Simula sa Araw na Ito nina Craig & Amy GroeschelHalimbawa
"Simula Sa Araw na Ito"
Kahit hindi ka pa nag-aasawa ngayon, nangarap ka ba kung paano ang buhay may asawa? Kung anong mga katangian ng mapapangasawa mo? Anong klase ng samahan ninyo? Pati ang pagkakaroon ng mga anak at kung saan kayo titira? Ngayon ay pagnilayan any iyong buhay sa kasalukuyan. Kapag ang katotohanan ay hindi tugma sa mga hangarin, ano ang maaari nating gawin?
Karaniwang binabanggit sa sumpaan ng mga ikinakasal ang mga katagang "sa hirap o ginhawa, sa kayamanan o kahirapan, sa sakit man o kalusugan." Taglay lahat ito ng mga relasyon. Anumang mga kalagayan, desisyon, pagkukulang, o sorpresa ang dumating na nagdala sa atin sa hindi kaiga-igayang sitwasyon, hindi natin maaring balikan ang nakalipas para ayusin ito. Maari lamang tayong magpasya para sa mas mainam na kinabukasan simula ngayon — "simula sa araw na ito."
Kung ang pagkakaroon ng pinangarap mong pag-aasawa ay madali, dapat ay nasa kamay mo na ito ngayon, diba? Kung wala kang lakas, kinakailangan mong matutunang sumandal kay Kristo, Na siyang tuna Na laging sapat para sa'yo. At kahit na tila nasa isang lugar ka na wala nang pag-ibig — makaaasa ka sa Kanyang pag-ibig na hindi nagmamaliw.
Manalangin tayo: Panginoon, salamat po sa araw na ito na regalo mula sa Iyo, isang pagkakataong magsimula muli. Tulungan kaming magpatawad at kalimutan ang nakalipas. Tulungan kaming makita ang kalakasan Mo sa gitna ng aming kahinaan ngayon, at muli bukas, at sa mga susunod pang araw. Sa ngalan ni Hesus, amen.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Maaari kang magkaroon ng pambihirang pag-aasawa. Ang mga pipiliin mo ngayon ay makaaapekto sa pag-aasawa mo pagdating ng panahon. Ang pastor at best-selling na manunulat sa New York Times na si Craig Groeschel at ang kanyang asawa, si Amy, ay magpapaliwanag ng limang pangako na tutulong na mapagtibay ang samahan ninyong mag-asawa: Unahin ang Diyos, mag-away ng patas, maglibang, manatiling dalisay, at huwag sumuko. Simulan ang pagsasamang nais mo, sa araw na ito - hanggang magpakailanman.
More
Nais naming pasalamatan ang Zondervan, HarperCollins, at LifeChurch.tv para sa planong ito. Para sa karagdagan impormasyon, maaring bisitahin ang: http://www.zondervan.com/from-this-day-forward