Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Araw-araw na Hiyas- Ihanay ang Iyong Korona Bilang Anak na Babae ng HariHalimbawa

Daily Jewels- Aligning Your Crown As A Daughter Of The King

ARAW 4 NG 7

  Araw 4: Mahal Ako, Hindi Ako Mahal

Katulad: pagkakaroon ng kaparehong katangian o kaugalian; kagaya.

Gustung-gusto ko ang mga tao! Talagang-talaga! Sabi nga ng aking asawa, kapag may nakita akong kakilala ko, “sapilitang niyayakap” ko sila. Lagi niya akong pinaaalalahanan na hindi lahat ng tao ay gustong mayakap. Bueno, ito ay sadyang kabaliwan para sa akin. Ang mahinahong paalala na iyan ay naging makabuluhan, noong napag-alaman ko na isa sa mga “kaibigan” ko ay hindi pala ako gusto. Ano? Hindi ko malilimutan ang unang beses na pumasok ako sa silid at iniwasan niya ako na parang salot. Wala akong ideya kung bakit, kaya ginugol ko ang dalawang araw sa pag-iisip kung ano ang aking nagawa o nasabi. Nilamon ako ng mga kaisipang ito at ako ay naging balisa. 

Naniniwala ako na ang bawat babae, anuman ang edad, ay naranasan ito. Tumawag ako sa telepono at kinausap ang isa sa aking mga tagapayo sa panalangin. Naging simula ito ng paglago sa isang malalim na relasyon kay Jesu-Cristo. Katulad ng pagkagusto ko sa “pagyakap,” gusto ko rin ang “pag-aayos.” Gusto kong makipag-usap sa telepono upang “ipagtanggol” ang aking sarili at maunawaan ito dahil ang pag-iisip na may isang taong ayaw sa akin ay masakit sa aking damdamin. Binago ng aking taga-payo ang aming usapan mula “sa kanya” papunta sa kung bakit nakakapagpabagabag ang pakiramdam ng pag-ayaw “sa akin."

Naramdaman mo na ba ang ikaw ay ayawan o napunta ka na ba sa isang nakaaasiwang sitwasyon sa isang pagtitipon kung saan hindi mo alam kung ano ang nararamdaman ng mga tao tungkol sa iyo? Nagsimula ako sa isang lakbayin ng pag-unawa na inilalagay ko ang lahat ng aking kaligtasan at kapanatagan sa ibang tao. Ibinaling niya ang aking pansin sa Mga Awit 139 “O Diyos, ako'y siyasatin……..” Ang katotohanan ay, hindi ko ibinigay sa Diyos ang pagkakataon na siyasatin ang aking puso dahil gusto kong siyasatin ang puso ng iba. Masyado akong nilamon ng kakaisip kung ano ang nasa damdamin nila, binalewala ko ang sa akin. Noong ako ay nanalangin, napagtanto ko na ang iniisip ng iba patungkol sa akin ay ang kanilang opinyon, basta ako ay nagiging masunurin sa Panginoon iyon lamang ang dapat kong alalahanin. Ang Diyos ang aking tagapagtanggol, ngunit sa mga nakaraang panahon, hindi ko Siya binigyan ng pagkakataon na magtanggol. Hinihikayat kitang magbukas ng aklat ng Mga Awit at basahin ito nang malakas. Masisimulan mong makita na maaari kang magkaroon ng disiplina ng katahimikan dahil ang Diyos ang nakikipaglaban para sa iyo. 

Sa pagsisimula ng araw na ito, nais kong hilingin mo sa Diyos na “siyasatin ang iyong puso.” Ang hindi pagtanggap sa iyo ay masakit ngunit hindi ito ang magbibigay kahulugan sa iyo, kundi ang iyong Ama sa langit. 

Pangaraw-araw na Panalangin:

Aking Ama sa Langit, 

Dalangin ko na sa paglipas ng araw na ito ay paalalahanan Ninyo ako kung gaano Ninyo ako kamahal. May mga taong nagmamahal sa akin at mga taong hindi. Tulungan Ninyo akong magtuon ng pansin sa mga taong nagmamahal at sumusuporta sa akin, silang mga inilagay Ninyo sa aking buhay para magbigay ng lakas ng loob at palapitin ang aking loob sa Inyo. Tulungan akong hanapin ang aking kahalagahan sa ating relasyon lamang. Ikaw lamang ang natatanging hindi ako iiwan o pababayaan man. Sa Ngalan ni Jesus.

Nagmamahal,

Ang iyong anak na babae

Huwag kalimutan ang iyong korona ngayon!

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Daily Jewels- Aligning Your Crown As A Daughter Of The King

Tignan mo ang iyong kapaligiran. Sa gitna ng kaguluhan, palaging mayroong hiyas na matatagpuan. Ang Mga Araw-araw na Hiyas ay isang 7-araw na debosyonal na nanawagan sa iyo na buong tapang na ihanay ang iyong korona bilang anak na babae ng Hari. Samahan ako sa isang paghahanap sa kayamanan upang matuklasan ang mga pambihirang hiyas na nakakubli sa mga pangkaraniwang mga lugar.

More

Nais naming pasalamatan ang Beautifully Designed sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://beautifullydesigned.com/