Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Chasing CarrotsHalimbawa

Chasing Carrots

ARAW 6 NG 7

Paghabol sa Kaginhawahan

Tayo man ay natetensyon, nasasaktan, napapagod, nalulungkot, o naiinip lang, lahat tayo ay dumadaan sa panahong naghahanap ng kaginhawahan. Sino ba ang hindi gumastos nang sobra, kumain nang higit sa nararapat, naglasing, at napasobra ang pagtaya sa kakayahan ng isang bagay sa pagbibigay nito ng pangmatagalang kaginhawahan?

Ang salitang "comfort" o "kaginhawahan" ay may sariling masalimuot na kasaysayan. Ito ay nagmula sa dalawang salitang Latin na, com-, na ang ibig sabihin ay "kasama ng," at fortis, na ang ibig sabihin ay "malakas o kalakasan." Kinalaunan, ang salitang Latin na confortare ay nagkaroon ng kahulugang "lubhang palakasin." Sa huli, ang isang salita mula sa Lumang Pranses, conforter, ay idinagdag ang mga salitang tulad ng "kaaliwan" at "tulong" sa kahulugan nito. Noong ika-14 na siglo, isa pang salitang Pranses na conforten ay binigyan ng kahulugang "pasayahin, aliwin." Sa wakas, noong mga ika-17 siglo, ang salitang Ingles nito ay nagsimulang magpahiwatig ng isang pakiramdam ng kaginhawahang pisikal na siya nating nauunawaan sa kasalukuyan. 

Bakit mahalaga ito? Sa halos isang milenyo, ang salitang "kaginhawahan" ay nagkaroon ng kahulugang "magkasama-kalakasan," at naging "sakit-hadlang."

Nakikita mo ba ang Diyos bilang iyong kalakasan, kasama mo sa gitna ng sakit, o bilang iyong hadlang mula sa sakit? 

Hinulaan ng propetang si Isaias ang pagdating ng isang Mesiyas dito sa mundo na sasaktan para sa ating mga pagsalansang at magdurusa para sa ating kagalingan. Kung ang kalikasan ng ating pananampalataya ay ang sumunod sa yapak ni Jesus, tingnan natin ang Kanyang tugon sa sakit. Sa 1 Pedro 2:21-25, makikita natin ang isang Tagapagligtas na tahimik na tinanggap ang sakit kahit na wala Siyang ginawa upang ito ay maranasan Niya. Hindi iniwasan ni Jesus ang sakit o kaya naman ay humanap ng maisasangkalan; naparito Siya sa ating mundo at inako Niya ang ating sakit bilang Kanyang sakit.

Si Jesus ay kasama-kalakasan. Noon, bago Siya bumalik sa Kanyang Ama, nangako Siya na ang Espiritu Santo—ang "Mang-aaliw"—ay hindi lamang natin magiging kasama, kundi nasa atin! Iyan ay isang bagay na karapat-dapat habulin. 

Kaya huwag nating habulin ang makamundong bersyon ng kaginhawahan—ang sobrang panonood sa Netflix kasama ang ating mga kaibigang sina Ben & Jerry. Sa halip, hanapin natin ang kaginhawahan mula sa Espiritu Santo, na may kabatirang hindi ibig sabihin nito ay isang buhay na walang sakit kundi pagkakaroon ng kaginhawahan sa gitna ng sakit. 

Manalangin: O Diyos, ayaw ko ng walang kaginhawahan, ngunit minamahal Kita. Nawa ay palitan mo ang pagkakaunawa ko ng Iyong kaginhawahan, at tulungan mo akong lubos na maramdaman ito. Espiritu Santo, ipakita Mo sa akin kung paanong ang Iyong "kasama-kalakasan" ay kasama ko at nasa akin. Jesus, salamat dahil dinala mo ang aking kahihiyan sa krus. Amen.

Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

Chasing Carrots

Lahat tayo ay may hinahabol na isang bagay. Madalas ito ay isang bagay na hindi maabot—mas magandang trabaho, mas komportableng tahanan, isang perpektong pamilya, ang papuri ng ibang tao. Ngunit hindi ba nakakapagod ito? May mas mainam na paraan ba? Tuklasin ito sa bagong Gabay sa Biblia ng Life.Church, kasama ng serye ng mensahe ni Pastor Craig Groeschel, ang Chasing Carrots.

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://www.life.church/