Mga Araw-araw na Hiyas- Ihanay ang Iyong Korona Bilang Anak na Babae ng HariHalimbawa
Araw 5: Dress Rehearsal
Dress Rehearsal: ang panghuling ensayo bago ang pagtatanghal, kung saan ang lahat ay tapos na, na parang nasa tunay na pagtatanghal.
Lumaki akong gustong-gusto ang teatro. Nagtanghal ako hanggang sa kolehiyo. Gusto ko ang pag-arte sa isang karakter at gampanan ito sa maikling panahon. Ngunit ang pinakagusto ko ay ang “dress rehearsal,” dahil ito ang nagbibigay sa akin ng lakas ng loob para sa unang gabi ng pagtatanghal. Pwede naming ayusin ang mga gusot at mag-ensayo hanggang sa makuha nami ito ng tama. May mga araw na nais ko na may dress rehearsal tayo sa buhay. Maaari tayong “mag-praktis” sa trabaho bago tayo mag-pasya kung gusto natin ito. Maaari rin tayong makisama sa isang tao na walang emosyon bago natin silang tawaging “kaibigan,” para sa ganoon ay walang masasaktan. Hindi ba’t maganda na magkaroon ng isang sulyap sa maaaring mangyari sa susunod na mangyayari sa iyong buhay para ito ay maitama mo na pagdating sa totoong buhay?
Nakipagpunyagi ako sa kawalan ng kumpiyansa sa sarili sa loob ng maraming taon, siguro dahil sa hindi ko gusto ang hindi ko alam. Noong ako ay nasa dakong huli ng aking 20’s habang pinapalaki ko ang aking mga anak na lalaki at naalala ko ang pagsusulat sa journal at paghiling sa Diyos na “bigyan ako ng senyales.” Wala akong alam kung saan Niya gusto akong maglingkod, magtrabaho, o kung kanino ako magkakaroon ng malapit na kaugnayan. Hindi ako halos makaraos sa aking mga labahan, at hindi ko alam ang aking sunod na hahakbangin. Nasa “silid-hintayan ako, ngunit mabilis na inihayag ng Panginoon sa akin na ako ay nasa “silid ng paghahanda.” Ang katotohanan ay ang buhay ay HINDI isang dress rehearsal. Marami akong iba't-ibang panahon ng pagpupunyagi, at maging matiding kalungkutan, dahil hindi ako tiwala sa kung ano ang susunod. Naniniwala akong napalampas ko ang ilang sandaling dulot ng Diyos sa akin dahil sa aking pag-uugali at kawalan ng kumpiyansa sa sarili. Naroon ang Diyos sa mga oras na iyon, na nagnanais na ipakita sa akin ang daan.
Naramdaman mo na ba ito? Nawalan ka na ba ng kumpiyansa sa hindi mo alam? Ang paghihintay ay hindi nangangahulugang hindi pagkilos, ang ibig sabihin nito ay ikaw ay umuunlad. Ang kapangyarihan ng Diyos ay nasa proseo , at minsan ang silid ng paghahanda ay ang tanging lugar kung saan nasasanay natin ang ating mga kaisipan, kalooban, at kaluluwa. Ang iyong layunin sa buhay ay hindi para hanapin mo ang “susunod” na bagay na hahabulin o kung paano magkaroon ng mas maraming taga-sunod. Ang iyong layunin ay walang kinalaman sa iyo at may kinalaman lahat sa kung paano maaaring gamitin ng Diyos ang mga kaloob na ibinigay Niya sa iyo. Ang silid-hintayan ay para sa pagsasanay, kung kaya’t kumuha ka ng meryenda at Biblia at maghandang matuto na gamitin ang lahat ng matalik na binuo ng Diyos sa kaloob-looban mo noong ikaw ay nasa sinapupunan pa ng iyong ina.
Kung ikaw ay nakatuon sa Diyos at matiyagang maghahanda, ang susunod na pinto ay magbubukas at ikaw ay magiging handa sa kung anong mayroon ito para sa iyo. Mga kababaihan, minsan kailangan nating magtuon ng pansin sa mga taong katabi natin sa paghihintay kaysa sa mga bagay na ating pinapalampas. Ang mga munting pag-uusap, mga mabilisang ngitian sa pamilihan, mga text na nakakapagpalakas ng loob, marahil ang mismong layunin ng Diyos para sa iyo ngayon. Tumingin sa itaas, maghanda, at maging handa na umunlad sa lahat ng nais ng Diyos para sa iyo.
Hindi natin kailangang magsanay o lubusin ang kagalingan sa isang bagay bago natin itong subukan. Dito pumapasok ang pagpili na magtiwala sa Diyos. Kung ipinakita na Niya kung ano ang hitsura ng sunod na linggo, hindi mo na pipiliing kausapin Siya o pagtiwalaan Siya dahil “alam" mo na. Ating hingin sa Panginoon ang kailangan pa nating matutunan at lumago sa panahong ito upang makatulong sa atin sa susunod.
Pang-araw-araw na Panalangin:
Ama sa Langit,
Dalangin ko na mag-iba ang aking pag-iisip kapag ako ay nasa panahon ng “paghihintay.” Tulungan Ninyo akong magtuon sa paglago bilang kung anong tinawag Ninyo sa akin sa halip na sa “susunod na pintong” magbubukas. Kayo po ang pinto at dalangin ko na ako ay lumakad patungo sa Inyong bisig sa pamamagitan ng Inyong Banal na Salita at panalangin. Ang aking layunin ay Ikaw, Jesus. Dasal ko na makapagpalakas ako ng loob ng iba na nasa paghihintay at ipaalala sa kanila na naghahanda ang Diyos ng mga dakilang bagay para sa kanila. Salamat Jesus sa bawat panahon at pagsama Mo sa proseso, nagtitiwala ako na gumagawa Kayo ng mabuting gawa sa akin. Sa Ngalan ni Jesus.
Nagmamahal,
Ang Inyong anak na babae
Huwag kalimutan ang iyong korona ngayon!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Tignan mo ang iyong kapaligiran. Sa gitna ng kaguluhan, palaging mayroong hiyas na matatagpuan. Ang Mga Araw-araw na Hiyas ay isang 7-araw na debosyonal na nanawagan sa iyo na buong tapang na ihanay ang iyong korona bilang anak na babae ng Hari. Samahan ako sa isang paghahanap sa kayamanan upang matuklasan ang mga pambihirang hiyas na nakakubli sa mga pangkaraniwang mga lugar.
More