In Our Place: Mga Debosyong Pang-Kuwaresma Mula sa Time of GraceHalimbawa

Masayang umawit
Nakatutuwang pakinggan ang mga batang nais intindihin ang mga katangian ng dakilang Diyos--batid ang lahat, makapangyarihan, walang hanggang magpakailanman.“ “Tatay, kung ang Diyos ay makapangyarihan, ibig sabihin ay kaya Niyang gawin lahat, diba?” “Oo.” “Hmmm, ibig sabihin, kaya Niyang gumawa ng malaking-malaking bato at buhatin yun?”
Ang Diyos ay makapangyarihan, subalit may mga bagay na hindi Niya gagawin. Tutol Siyang pilitin ang sinuman na sumamba sa Kanya. Ang pagsamba, gaya ng pag-ibig, ay hindi mapipilit. Ito ay dapat may pag-kusa o magiging balewala. Sa araw na ang Haring Jesus ay sumakay sa kanyang maliit na sasakyan papuntang Jerusalem, marahil ay labis ang tuwa niya sa mga papuri at hosana ng mga nadaanan niya. Tiyak na may pananampalataya sa Israel!
Subalit may ilang hindi magbibigay nito. “Ilan sa mga Pariseo na nanunuod ay nagsabi kay Hesus, ‘Guro, patigilin nga po ninyo ang inyong mga alagad!’ ‘Sinasabi ko sa inyo,’ sabi niya, ‘kapag tumahimik sila, ang mga bato na ang siyang sisigaw.’” (Lucas 19:39,40). Ang Diyos ay pupurihin. Kaya Niyang pakantahin ang mga bato kung maubusan ng boses ang mga anghel.
Subalit hindi ka niya pipilitin. Itong Linggo ng mga Palaspas, ibigay sa mapagkumbabang Lingkod-Hari, na buong loob na tinahak ang daan patungo sa kalbaryo upang mabigyan ka ng buhay. Iwasiwas ang mga palaspas; lumuhod; isuko ang puso; at ibigay ang pagtalima, pagsamba, at pagtulong sa nangangailangan.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang babasahing ito ay gagabay sa iyo sa panahon ng Kwaresma, na magdadala sa atin sa kamangha-manghang kwento ng paghihirap, paghahatol, at kamatayan ni JesuCristo para sa atin.
More
Nais naming pasalamatan ang Time of Grace Ministry para sa planong ito. Para sa karagdagan impormasyon, maaring bisitahin: www.timeofgrace.org
Mga Kaugnay na Gabay

Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman

Ang Lahat ay Mapayapa: Pagtanggap sa Kapahingahan ni Jesus Ngayong Kapaskuhan

Paghahanap ng Kapayapaan

Jesus: Ang Ating Watawat ng Tagumpay

Pinili: Paalalahanan ang Iyong Sarili Tungkol sa Ebanghelyo Araw-araw

Krus at Korona

Pakikinig sa Diyos

Buhay Si Jesus!
