Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Chasing CarrotsHalimbawa

Chasing Carrots

ARAW 5 NG 7

Paghabol sa Tagumpay

Kapag pinag-usapan ang mga haring nasa Biblia, walang mas makakahigit kay Solomon. Ang Israel ay umunlad sa ilalim ng kanyang pamamahala. Pinangasiwaan niya ang pagpapatayo ng templo ng Diyos. Nagpatayo siya ng isang palasyo. Ang mga pinuno ay naglalakbay mula sa malalayong lugar upang makita ang kanyang kayamanan, nagdadala ng mga kaloob ng ginto at mga hiyas. Kaya niyang sagutin ang anumang katanungang ibinibigay sa kanya. Maaari siyang mamili ng mga babaeng gusto niya. Biniyayaan siya ng lahat ng mabubuting bagay na maaaring hilingin ng sinuman sa buong buhay niya.

Kung may sinumang tao na nararapat maging masaya sa kanyang nakamit sa buhay, si Solomon dapat iyon. Ngunit sa aklat ng Ang Mangangaral, ibang imahe ang inilarawan ni Solomon. Tuwirang sinasabi niya rito na, "Wala na ring halaga sa akin ang lahat ng pinagpaguran ko ...". Ipinaliwanag niya na, "sapagkat ito'y maiiwan lamang sa susunod sa akin."

May napagtanto si Solomon. Hindi natin makakayang dalhin lahat sa kabilang buhay. Ang ating mga pag-asenso sa trabaho, ang ating mga bahay, mga parangal na natanggap, mga sasakyan, at mga pagbabakasyong ginawa ay maiiwan. 

Iniisip mo ba kung anong mahalaga talaga sa buhay? 

Natagpuan ni Solomon ang sagot sa ganyang katanungan. Sa dulo ng Mga Mangangaral, ito ang naging buod niya, "Matakot ka sa Diyos at sundin mo ang Kanyang mga utos sapagkat ito ang buong katungkulan ng tao."

Sa unang tingin, maaaring hindi ito ang pinakanakapanghihikayat na pangungusap, ngunit muli mo itong tingnan. Sinasabi ni Solomon na ito ang mga bagay na dapat natin hinahangad na makamit sa buhay: ang pagkakaroon ng takot sa Diyos—na ang ibig sabihin ay mahalin Siya, igalang Siya, at gawin ang mga bagay na ipinagagawa Niya.

Sanay tayo sa sinasabi ng mundong, "Magmadali ka! Huwag kang hihinto. Nakikita mo ba ang mga mamahaling bagay na ito? Nakikita mo ba ang mga parangal na ito? Libo-libong tao ang may gusto niyan, ngunit huwag mong hayaang pigilan ka nito. Ipaglaban mo ang mga ito! Sumulong ka na! Ano pa bang ginagawa mo sa buhay mo? Ang buhay ay isang paligsahan, at ang pinakamagaling lang ang siyang magtatagumpay."

Ngunit ang sinasabi ng Banal na Salita ng Diyos ay, "Mahalin ang Diyos. Gumawa ng mabuti." 

Isipin mo kung gaano kadaling matamo ito ng lahat ng tao. May asawa ka man o wala. Mayaman o mahirap. Bata o matanda. Malusog o maysakit. Mahalin ang Diyos at gumawa ng mabuti. 

Isaalang-alang: Anong mababago sa ngayon kung ang tanging layunin mo sa bawat sitwasyon ay ang mahalin ang Diyos at gumawa ng mabuti? Paano mong makakamit ang layuning ito?

Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Chasing Carrots

Lahat tayo ay may hinahabol na isang bagay. Madalas ito ay isang bagay na hindi maabot—mas magandang trabaho, mas komportableng tahanan, isang perpektong pamilya, ang papuri ng ibang tao. Ngunit hindi ba nakakapagod ito? May mas mainam na paraan ba? Tuklasin ito sa bagong Gabay sa Biblia ng Life.Church, kasama ng serye ng mensahe ni Pastor Craig Groeschel, ang Chasing Carrots.

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://www.life.church/