Simula sa Araw na Ito nina Craig & Amy GroeschelHalimbawa
"Huwag Sumuko"
Nang magpakasal at pumasok sa kontrata ng pag-aasawa, inilaan mo ang sariling magmahal "habang buhay." Subalit paano kung naubos na ang pag-ibig? Anong mangyayari kung isa lamang sa inyo ang pumiling magbasa ng planong ito? Ano ang gagawin mo kapag nangyari ang pinakamalala, at ang mga pangako ay nabali ng pagtataksil? Anuman ang dinadanas mo, maging ito man ay dahilan ng paghihiwalay, nangangahulugang dahilan din ito ng pagpapatawad.
Ang pag-aasawa ay isa sa pinakamahirap na paraan na namamalas natin ang kasabihang "ang bakal ay nagpapatalas sa bakal". Anumang mga kapintasan ang makita mo sa iyong asawa, ang katotohanan ay, mayroon ding mga dahilan upang lumago at gumaling ka. Kung ang singsing ng pag-aasawa ay tila nagiging posas na, mayroon kang pagkakataong magdesisyon: maari kang magpatawad sa tila di nararapat patawarin. Maari mong piliing ibigay ang katulad ng grasyang ibinigay ng Diyos sa iyo tungo sa iyong asawa. Maari mong piliing umamin sa iyong mga pagkakamali. Kapag naubos ang gasolina ng iyong sasakyan, hindi mo ito ibebenta. Lalagyan mo ito ng gasolina! Hayaan mong magmahal ang Diyos sa pamamagitan mo.At huwag sumuko.
Manalangin tayo: Hesus, kapag tila wala na akong pag-ibig na maibibigay, tulungan mo akong magmahal sa pamamagitan ng pag-ibig Mo.Tulungan mo akong mapanatili ang mga sinumpaan sa Iyo, kahit na hindi ko nararamdaman ang mga iyon. Tulungan mo akong magbigay ng katulad ng grasyang pinagkaloob Mo. At Ikaw nawa ang maging kalakasan ko sa mga pagkakataong nais ko nang sumuko. Naniniwala akong Ika'y sapat para kami ay pagbuklurin. Ito'y aming dalangin sa ngalan mo, amen.

Tungkol sa Gabay na ito
Maaari kang magkaroon ng pambihirang pag-aasawa. Ang mga pipiliin mo ngayon ay makaaapekto sa pag-aasawa mo pagdating ng panahon. Ang pastor at best-selling na manunulat sa New York Times na si Craig Groeschel at ang kanyang asawa, si Amy, ay magpapaliwanag ng limang pangako na tutulong na mapagtibay ang samahan ninyong mag-asawa: Unahin ang Diyos, mag-away ng patas, maglibang, manatiling dalisay, at huwag sumuko. Simulan ang pagsasamang nais mo, sa araw na ito - hanggang magpakailanman.
More
Nais naming pasalamatan ang Zondervan, HarperCollins, at LifeChurch.tv para sa planong ito. Para sa karagdagan impormasyon, maaring bisitahin ang: http://www.zondervan.com/from-this-day-forward