Simula sa Araw na Ito nina Craig & Amy GroeschelHalimbawa
"Hanapin ang Panginoon"
Ang makabgong kultura ay nagsasabing dapat nating hanapin ang perpektong tao: "Ang nag-iisa". Kung atin lamang mahanap at mapakasalan ang "nag-iisa", ang kasunod nito ay lubos na kasiyahan sa pagsasama, tama? Ngunit iyon ay isang hindi makatuwirang ekspektasyon para iasa sa isang tao. Isipin mo na lang: nanaisin mo ba na maging IKAW ang "nag-iisa" at siya ring magdadala ng kaakibat nitong responsibilidad? Kung gayon ay bakit dapat ipilit ang ganitong mga ekspektasyon sa isang tao?
Ang Panginoon ang Siya lamang makapagpapakumpleto sa iyo. Nilikha ka Niya upang mahalin mo Siya ng buong puso at unahin Siya sa lahat. Ang Panginoon ang iyong Nag-iisa. Ang iyong asawa ang iyong ikalawa. At kung kayo ay parehas na mangangako na hahanapin ang Diyos, makabubuo kayo ng matrimonyo — magkasama — na may matibay na pundasyon na kakayaning lampasan ang mga hamon ng buhay.
Ano ang isang bagay na maaari mong hilingin sa Diyos upang maging mabuting katuwang ka ng iyong asawa? Maging ikaw ang uri ng tao na siya mong nanaising mapangasawa. Hanapin ang Nag-iisa kasama ang iyong ikalawa. Ugaliing manalangin nang sabay araw-araw, kahit ito pa ay sa pamamagitan lamang ng text message, pag-uusap sa telepono, o sa tahimik na pamamaraan .
Tayo'y sama-samang manalangin: Panginoon, tulungan po Ninyo kami na unahin lagi Kayo sa aming tahanan at masumpungan Kayo. Tulungan po Ninyo kaming makalikha ng matibay na pundasyon sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Inyo. Tulungan po Ninyo kaming ugaliin na magkasamang manalangin sa isang takdang oras araw-araw. Sa Ngalan ni Hesus, amen.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Maaari kang magkaroon ng pambihirang pag-aasawa. Ang mga pipiliin mo ngayon ay makaaapekto sa pag-aasawa mo pagdating ng panahon. Ang pastor at best-selling na manunulat sa New York Times na si Craig Groeschel at ang kanyang asawa, si Amy, ay magpapaliwanag ng limang pangako na tutulong na mapagtibay ang samahan ninyong mag-asawa: Unahin ang Diyos, mag-away ng patas, maglibang, manatiling dalisay, at huwag sumuko. Simulan ang pagsasamang nais mo, sa araw na ito - hanggang magpakailanman.
More
Nais naming pasalamatan ang Zondervan, HarperCollins, at LifeChurch.tv para sa planong ito. Para sa karagdagan impormasyon, maaring bisitahin ang: http://www.zondervan.com/from-this-day-forward