Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Simula sa Araw na Ito nina Craig & Amy GroeschelHalimbawa

Craig & Amy Groeschel’s From This Day Forward

ARAW 7 NG 7

"Habang Kayo Ay Nabubuhay"

Hanapin ang Diyos. Lumaban ng patas. Magsaya. Manatiling dalisay. At huwag sumuko. Ang limang pangakong ito ang susi sa matagalang pagsasama. Subalit kailangan natin ang Diyos para magawa ang mga ito; hindi natin kaya sa sariling lakas lamang.

Iwan ang nakalipas sa nakalipas. Gawing bago ang bawat araw. Simula sa araw na ito, maari nating piliin kung ano ang magiging uri ng ating pag-aasawa. Hindi natin mababago ang nakalipas, subalit kayang baguhin ng Diyos ang ating kinabukasan. Panatilihin ang kasal na payak, nakatutok, at naka-sentro kay Kristo, at magkakaroon ka ng pag-aasawang pinapangarap lamang ng marami.

Manalangin tayo: Panginoon, tulungan mo akong makita ang dulo ng planong ito bilang simula ng bagong bahaging bubuksan mo sa aking pag-aasawa. Ibinibigay ko sa Iyo ang kontrol ng lahat na bahagi ng aking buhay — pati na ang aking pag-aasawa — upang ang aking buhay ay magbigay dangal at kaluwalhatian sa Iyo. Nais ko ang pag-aasawang nagbubunyag sa mundo ng Iyong pag-ibig, kaligtasan, grasya, at pagpapatawad. Sa aking pagtalima sa pagsunod sa Iyo, nawa'y makasama Ka sa amin, at biyayaan kami ng Iyong pabor. Salamat sa lahat ng ipinagkaloob mo sa aming pagsasama. At salamat sa patuloy Mong ipagkakaloob sa amin at sa pamamagitan namin. Sa ngalan ni Hesus, amen.
Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Craig & Amy Groeschel’s From This Day Forward

Maaari kang magkaroon ng pambihirang pag-aasawa. Ang mga pipiliin mo ngayon ay makaaapekto sa pag-aasawa mo pagdating ng panahon. Ang pastor at best-selling na manunulat sa New York Times na si Craig Groeschel at ang kanyang asawa, si Amy, ay magpapaliwanag ng limang pangako na tutulong na mapagtibay ang samahan ninyong mag-asawa: Unahin ang Diyos, mag-away ng patas, maglibang, manatiling dalisay, at huwag sumuko. Simulan ang pagsasamang nais mo, sa araw na ito - hanggang magpakailanman.

More

Nais naming pasalamatan ang Zondervan, HarperCollins, at LifeChurch.tv para sa planong ito. Para sa karagdagan impormasyon, maaring bisitahin ang: http://www.zondervan.com/from-this-day-forward