Banal na Pagsisikap: Yakapin ang Buhay ng Puspusang-Pagtatrabaho, Buhay ng Mahusay na PagpapahingaHalimbawa
Sa aming tahanan, ang pagsusumikap ay hindi isang nakakatakot na salita. Sadyang ito lang talaga ang ginagawa ko.
Kung titingnan natin sa diksyunaryo ang kahulugan ng salitang pagsusumikap, ang ibig sabihin lamang nito ay "pagkilos ng mabilis o masigla". Hindi ba't napapaalalahanan ka nito ng Mga Taga-Colosas 3:23? "Anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo nang buong puso na parang sa Panginoon kayo naglilingkod at hindi sa tao" (RTPV05). Kapag ako ay nakokonsensya tungkol sa aking masumikap na pagtatrabaho at sinusubukang gayahin ang mga modelo ng pagpapahinga at pag-aalaga ng kaluluwa na tanyag ngayon, natatagpuan kong nagiging masyadong tamad ako. Kapag naman sinubukan kong magtrabaho nang walang tigil, para bang ginagaya ang kahulugan ng mundo sa salitang pagsusumikap, natatagpuan ko ang aking sariling masyadong nagpupunyagi at pagod na pagod.
Alinman sa dalawang ito, lagi akong nauuwi sa pagiging malungkot.
Pinaglilingkuran natin ang Diyos na lumikha ng sanlibutan at ang lahat ng narito mula sa kawalan sa loob ng anim na araw. Nagmodelo ang Diyos ng pagtatrabaho para sa atin—masigla, malikhain, mapagsumikap na sinusundan ng pamamahinga. Habang ako ay nananalangin kung paanong ang modelong ito ay aangkop sa konsepto ng modernong pagsusumikap, may mga ilang bagay na ipinahayag ang Diyos sa akin:
- Ang pagsusumikap ay hindi masama kung nagsusumikap tayong gawin ang nakakaluwalhati sa Diyos at napaglilingkuran ang Kanyang kaharian.
- Ang Salita ng Diyos ay nagbibigay ng halimbawa ng pagpapalang nakakamit sa masumikap na pagtatrabaho.
- Hindi natin maaaring ipamuhay ang 100 porsyento ng ating mga buhay na nakamodelo sa unang anim na araw ng pagkalikha at isawalang bahala ang ikapitong araw.
Hindi ibig sabihin ng pagsusumikap ay ang pangunguna sa iba, o pagkuha ng pansin ng madla para sa ating mga sarili. Ang banal na pagsusumikap ay tungkol sa pagsisipag sa trabaho gaya ng iniuutos sa Mga Taga-Colosas 3:23, pamumuhay nang buong-buo sa lugar kung saan tayo inilagay ng Diyos at pagtuklas sa mapagpanumbalik na balanse ng pagtatrabaho at pamamahinga.
Ngayon, maglaan ng oras upang manalangin tungkol sa iyong kasalukuyang balanse ng pagtatrabaho/pamamahinga. Hilingin mo sa Diyos na ipahayag sa iyo ang mga bahagi ng iyong buhay na hindi nakaayon sa Kanyang plano para sa iyo, mga lugar na kung saan ikaw ay masyadong nagsusumikap magtrabaho at mayroon lamang kakaunting pahinga, o lugar kung saan masyado kang nagpapahinga at kaunti ang pagtatrabaho. Maglaan ng oras upang isulat ang iyong mga layunin, lahat ng nais mong makamit maaring sa paparating na taon, at saka mapagpakumbabang ialay ang mga layuning ito pabalik sa Diyos.
Alisin ang kahit anong bagay na ipinaaalis Niya sa iyo at idagdag ang mga bagong bagay na ilalagay Niya sa iyong puso. Hingin mo sa Diyos na ipakita Niya sa iyo kung paano mo madadakila ang Kanyang pangalan sa pamamagitan ng pagtatrabaho mo sa mga proyektong ito, at hingin ang Kanyang kapatawaran sa mga panahong ang kasakiman, ang paghahanap ng katanyagan o ang pakikipagkompetensya ang nag-uudyok sa iyo.
* * *
Ang mga debosyonal na ito ay kinuha mula sa Holy Hustle: Embracing a Work-Hard, Rest-Well Life ni Crystal Stine. Upang mas marami pang matuklasan kung paano magtrabaho nang walang nararamdamang hiya at magpahinga nang hindi nakokonsensya, bisitahin ang https://amzn.to/2I3ow1d.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Pagbabalanse. Ito ang hinahanap natin sa ating mga buhay habang naririnig natin ang sigaw ng "Mas pag-igihan mo pang magtrabaho" sa isang tenga, at bumubulong naman sa kabila ang "mas damihan mo ang pagpapahinga". Paano kung ang plano ng Diyos ay hindi lang basta ganoon? Pasukin ang banal na pagsusumikap—ang pamumuhay ng puspusang pagtatrabaho at maayos na pagpapahinga sa pamamaraang kapuri-puri sa Diyos.
More