Mga Araw-araw na Hiyas- Ihanay ang Iyong Korona Bilang Anak na Babae ng HariHalimbawa
Araw 3: Ihinto na ang Pagsigaw sa Akin
Maingay: lumikha o may kakayanang lumikha ng ingay; madaling marinig.
Naaalala mo pa ba ang mga panahong ang TV ay nasisira at gumagawa ng maingay na tunog at may parang puting nyebe sa screen nito? Baka masyado ko nang inihahayag ang aking edad, ngunit noong nangyayari ang ganito, tumatakbo ako at pinapatay ang TV dahil napakalakas at napakaingay nito! Minsan, naiisip ko na marami sa atin ang lumalakad na may puting ingay sa ating mga isipan, habang sinisikap nating maging lahat para sa lahat.
Marahil ikaw ay nasa kolehiyo na naririnig at nakikita kung ano ang ginagawa ng iba at binabago mo ang iyong mga prayoridad upang maging katulad nila. Marahil ikaw ay nasa edad ng gitnang trenta, tulad ko, na nagpapalaki ng mga anak at habang nagmamasid ay nakikita kung paanong mukhang napakadali para sa ibang nanay ang gawaing ito. Marahil ikaw ay retirado na at ang mga ingay na iyong kinasanayan ay wala na. Ang bawat panahon ay may bagong ingay, kaya't hinihikayat kitang magbulaybulay sa araw na hinaharap. Anong mga ingay ang dumadating? Iyon ba ay mga opinyon ng mga kasama sa trabaho, mga hagikhik ng sanggol, pagtunog ng telepono, mga batang naglalaro, o tipahan sa teklado? Ngayon, ako ay nakikinig sa malakas na huni ng dryer na nagpapatuyo sa aming mga damit sa ika-5 beses na dahil di ko gustong magtiklop. Ang dryer ay may iisang ginagampanan- magpatuyo ng aking mga damit. At sa pagharap mo sa araw na ito, alam mo ba, may isa ka ring layunin. Madaling gawing kumplikado kung ano iyon dahil mayroon tayong mga responsibilidad na sa “tingin” natin ay siyang ating layunin.
Subukan mo ang pagsasanay na ito. Itakda ang iyong alarma sa telepono ng 6 na minuto. Ipikit ang iyong mga mata at sikaping huwag mag-isip. Manatili lamang nakaupo nang tahimik. (Maghihintay ako rito).
Umaasa akong nakibahagi ka sa pagsasanay na ito dahil ipinakita ko sa iyo ang iyong layunin, na huminto. Ang iyong Ama sa Langit ay nais na bumulong ng Kanyang marahan at banayad na tinig sa iyong puso. May mga nais Siyang ipakita sa iyo. Nais Niyang ituro sa iyo ang iyong tatahakin, at kailangan nating lunurin ang mga puting ingay sa buhay. Kung hindi mo pa kailanman narinig ang Kanyang boses, nais kong sabihan ka ng isang simpleng tanong: Naglaan ka na ba ng oras at nilinaw ang iyong isipan at puso upang marinig ito? Magsimula ka doon, at kung nais mo pa ng karagdagang kaalaman, hinihikayat kitang bumili ng aklat ni Priscilla Shirer na “Discerning the Voice of God.” Binago ng aklat na ito ang aking buhay.
Sa aking paglaki, tinatawag ng aking tatay ang pangalan ko at kung "paano" niya ito binibigkas ang nagsasabi sa akin kung ako ay may problema sa kanya o kung may kailangan lamang siya sa akin. Nakakasama ko ang aking ama araw-araw kaya kaya kong kilalanin ang kanyang boses mula sa 100 na ibang tinig ng mga lalaki kahit di ko siya nakikita. Ang iyong Ama sa Langit ay naghihintay sa iyo na alisin kung ano ang lumulunod sa Kanyang boses, upang maging mas malakas ang tunog Niya. Simulan natin ang araw na ito sa panalangin at paalalahanan ang ating puso na ang ating layunin ay lumago ang pakikipag-ugnayan sa ating Ama sa Langit. Ang ibang mga bagay ay aayon na lamang sa Kanyang kalooban.
Pang-araw-araw na Panalangin:
Ama sa Langit,
Ako ay haharap sa araw na ito na may maraming mga ingay, kaya't ang dalangin ko ay tulungan Ninyo akong matutong maging mahinahon. Napakaraming mga bagay ang sumisigaw sa akin, at kami ay nagiging kuyapos. Tulungan Ninyo akong kilalanin kung ano ang puting ingay at kung IKAW ay nangungusap sa akin. Alam ko na ang aking layunin ay maging mas malapit sa Iyo at Ikaw ang pupuno sa iba pang mga detalye. Tulungan Mo ako na magtiwala sa Iyo nang HIGIT pa! Sa pangalan ni Jesus.
Nagmamahal,
Ang Inyong anak na babae
Huwag kalimutan ang iyong korona ngayon!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Tignan mo ang iyong kapaligiran. Sa gitna ng kaguluhan, palaging mayroong hiyas na matatagpuan. Ang Mga Araw-araw na Hiyas ay isang 7-araw na debosyonal na nanawagan sa iyo na buong tapang na ihanay ang iyong korona bilang anak na babae ng Hari. Samahan ako sa isang paghahanap sa kayamanan upang matuklasan ang mga pambihirang hiyas na nakakubli sa mga pangkaraniwang mga lugar.
More