Chasing CarrotsHalimbawa
Paghabol sa Diyos
Saan ka pupunta?
Saan ka man patungo sa anumang panahon, nakakatulong kung may nasa isip kang patutunguhan.
Gayunpaman, ang problema sa ating mundo ay, tinitira tayo ng mga bagay na dapat nating gawin. Kailangan nating habulin ang katanyagan at ang pagsang-ayon at ang iba pang mga bagay. Sa dami ng destinasyong kailangan nating puntahan, hindi nakakapagtakang marami sa atin ay natutuliro, at naghahanap ng direksyon ng buhay.
Kung ang kaya lamang nating gawin ay ang pumunta sa isang destinasyon sa isang panahon, ano ang nararapat na destinasyon natin?
Ginawang malinaw iyan ng Mga Hebreo 12:1-3. Kailangan nating ituon ang ating mga mata kay Jesus. Kapag tayo ay tumatakbo patungo sa Kanya, hindi lamang Siya ang nakakamit natin, kundi lahat ng ating mga pangangailangan. Binayaran Niya ang kaparusahan para sa ating mga kasalanan. Sinigurado Niya para sa atin ang buhay na walang hanggan. Tinutustusan Niya tayo araw-araw. At binabago Niya tayo upang matamo natin ang layunin kung bakit tayo ay nilikha.
Ngunit paano tayo tatakbo patungo kay Cristo? Gawin mo ang ginawa Niya.
Panalangin.Noong kinailangan ni Jesus na muling lumakas pagkatapos ng ilang araw na pagsasalita sa masa, hinanap Niya ang Kanyang Ama. Noong Siya ay nababagabag sa Hardin ng Getsemani, tumawag Siya sa Kanyang Ama. Iniuugnay tayo ng panalangin kay Cristo.
Mga Tao. Nilikha tayo upang mamuhay nang may pakikipag-ugnayan sa ibang tao. Pinaligiran ni Jesus ang Kanyang sarili ng mga tao sa buong panahon na naririto Siya, hinamon at hinikayat Niya ang mga ito sa kanilang pananampalataya. Malamang na hahabulin mo ang anumang hinahabol ng mga taong pinaggugugulan mo ng maraming panahon mo. Kaya, gumugol ka ng oras kasama ang mga taong humahabol sa Diyos.
Paglilingkod. Naparito si Jesus upang maglingkod—Siya mismo ang nagsabi nito. Ginawa Niya ito sa malalaki at maliliit na mga pamamaraan, at tinapos Niya ang Kanyang ministeryo sa pinakasukdulang paglilingkod—ang pagsasakripisyo ng Kanyang buhay para sa buhay natin. Kapag pinaglilingkuran natin ang mga nakapaligid sa atin, hinahabol natin ang Diyos sa pamamagitan ng paggawa kung anong ginawa ni Jesus.
Pag-aayuno.Kung si Jesus man ay nag-ayuno sa di pagkain sa disyerto, o sa panahon kasama ang mga taong nakapaligid sa Kanya kapag Siya ay lumalayo upang makatagpo ng katahimikan at pag-iisa, si Jesus, ang Anak ng Diyos, ay batid na kailangan Niyang pansamantalang tanggalin ang mga bagay sa Kanyang buhay upang habulin ang Diyos. Ano ang maaari mong tanggalin paminsan-minsan upang habulin ang Diyos?
Ang Banal na Salita. Nauna na si Jesus sa bagay na ito—katulad ng sinasabi sa Juan 1, si Cristo ang literal na Salita ng Diyos na nagkatawang tao. Isa sa pinakamabuting paraan kung paano nating makikilala si Cristo ay sa pamamagitan ng paggugol ng palagiang oras ng pagbabasa, pagninilay at pagbubulay-bulay sa direksyon ng Diyos para sa atin na matatagpuan sa Biblia.
PagkilosAlin sa mga nasa itaas ang gagawin mo sa iyong buhay? Paano ka magsisimula? Sino ang pagsasabihan mo tungkol dito?
Tungkol sa Gabay na ito
Lahat tayo ay may hinahabol na isang bagay. Madalas ito ay isang bagay na hindi maabot—mas magandang trabaho, mas komportableng tahanan, isang perpektong pamilya, ang papuri ng ibang tao. Ngunit hindi ba nakakapagod ito? May mas mainam na paraan ba? Tuklasin ito sa bagong Gabay sa Biblia ng Life.Church, kasama ng serye ng mensahe ni Pastor Craig Groeschel, ang Chasing Carrots.
More