Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Bawat Hakbang ay PagdatingHalimbawa

Every Step An Arrival

ARAW 4 NG 5

Ang Simbahang Nakikita

Habang si Solomon ay nakatayo sa harap ng bagong templo, nagtanong siya na minsan na rin nating naitanong: Maaari bang manirahan sa lupa ang Diyos?” (1 Hari 8:27, Rtpv05).

Si Solomon ay sinalakay ng ganitong pagdududa, subalit nanalangin pa rin siya. Idinalangin niya na marinig ng Diyos ang mga tao kung sila ay magtutungo sa simbahan na ito at mag-aalay ng panalangin, na bigyang-pansin ng Diyos ang kanilang pangangailangan sa gabi at araw, at kung marinig sila ay Kanyang patatawarin. 

Ang pagdududa ay nauulit sa iba't-ibang kaparaanan mula kay Solomon hanggang sa atin. Ngunit tayo, katulad ni Solomon, ay nagpatuloy at nanalangin pa rin. Ang pag-iisip na salungat sa paninirahan ng Diyos sa mundo sa bahay dalanginan, sa pakikipagtagpo ng Diyos sa atin sa bahay sambahan, ay hindi nakaligtas sa katibayan ng karanasan at pananampalataya. Kung tutuusin, ang sentido kumon ay isa sa mga hindi maasahang pagsubok ng katotohanan. Ang mapangutyang tanong na "Maaari ba?" ay masasagot ng mas malalim na dahilan, malawak na karanasan, at ang makatotohanang pananampalataya na nagsasabi, “Oo, tunay nga!” 

Sa panalangin ni Solomon sa talatang ito, matutunghayan natin ang tatlong aspeto na kung saan ang nakikita ay tulay para sa di nakikita, at may mga aspeto na kabilang tayo hanggang sa ngayon. Ang una ay may kinalaman sa kasaysayan. Naipakita ni Solomon ang alaala ng mga dakilang pakikipagtagpo ng Diyos noon. Ang mahinang memorya ay banta sa ating mga panalangin. 

Ang ikalawa ay may kinalaman sa pagpapatawad. Kadalasan, nakikita natin ang mga panalangin na mga kaparaanan kung saan makagagawa ang Diyos para sa ating panig. Ngunit, ang simbahang nakikita ang siyang susuri dito. Ang kapatawaran ang makapagpapabago ng pananaw sa panalangin, ang paglipat mula sa paghahanap sa ating sariling kaparaanan galing sa Diyos patungo sa pagsuko ng ating buhay sa Kanya upang magawa natin ang Kanyang kalooban doon. 

Ang ikatlong aspeto ay binanggit ni Solomon sa salitang dayuhan, na maaari ring isalin bilang “estranghero.” Kung ang ating interes ay para lamang sa ating sarili, sa ating pamilya, at sa iilang mga kaibigan, nawawala ang lahat ng kamalayan sa malawak na simbahan ni Cristo at ang mundo na pinagsusumikapang dalhin ni Cristo tungo sa pakikipag-ugnayan sa Kanya. 

Ang tatlong aral ni Solomon sa panalangin ay malilikom sa tatlong salita: kasaysayan (mga gawa ng Diyos noon), kapatawaran (pagbabago mula sa sarili patungo sa kalooban ng Diyos), at iba (o estranghero). Manalangin sa liwanag ng salita na personal na nangungusap sa iyo ngayon. 

  

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Every Step An Arrival

Umaasa kami na ang limang araw na debosyon na ito mula kay Eugene Peterson ay magdala sa iyong isip at puso kahit saan man sila magtungo, sa dahilang hindi mo alam kung ano ang gagamitin ng Banal na Espiritu upang humikayat o humamon o umaliw. Maari kang pumili na gamitin ang mga tanong sa hulihang bahagi ng bawat debosyonal upang makalikha ng sarili mong panalangin kada araw—tunay na hindi para sa huling punto ngunit bilang panimula para sa pagdating na naghihintay sa iyo.

More

Nais naming pasalamatan ang WaterBrook Multnomah sa paghahatid ng gabay na ito. Paras sa karagdagang impormasyon, pumunta sa: https://waterbrookmultnomah.com/books/540871/every-step-an-arrival-by-eugene-h-peterson/