Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Chasing CarrotsHalimbawa

Chasing Carrots

ARAW 1 NG 7

Chasing Carrots o Paghabol sa Gantimpala

Ang ideya ng "chasing carrots" o paghabol sa gantimpala ay nagmula sa metapora ng karot at patpat na unang isinulat noong kalagitnaan ng 1800. Gunigunihin ang larawan ng isang asno na may karot na nakabitin sa lugar na hindi niya maaabot. Ang nakasakay sa asno ay may hawak na patpat kung saan ang nasa dulo nito ay isang karot at ginagamit niya ito upang ganyakin ang asno upang makipagkarera. Para sa asno, ang gantimpala ay isang hakbang lamang ang layo.

Naramdaman mo na bang parang ikaw ang asno?

Bago pa man ang 1800, nanaghoy na si Haring Solomon dahil sa walang saysay na paghabol sa buhay na tila isang "paghabol sa hangin" lamang.

Nasubukan mo na bang hulihin ang hangin? Ito ay parang isang hakbang lang lagi ang layo.

Ang mahirap sa "isang hakbang lang" ay yaong laging may isa pang hakbang. Ilang taon lang dito sa iyong trabaho, o kapag ikaw ay nakatapos na sa pag-aaral, o kapag ikaw ay nakapag-asawa na, o kapag ang mga anak mo ay malalaki na, o kapag ang iyong pananampalataya ay matibay na, o kapag kaya mo nang makuha ang susunod na bagay na nangangako ng kaligayahan. Isang. Hakbang. Na. Lang. 

May mas magandang paraan ng pamumuhay. Maaari ka nang bumaba sa takbuhin ng paggawa. May higit pa sa buhay kaysa sa pagiging mas malaki at mas mabuti. 

Sinagot ni Jesus ang nakakapagod na paghahanap ng higit pa sa Mateo 6. Habang binabasa mo ang mga salita ni Jesus ngayong araw na ito, subukan mo ito. Huminga ka nang malalim at tanggalin mo sa iyong isipan ang anumang pagkabalisa. Guni-gunihin mo na ikaw ay naroon habang Siya'y nagtuturo. Anong inuupuan mo? Anong simoy ng hangin? Anong tono ng Kanyang boses? Ano pa ang naririnig mo? Anong nakikita mo? Anong nalulutas sa isipan mo sa tunog ng Kanyang boses?

Pagkatapos mong basahin ang Banal na Kasulatan para sa araw na ito gamit ang pamamaraang nabanggit, pag-isipan ang dalawang katanungang ito. Hindi ba mainam na magdahan-dahan at makasama si Jesus? Paano ako makapaglalaan ng higit na lugar para kay Jesus sa buhay ko?

Manalangin: Pagkatapos basahin ang Banal na Kasulatan para sa araw na ito, manalangin at hingin sa Diyos na paghinay-hinayin ka upang makarinig ka mula sa Kanya sa buong araw. 

Maghanap ng video, mga gabay sa talakayan, at higit pa tungkol sa Chasing Carrots.

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Chasing Carrots

Lahat tayo ay may hinahabol na isang bagay. Madalas ito ay isang bagay na hindi maabot—mas magandang trabaho, mas komportableng tahanan, isang perpektong pamilya, ang papuri ng ibang tao. Ngunit hindi ba nakakapagod ito? May mas mainam na paraan ba? Tuklasin ito sa bagong Gabay sa Biblia ng Life.Church, kasama ng serye ng mensahe ni Pastor Craig Groeschel, ang Chasing Carrots.

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://www.life.church/