigay ng isang pakwelang solusyon na, kapag ginawa, ay nangangako ng isang buhay na walang alalahanin. Ngunit naniniwala akong ang mga prinsipyong nakapaloob dito ay may maibibigay na daan tungo sa tagumpay yayamang sila'y napapagtibay at naipapamuhay. Patuloy silang nakakatulong sa akin habang patuloy akong natutuksong mahulog sa madulas na daan ng takot at kabalisahan. Dalangin kong matulungan din kayo nito.

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

From Anxiety to Peace

Kung natatagpuan mo ang iyong sariling laging nakikipagbuno sa pag-aalala at pagkabalisa, ang Gabay sa Bibliang ito ay para sa iyo. Walang isang mabilis na solusyon na makatitiyak ng 100% na kapayapaan o kaya naman ay makatutugon sa lahat ng mga bagay na may kinalaman sa pagkabalisa. Gayunpaman, ang mga tuntunin na nakapaloob sa Gabay na ito ay nag-aalok ng mga landasin tungo sa tagumpay kapag sila ay ipinamuhay. Inaanyayahan kang simulan ang paglalakbay na ito mula sa pagkabalisa tungo sa kapayapaan.

More

Ang orihinal na Gabay sa Biblia na ito ay ginawa at nagmula sa YouVersion.