Simula sa Araw na Ito nina Craig & Amy GroeschelHalimbawa
“Manatiling Walang Bahid”
Minsan ang mga tao ay gumugugol ng maraming buwan sa pagpaplano ng kasal ngunit nakakaligtaang unahing pagplanuhan ang pagsasama ng habang-buhay. Maaaring dumalo tayo ng mga klase o makipagpulong sa ministrong magkakasal, ngunit kadalasan ay hindi natin napag-uusapan ang mga problemang maaari nating bitbitin sa relasyon. Maaaring hindi natin namamalayan kung paano naaapektuhan ng ating mga iniintindi at pag-uugali ang ating pag-iisa.
Dahil ang pag-aasawa ang pamantayan ng Diyos ng pagsasamang sekswal, ito rin ang lubos na nahihirapan kapag may mga bagaheng sekswal na nadadala sa pagsasama. Maging ito may ay mula sa nakalipas na relasyon, mapang-akit na musika, senswal na nobela, sugat mula sa pang-aabuso, o pornograpiya — anumang daluyang senswal na di napapaloob sa konteksto ng pag-aasawa ay mapinsala. Anumang simple ito, kung ito'y nililihim mo mula sa iyong asawa, sinasara mo ang pinto ng intimasya at binubukas ang pinto ng pangangalunya.
Handa ba kayong magtayo ng mga bakod para maiwasan ang mga pinsalang iyon? Payag ba kayong limitahan ang mga kalayaan para maging matatag mula sa temtasyon? Payag ba kayong maging bukas sa iyong iskedyul, pakikipag-usap, o online interactions? Gawin ang mga ito kapag malakas at kayang protektuhan ang sarili kapag naging mahina. Hingin sa Diyos na ipakita sa'yo ang mga pagkukulang — at magpakatatag.
May mga hangganan bang uubusin? May mga pagkakamali bang magagawa? Tiyak ang mga ito. Suungin ang mga isyu ng isa-isa. Humingi ng tawad sa Diyos. Humingi ng tawad sa asawa mo. Subalit lumaban para manatiling dalisay. Mahalagang maging tunay.
Manalangin tayo: Hesus, ang laki ng binayad Mo upang gawin kaming malinis at bago. Ikaw lamang ang dadalisay sa amin. Tulungan kaming maging matatag sa pananatiling dalisay. Bigyan kami ng kalakasang magpatawad at ingatan ang aming mga puso mula sa pinsala ng kasalanan. Sa Ngalan ni Hesus, amen.

Tungkol sa Gabay na ito
Maaari kang magkaroon ng pambihirang pag-aasawa. Ang mga pipiliin mo ngayon ay makaaapekto sa pag-aasawa mo pagdating ng panahon. Ang pastor at best-selling na manunulat sa New York Times na si Craig Groeschel at ang kanyang asawa, si Amy, ay magpapaliwanag ng limang pangako na tutulong na mapagtibay ang samahan ninyong mag-asawa: Unahin ang Diyos, mag-away ng patas, maglibang, manatiling dalisay, at huwag sumuko. Simulan ang pagsasamang nais mo, sa araw na ito - hanggang magpakailanman.
More
Nais naming pasalamatan ang Zondervan, HarperCollins, at LifeChurch.tv para sa planong ito. Para sa karagdagan impormasyon, maaring bisitahin ang: http://www.zondervan.com/from-this-day-forward