Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Bawat Hakbang ay PagdatingHalimbawa

Every Step An Arrival

ARAW 3 NG 5

Ang Kakayahan ng Kaluluwa

Kapag may nangyari na hindi natin maipaliwanag, sinasabi natin na ito ay himala. Sa ilalim ng kahulugan nito, karamihan sa mga bagay na ginagawa ng salamangkero ay isang himala para sa akin, at alam na alam kong hindi himala iyon. Ang himala sa pamamagitan ng biblikal na tradisyon, ay hindi yaong hindi natin nauunawaan kundi yaong mga ginagawa para sa atin na hindi natin kayang gawin. Ang himala ay kumikilos. Ito ay ang ginagawa ng Diyos para sa atin o ginagawa sa atin sa pamamagitan ng ibang tao na hindi natin magagawa. 

Posibleng maunawaan mo ito, ngunit kahit maunawaan mo ito, hindi ito titigil para maging himala. Ang katagang ito ay hindi nanangahulugan na ito ay higit sa ating pang-unawa, sa halip ito ay higit sa ating kakayahan. Kaya sa ganitong paraan ako ay makalalakad sa umaga at makikita ang pagsikat ng araw sa papawirin, at sasabihin, "Ito ay himala." At ako ay tama ayon sa Biblia. Bawat umaga ay isang himala. 

Kaya paano mo itutuon ang iyong mata upang makita ang himala sa bawat araw? Paano mo sasanayin ang iyong sarili na huwag pakinggan ang magulong ingay ng pandaraya ng mundo upang marinig mo ang musika ng mga anghel na umaawit ng kaluwalhatian ng Diyos sa kaitaasan?

Maari mong ibigay ang iyong atensyon, ang pagiging alisto ng iyong pag-iisip, ang iyong pagkamausisa, at ang iyong talino. Ang pakikinig ay hindi lamang isang gawain ng biyolohikal na tunog; ito ay espiritwal na kakayahan ng kaluluwa. 

Huwag malinlang ng sanggol sa sabsaban. Siya ay bata, subalit Siya ay mula sa angkan ni Moises na propeta at kinakausap ka Niya ngayon. Sinasabi Niya ang bagay na dinsenyo upang manguna sa iyong buhay, na aakay sa iyo patungo sa bagong daan ng buhay, yaong pupukaw sa isang tugon na mayroong walang hanggang sukat. Sinasabi Niya na mahal ka ng Diyos, tinatanggap ka ng Diyos, na ang iyong buhay ay may walang hanggang kahulugan at kapalaran.

Naririnig ko ba na sinasabi mo na narinig mo na iyan noon? Hindi, iyan ay isang matunog, nagbibigay-sigla, at bagong kataga na napakaganda. Kapag narinig mo iyan, hindi mo na maririnig muli ang anumang luma. Ang lahat ay magiging bago. Ito ay isang uri ng bagay na parang bago sa bawat pagkakataon na ito ay maririnig. 

Ano ang isang bagay na magagawa mo ngayon upang iayon ang iyong puso at isipan sa himala ng presensya ng Diyos sa iyong buhay?

  

Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Every Step An Arrival

Umaasa kami na ang limang araw na debosyon na ito mula kay Eugene Peterson ay magdala sa iyong isip at puso kahit saan man sila magtungo, sa dahilang hindi mo alam kung ano ang gagamitin ng Banal na Espiritu upang humikayat o humamon o umaliw. Maari kang pumili na gamitin ang mga tanong sa hulihang bahagi ng bawat debosyonal upang makalikha ng sarili mong panalangin kada araw—tunay na hindi para sa huling punto ngunit bilang panimula para sa pagdating na naghihintay sa iyo.

More

Nais naming pasalamatan ang WaterBrook Multnomah sa paghahatid ng gabay na ito. Paras sa karagdagang impormasyon, pumunta sa: https://waterbrookmultnomah.com/books/540871/every-step-an-arrival-by-eugene-h-peterson/