Bawat Hakbang ay PagdatingHalimbawa
Tunay na Pagsamba
Marahil ang pinaka pambihirang mga parirala sa salmong ito ay "Sa binungkal na bukirin ang ulan ay masagana, ang bukirin ay matubig, at palaging basang-basa; sa banayad na pag-ulan ay lumambot yaong lupa, kaya naman pati tanim ay malago at sariwa” (Mga Awit 65:10, Rtpv05). Ang damdamin ng salmista ay punong-puno ng kasaganaan. Nakikita niya ang taon na tumataas sa bagong buhay na bukal bilang isang reyna na napuputungan ng kuwintas ng Diyos, nadaramtan ng panibagong pagtubo ng mga bukirin, at pinagsisilbihan ng mga kawan na nagkalat sa mga burol at lambak. Habang nakikinig tayo sa pagbanggit ng salmista sa mga kababalaghang ito, hindi pambihira na magsimula tayong maghangad na tayo ay naroroon.
Bagamat ang salmong ito ay walang tuwirang sinasabi tungkol dito, ang panahon nang ito ay isinulat ay puno ng babala ukol sa tao na nagnanais na ang kalikasan ang pumalit sa simbahan at gawin ang kanyang pagsamba doon sa halip na sa ritwal ng templo o simbahan. Ang udyok na ito ay nakapagpabago sa tao na nagsabi na makapananambahan siya sa Diyos nang mas mainam na tumitingin sa magandang takipsilim kaysa manalangin ng mga lumang panalangin sa masikip na simbahan. Maaaring makapananambahan siya nang mas mainam, subalit may posibilidad na hindi na siya sumasamba sa Diyos kundi sa araw o, mas malamang, ang kanyang sariling damdamin patungkol sa araw.
Ang pagsamba ng mga Cristiano ay ang pagpapaging-banal ng panahon at lugar. Doon sa tinitingnan natin, pinananahanan natin, at ang karaniwang pagturing sa pangkaraniwang buhay ay nakatuon sa oras ng pananambahan ng Cristiano upang makita natin dito ang pinakasukdulan at walang hanggang kahulugan. Ang pagsamba ay nabibigyan ng matinding kahalagahan sa panahon at lugar ng pangkaraniwang mundo. Walang makakapanirahan o magnanais na tumira palagi sa isang matinding mundo ng pagsamba. Subalit ang pagsamba ay nagpapatalas sa lahat ng ginagawa ng Cristiano.
Ang Cristiano na umaalis sa oras ng pagsamba ay nakababatid na ang pag-ibig, pag-asa, pananampalataya, pagpupuri, pagpapala, at awa ay nagbibigay ng kaunting pagkakaiba, sa maliit na kabuuan, na mayroong walang hanggang pagkakaiba sa buhay. Ang Cristiano na sumasamba ay katulad ng gymnast na nasa trapeze. Nararanasan niya ang kahulugan ng oras at kalawakan. Kung siya ay bumalik sa kanyang pangkaraniwang daigdig, mayroong talas at kawastuan sa kanyang damdamin at mga kilos na wala noon.
Kailan nagpabago sa iyong pakikitungo sa iba at sa Diyos ang karanasan sa pagsamba kapag natapos ito?
Kung nagustuhan mo itong 5-araw na debosyonal mula kay Eugene Peterson, siguraduhin na tingnan ang aklat ni Eugene, Every Step an Arrival . /em>
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Umaasa kami na ang limang araw na debosyon na ito mula kay Eugene Peterson ay magdala sa iyong isip at puso kahit saan man sila magtungo, sa dahilang hindi mo alam kung ano ang gagamitin ng Banal na Espiritu upang humikayat o humamon o umaliw. Maari kang pumili na gamitin ang mga tanong sa hulihang bahagi ng bawat debosyonal upang makalikha ng sarili mong panalangin kada araw—tunay na hindi para sa huling punto ngunit bilang panimula para sa pagdating na naghihintay sa iyo.
More