Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Araw-araw na Hiyas- Ihanay ang Iyong Korona Bilang Anak na Babae ng HariHalimbawa

Daily Jewels- Aligning Your Crown As A Daughter Of The King

ARAW 2 NG 7

  Araw 2: Walang salang pag-idlip

Pahinga: ihinto ang pagtatrabaho o paggalaw upang makapagpahinga, panariwain ang sarili, o panumbalikin ang lakas.

Ikaw ba ang uri ng tao na mahilig sa mga planner? Hindi ako magaling sa paggawa ng mga listahan ngunit mahilig akong bumili ng mga magagandang planner. Sa ating kultura, normal lamang na punuin ang bawat segundo sa ating mga planner. May mga umagang pinangangambahan ko ang araw dahil tila walang panahon para huminga. May kaugalian akong pagkakaroon ng pakiramdam na wala akong silbi kung hindi ako abala. Kapag mayroon akong ilang minuto, nasusumpungan ko ang sarili na nag-i-"scroll" na sa social media. Mga ilang linggo ang nakakaraan, napansin ko na tila ako'y balisa at kuyapos, kaya't tinawagan ko ang isa sa aking mga tagapayo at tinanong niya ako kung ako ay "nakapagpahinga" kamakailan. Natahimik ako, dahil alam ko sa aking puso na ang sagot ay hindi. 

Nakita ko ang isang bagay na karaniwan sa mga babaeng palaging abala; sa sandaling sila ay hindi na abala, sila ay nakokonsiyensiya. Bakit kaya? Bakit kailangan nating magkaroon ng isang punong kalendaryo na walang panahon upang tayo ay magpanariwa at magpaginhawa? Ngayong umaga, nagising ako ng 10:30 ng umaga, at ang unang nasa aking isip ay "naku, ang tamad ko." Ngunit aking napagmunimunihan na sa loob ng 2 linggo ako ay WALANG TIGIL. Bakit iniisip natin na kailangan nating patunayan ang ating pangangailangan sa pagpapahinga? Ipinaparamdam sa atin ng lipunan na tayo ay "tamad" kung tayo ay nagkakaroon ng panahon para sa ating mga sarili. Napakarami sa atin ang pinipiling makinig sa mga boses na iyon at tumakbo hanggang sa kapaguran dahil lamang sa ayaw nating magmukhang walang ginagawa. 

Marahil ang iyong araw o linggo ay nagpapabalisa sa iyo, kaya't hinihikayat kitang huminto at buklatin ang iyong Biblia. Naniniwala ako na sa gitna ng kaguluhan ang ating kailangan ay higit pa sa pagtulog. Kailangan natin ang makababalaghang pahinga ng Diyos. Ang aking kaibigan at nagtatag sa Her Voice Movement, na si Jenny Donnelly ay naglabas ng isang serye ng video sa REST. Hinimok niya ako kasama ng libo-libong mga babae. 

R-Release E-Every S-Single T-Thing (Ibigay ang Lahat ng Bagay) sa KANYA na lumalang sa lahat. Nais kitang anyayahan na magkaroon ng panahon para sa iyong Ama sa Langit upang tulungan ka Niya na pagpahingahin ang iyong kaluluwa at manatiling nakatuon lamang sa mga bagay na mahalaga. Ako ay tunay na naniniwalang kung tayo ay mag-iiwan ng lugar sa ating araw upang magpahinga, magkakaroon tayo ng panahon upang iatang ang bawat isang bagay sa Kanya, sa ganoong paraan makakamtam natin ang Kanyang Kapayapaan sa gitna ng ating listahan ng kailangang gawin. Simulan natin ngayon sa pamamagitan ng pagkausap sa ating Ama sa Langit. 

Pangaraw-araw na Panalangin:

Ama sa Langit, 

Tulungan Ninyo akong magkaroon ng oras upang tuusin ang aking araw ngayon. Ihayag Ninyo sa akin ang mga sandaling kailangan kong ihinto ang aking ginagawa at ituon ang aking pansin sa ginagawa NINYO. Tulungan Ninyo akong makita ang mga sandali ng "pahinga" kung saan maari kong iatang ang bawat bagay sa Inyo. Batid kong kaya Ninyong panariwain ang aking puso at isip upang makayanan ang kahit ano. Ipaalala Ninyo sa akin ngayon at sa bawat araw na maaari akong MAGPAHINGA sa INYO, aking Ama, ang Hari ng mga Hari. Ang aking listahan ng gagawin ay hindi makahahadlang sa aking listahan ng pagiging. Tulungan Ninyo akong maging anak na babae ng Hari na dinisenyo Ninyo ng ubod ng ganda. Sa Ngalan ni Jesus.

Nagmamahal,

Ang Inyong anak na babae

Huwag kalimutan ang iyong korona ngayon!

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Daily Jewels- Aligning Your Crown As A Daughter Of The King

Tignan mo ang iyong kapaligiran. Sa gitna ng kaguluhan, palaging mayroong hiyas na matatagpuan. Ang Mga Araw-araw na Hiyas ay isang 7-araw na debosyonal na nanawagan sa iyo na buong tapang na ihanay ang iyong korona bilang anak na babae ng Hari. Samahan ako sa isang paghahanap sa kayamanan upang matuklasan ang mga pambihirang hiyas na nakakubli sa mga pangkaraniwang mga lugar.

More

Nais naming pasalamatan ang Beautifully Designed sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://beautifullydesigned.com/