Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Chasing CarrotsHalimbawa

Chasing Carrots

ARAW 3 NG 7

Paghabol sa Pagsang-ayon

Ganito iyon: Ang pagsang-ayon ay isang bagay na dapat mong naisin. Diyan lang kayo—hindi ito isang uri ng panloloko.

Ang pagsang-ayon ay isang bagay na dapat mong naisin. Ang bagay na bubuo o sisira sa iyo ay kung kaninong pagsang-ayon ang hinahanap mo.

Nakakondisyon ang buhay natin upang hanapin ang pagsang-ayon ng mga tao. Kapag bata pa tayo, pinupuri tayo ng mga nakakatanda sa atin kapag gumagawa tayo ng mabubuting bagay. Natutuwa tayo sa kanilang papuri, kaya nagpapatuloy tayo sa paggawa ng mabuti. Sa paaralan, nag-aaral tayong mabuti dahil hinahanap natin ang papuri ng ating mga guro, o kaya naman ay nagloloko tayo upang tanggapin tayo ng mga barkada natin. Kapag nagtatrabaho na tayo, nagtatrabaho tayo ng mahabang oras dahil umaasa tayong mapapabilib natin ang mga amo natin, o kaya naman ay bumibili tayo ng mas malalaking bahay o mas magagarang kotse upang makuha natin ang respeto ng ating mga kaibigan at kapamilya.

At pag nagtagumpay tayo sa pagkuha ng pagsang-ayon ng mga tao? Maganda ang pakiramdam natin. Mas maliwanag ang ating mundo. Lumalakad tayo nang may lukso sa ating mga hakbang. Ang pagpapahalaga natin sa ating sarili ay mas tumitibay.

Ngunit.

Alam mong magkakaroon ng "ngunit."

Sa kalaunan, isa sa mga taong iyon ay mabibigong ibigay sa iyo ang kanyang pagsang-ayon. At kapag nangyari iyan, maaaring maging magulo. Marahil ay batid mo na ito.

Hindi ito dahilan sa tumitingin ka sa mga maling tao. Hindi mo kailanman makukuha ang pagsang-ayon na kinakailangan mo sa mga tao. Tanging ang Diyos lamang ang makakapangusap sa pinakamalalim na pangangailangan mo sa pagsang-ayon. At alam mo ba? Hindi mo kailangang tumayo sa iyong ulo o kaya naman ay kumilos sa isang partikular na pamamaraan upang makuha ang Kanyang pagsang-ayon. Sa sandaling tinanggap mo si Cristo bilang iyong Tagapagligtas at ginawa mo Siyang Panginoon ng iyong buhay, sumasang-ayon na sa iyo ang Diyos. Iyon na talaga iyon. Itinakda ka na, dahil simula sa puntong iyon, anak ka na ng Diyos. 

Malamang na narinig mo nang lahat ito dati pa. Sa araw na ito, hayaan mong maramdaman mo ito. Nasa iyo ang lahat ng pagsang-ayong kinakailangan mo—isang pagsang-ayong hindi mag-aatubili at hindi mabibigo. Ang kahalagahan mo ay matatag, at maaari kang magkaroon ng katiwasayan sa pagsang-ayon ng iyong Diyos Ama.

Isaalang-alang:Sino o ano ang kasalukuyan mong hinahanapan ng pagsang-ayon? Paanong magbabago ang mga pakikipag-ugnayan mo kung hahayaan mong katagpuin ng pagsang-ayon ng Diyos ang pangangailangan mong ito?

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Chasing Carrots

Lahat tayo ay may hinahabol na isang bagay. Madalas ito ay isang bagay na hindi maabot—mas magandang trabaho, mas komportableng tahanan, isang perpektong pamilya, ang papuri ng ibang tao. Ngunit hindi ba nakakapagod ito? May mas mainam na paraan ba? Tuklasin ito sa bagong Gabay sa Biblia ng Life.Church, kasama ng serye ng mensahe ni Pastor Craig Groeschel, ang Chasing Carrots.

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://www.life.church/