Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Simula sa Araw na Ito nina Craig & Amy GroeschelHalimbawa

Craig & Amy Groeschel’s From This Day Forward

ARAW 4 NG 7

"Magsaya"

Ang pagkakaroon ng katipan ay maaring magdulot ng kasiyahan. Ito ay puno ng pananabik at katuwaan, ngunit ito ay sandaling oras lamang kumpara sa panghabang-buhay na pagsasasama. Paano mo madadala ang kasayahan ng pakikipagligawan, pakikipagtipan, at honeymoon sa bawat taon na ikaw ay kasal? Paano ka magsasaya kung may kinakaharap kang mga problema sa pera, sa mga anak, o mga pagbabagong kaakibat ng buhay? Kailangan mo bang patuloy na suyuin ang iyong asawa kahit na "nabingwit" mo na siya?OO! Kailangan ninyong unahin ang pagsasaya na magkasama. Maaaring ito ay para na lamang isang luho na hindi mo kayang pagkagastusan, ngunit ang katotohanan ay, isa itong mahalagang bahagi ng pag-aasawa na malayo ang nararating. Isang mahalagang sangkap ang kasayahan. At kaya mong PILIING magsaya kasama ang iyong asawa.

Paano kung ang pagsasama ng ibang taong kasal ay mas masaya kaysa sa inyo? Paano kung tawanan ng babae sa bangko ang iyong mga biro? Paano kung ang lalaki sa opisina ay mukhang madalasa na mas may magandang plano para sa katapusan ng linggo? Kung mukhang mas berde ang damo sa ibang lugar — diligin mo ang iyong bakuran! Sadyain mo ang pagkakaroon ng malapit na kalooban at pagiging konektado sa isa't isa. Sikapin mong mapanumbalik ang pagiging matalik ninyong magkaibigan: tumawa nang magkasama, magyakapan, sungpungin ang isa't isa upang gumaan ang pakiramdam at maging maligaya. Maaring hindi nakaaaliw ang pagtatakda ng oras para magsaya, ngunit maaring dito kayo dapat mag-umpisa. At ang ganoong klase ng relasyon ang iyong hinahangad, hindi ba?

Halina't manalangin tayo: Ama, kami po ay nagsisisi dahil aming pinahintulutan ang ibang bagay na agawin ang oras namin sa isa't isa. Tulungan po Ninyo kami na magkaroon ng oras na para lamang sa isa't isa. Gawin po Ninyo kaming matalino at malikhain sa paghahanap ng mga bagay na ikalulugod naming gawin na magkasama. Sa ngalan ni Hesus, amen.
Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Craig & Amy Groeschel’s From This Day Forward

Maaari kang magkaroon ng pambihirang pag-aasawa. Ang mga pipiliin mo ngayon ay makaaapekto sa pag-aasawa mo pagdating ng panahon. Ang pastor at best-selling na manunulat sa New York Times na si Craig Groeschel at ang kanyang asawa, si Amy, ay magpapaliwanag ng limang pangako na tutulong na mapagtibay ang samahan ninyong mag-asawa: Unahin ang Diyos, mag-away ng patas, maglibang, manatiling dalisay, at huwag sumuko. Simulan ang pagsasamang nais mo, sa araw na ito - hanggang magpakailanman.

More

Nais naming pasalamatan ang Zondervan, HarperCollins, at LifeChurch.tv para sa planong ito. Para sa karagdagan impormasyon, maaring bisitahin ang: http://www.zondervan.com/from-this-day-forward