Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Bawat Hakbang ay PagdatingHalimbawa

Every Step An Arrival

ARAW 1 NG 5

Pagtanggap sa Ginagawa na ng Diyos

Maraming beses sa salaysay ng Biblia, may natututuhan tayo tungkol sa ating sarili sa pagbabasa nito kaysa sa pagbabasa ng sinaunang kasaysayan. Ang tanong ni Gideon sa talatang ito ay tumalon sa ating sariling mga labi: "Kung talagang kasama namin si Yahweh, bakit ganito ang nangyayari sa amin?” (talata 13, Rtpvo5). 

Ang Diyos ay tila napakalayo kapag ang buhay natin ay puno ng kamatayan, paghihirap, pagkabagot, gawaing hindi natin gusto, mga taong hindi natin maunawaan, mga pangyayaring hindi natin mabago. Pinakikinggan natin ang sagot para sa katanungan ni Gideon sa pag-asang marinig din natin ang sagot sa ating sariling tanong. Ngunit katulad sa kadalasang nangyayari sa pagtatagpo ng Diyos at ng tao sa Biblia, walang kasagutan, hindi iyong karaniwan nating itinuturing na sagot. Sa halip, naroon ang utos: "Iligtas ang Israel mula sa mga Midianita" (talata 14, Rtpv05).

Ang tugon ni Gideon ay halos katulad ng sa atin: "Ang aming angkan ang pinakamahina sa lipi ni Manases, at ako naman ang pinakahamak sa pamilya namin" (talata 15, Rtpv05). Ngunit ipinakita ng Diyos kay Gideon na wala nang pagsusuri sa sarili sa mga nakalipas na pagkukulang, walang haka-haka sa pamamaraan ng kapalaran, walang sariling pagsusuri. Ang pangunguna ay nasa kamay ng Diyos, katulad noon sa Egipto. Kinakailangan lamang na sumunod si Gideon at panghawakan ang pangako. Kinakailangan niya lamang na maglingkod at ang Diyos ang magdadala ng tagumpay. 

Ngayon, maaari ka nang lumingon sa iyong buong buhay, saliksikin ang mga kasaysayan ng pamilya, sundin ang mga kaugalian ng bansa, at malasin kung ano ang mangyayari kung ang tao ay tumangging tumugon sa Diyos at tumanggi sa Kanyang pag-ibig. Ang pagsuway ay madaling suriin. Ang karaniwang sintomas ay mabagal na pagtugon sa moral na aspeto, ang balisang konsensiya na nakakahadlang sa iyong panunaw, ang bigat ng pagkakasala na madaling nagpapahapo sa iyo, at ang mababang uri ng depresyon na humihigop sa iyong mga malilikhaing lakas. 

Sa iyo na nakaaalam ng mga sintomas na ito sa iyong sarili, mayroon akong magandang balita: Mahal ka ng Diyos, at Siya ay handang magpatawad sa iyong kasalanan at lumikha sa iyo ng bago at walang hanggang buhay. Ang Diyos ay handa, sa sandaling ito, na alisin ang nakaraan, pawiin ang talaan, sunugin ang mga ulat patungkol sa iyo. Walang mga bagay na iyong ginawa o iyong nawari ang magiging dahilan upang hindi ka maging marapat na tanggapin ang mga ginagawa ngayon ng Diyos para sa iyo. 

Kailan nangyayari na ang pakiramdam tungkol sa iyong sariling kahinaan o kamalayan tungkol sa iyong mga kabiguan sa nakaraan ay nakakaapekto sa iyong pagsunod sa patnubay sa iyo ng Diyos?

  

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Every Step An Arrival

Umaasa kami na ang limang araw na debosyon na ito mula kay Eugene Peterson ay magdala sa iyong isip at puso kahit saan man sila magtungo, sa dahilang hindi mo alam kung ano ang gagamitin ng Banal na Espiritu upang humikayat o humamon o umaliw. Maari kang pumili na gamitin ang mga tanong sa hulihang bahagi ng bawat debosyonal upang makalikha ng sarili mong panalangin kada araw—tunay na hindi para sa huling punto ngunit bilang panimula para sa pagdating na naghihintay sa iyo.

More

Nais naming pasalamatan ang WaterBrook Multnomah sa paghahatid ng gabay na ito. Paras sa karagdagang impormasyon, pumunta sa: https://waterbrookmultnomah.com/books/540871/every-step-an-arrival-by-eugene-h-peterson/